Work,work,work na ulit ako mga Beshies. Kailangan ko 'to e :)
Maaga ako ngayon dito sa office, for sure tambak na ang mga gawain ko.And speaking of office .. Wala pa si Shawn.
Pero nauna naman silang umalis ni Ebony kanina. Hmp! Bahala kayo. Type,print and spread! Kapagod na agad ha, akyat-baba na naman ako. Pero ayos na rin kasi parang nagwo-work out na rin ako. Sesexy na ako!
"Woooh! Sorry I'm late." Shawn.
Tiningnan ko lang sya, hmm? Parang ang weird nya. Nandito kasi ako sa lobby ngayon, e sakto dumating na sya.
"Saan ba kayo nagpunta?" Tanong ko.
"Traffic e." Sagot nya.
"Huh? Traffic?! Hindi kaya, ang sabihin mo nag-date na naman kayo." Ako.
Tumawa sya and sumama na sa akin tumaas sa office. Tahimik lang kami dito sa loob ng elevator.
"K-kamusta na sya?" Ako.
"Akala ko ba hahayaan mo na sya?" Shawn.
"Hindi ko lang maiwasan e." Ako.
Inakbayan nya ako at ngumiti. Nag-buntong hininga ako atsaka pumikit, ang hirap mong kalimutan. Bakit Blake?! Bakit mo ako pinahihirapan ng ganito?
Ano bang dapat kong gawin? Akala ko malaya na ako. Hindi pa pala! Or habang-buhay na lang akong bilanggo sa ala-ala nya?
Dapat kasi nakipag-ayos na ako sa kanya bago sya umalis, atleast hindi ako nagkakaganito.(Blake's POV)
Nasa photo shoot ako ngayon. Argh! I'm so tired, I want to rest.
I wanna go to bar or club and make some fun."Blake anak, anong problema?" Mommy.
"Nothing." Matipid kong sabi.
Dumating ang manager ko at may kasama syang babae. Maganda sya, maputi and ang sexy nya! Papalapit sila sa akin at agad naman akong tumayo.
"Blake, this is Ms.Courtney Jones from Los Angeles. She is your partner in our shoot." Albert.
Nagshake-hands kami 'nung babae and I smile at her.
Pinaupo ko sya sa tabi ko and I entertain her. I need to be gentleman and kind para naman ma-impress sya sa akin.
"I'm working in Nylon Magazine for six years." Courtney.
"Wow, that was amazing. This is my first time in modeling industry." Ako.
She is so cute! Panay lang ang ngiti nya. She can't stop smiling and laughing, bakit kaya? Nagdala sya ng good vibes ngayong araw.
(Trisha's POV)
Lunch time!
Inihatid ako ni Shawn dito sa Restaurant. And yun nga, paikot-ikot naman ako. Grabe! Bugbog na ang katawan ko sa trabaho.
"Hindi ka pa ba pagod?" Joseph.
"Uhm- Medyo. Ayos lang ako, kaya ko pa." Ako.
"Sabihin mo lang kapag may problema." Joseph.
Tumango ako at nginitian ko sya. Magiging ayos din ang lahat, aasenso din ako! At isa pa, makaka-MOVE ON din ako.
Oo, tama ang nabasa nyo!
HEMWUEH, HEMWUEH, HEMWUEH!
Natapos na ang araw ko sa resto at nandito na ako sa bahay ngayon. Maka-ipon lang ako sa bangko ng atleast 500K, magiibang bansa ako :) Hihi.
Nag-open ako ng instagram account ako and I found something.
Si Blake may kasamang babae sa isang Bar -______- Hays! Sinisira nya lang ang image nya.
"Ang ganda naman ng kasama nya." Ebony.
"Yeah. Pero hindi magiging maganda ang resulta, baka ikasira nya yun." Ako.
Tumawa lang si Ebony. Tss! Kung walang may paki sa mga sinasabi ko pwes .. WALA LANG :)
Magpapahinga na ako para bukas maganda ulit ako. Haha!
Sana dumating na yung araw na makapag-abroad na ako para mahaba-haba naman ang pahinga ko. Para wala ring mga sagabal sa akin.