Nakaupo ako habang pinapanood si Blake sa kanyang acting workshop. Infairness, magaling sya. Dedicated sya ha? Sana ako ang leading lady nya, but I'am just an ordinary girl.
"Is she your girlfriend?" Marissa.
Yun daw pangalan ng teacher e, hmm- opo ako nga po.
"No, she's my assistant." Blake.
Tumango sya, akala ko naman e. Balang araw, ipagmamalaki mo rin ako! Ano ba?! Ano ba 'tong mga iniisip ko? Naupo si Blake sa tabi ko.
"Hindi pa tapos?" Ako.
"Shut up! Wala kang paki okay, bumili ka ng three boxes ng pizza. Ngayon na!" Blake.
Hala sya?! Agad naman akong lumabas at nagpahatid sa driver, nagsisimula na naman sya. Lasunin ko kaya sya? Hmp. Buti na lang malapit lang ang pizza parlor, syempre inorder ko yung pinakamahal. Ako naman ang humahawak ng wallet ni Blake e, kaya I can buy what I want!
Agad rin naman akong nakabalik sa studio, ang sama ng tingin ni Blake sa akin.
"Tagal mo." Blake.
"Sorry na, hindi naman ako si Flash e." Ako.
Kumain na sila, inaamin ko natatakam ako .. Pero wala silang paki sa akin! Lalabas dapat ako kaso baka magalit na naman sya, itinuon ko na lang ang atensyon ko sa cellphone. Nakalimutan ko kasing magdala ng libro, para hindi ako mabored.
"Miss, you want one?" Marissa.
"No, don't mind her." Blake.
Aaaaaahhhhh! Ang sama mo talaga demonyo ka! Natawa na lang sya nang makita nya akong naiinis na, wala kang puso!
"Thank you for the tips that you gave for me." Blake.
Akala mo naman kung sinong mabait, demonyo naman. Natapos na ang pang-iinggit nila, hinatak na ako ni Blake palabas.
"Aray ko naman!!" Sabi ko.
Nasa van na kami, parang nagsugat ang kamay ko. Grabe sya!
"Ikaw wag kang maarte huh! Paawa ka pa." Blake.
"Tatlong box yung binili ko, ni isa wala akong natikman!" Ako.
Tiningnan nya ako ng masama, magagalit na ba sya? Ayaw nya kasi yung nagko-complain e. Hindi ko na talaga kaya ang mga nangyayari.
"Don't you ever shout on me, or else I will kick you out of this place!" Galit nyang sabi.
"Ikaw lang ba may karapatang sumigaw?!" Sabi ko.
Aaaahhh .. Bahala na, bahala na talaga. Wala naman syang magagawa di ba, kasi sya naman yung lumapit sa akin e. Oh di ba?
Kaya wag nya akong aanuhin, ipagkakalat kong buntis ako at sya ang ama .. Hmp! Ano ba 'to? Kung anu-ano na pumapasok sa isip ko."Talaga bang ganyan ka na katapang?" Blake.
"Hindi na kasi ako gaya ng dati, hindi mo na ako maaalipin ngayon." Ako.
"Damn!" Bulong nya.
Inis ka pala e, subukan mo akong saktan at talagang ipapademanda kita! Kahit artista ka pa sa lugar na 'to, I don't care!
Nandito naman kami ngayon sa isang company, ewan ko kung ano 'to. Sa top floor kami nagpunta, mukhang may meeting.
"Sasama ba ako?" Tanong ko.
"Yeah." Matipid nyang sagot.
Pagpasok namin, agad naman akong naupo sa gilid. Sa tingin ko may kasama silang mga artista, hindi ko lang matandaan kung sino-sino sila.
Kinuha ko yung note pad at itatake down ko ang mga ichichika nila.