Chapter Twelve

9.9K 199 0
                                    

(Blake's POV)

Hahalikan ko na dapat si Trisha nang biglang–

"Babe."

Napalingon kaming dalawa ni Trisha.

Si Carby pala 'yon. Lumapit ako sa kaniya.

"A-Anong ginagawa nyo?"

Mukhang nakainom si Carby. Balak ata gumawa ng eskandalo. Hinawakan ko kaagad sa braso si Trisha upang umiwas sa gulong binabalak ni Carby.

"Don't tell me na may gusto ka sa basahang 'to!" saad ni Carby habang nakaturo kay Trisha.

Susugudin dapat siya ni Trisha pero pumagitna na ako.

"Trish,please?" pakiusap ko.

"Hindi ako papayag na tawagin niya akong basahan." galit na tugon ni Trisha.

Sinugod niya si Carby at tinulak dahilan upang mapahiga siya sa sand. Sa sobrang galit ni Trisha ay walang tigil niya itong sinampal, kaya naman tinawag ko na si Shawn upang manghingi ng tulong.

"Punong-puno na ako sayo!" pasigaw na sabi ni Trisha.

Nagdudugo na rin ang labi ni Carby.

Niyakap agad ni Shawn si Trisha. Tinulungan ko namang makatayo si Carby.

"Blake, may malapit na first aid booth dito. Dalhin mo na siya roon." utos ni Shawn sa akin.

Nakatingin sa akin si Trisha.

Dinala ko na si Carby at naiwan ko na silang dalawa.

"Ikaw naman kasi susugod-sugod ka pa!" inis ko namang sabi kay Carby.

"W-Why?! You are my boyfriend, and–"

Hindi ko na tinuloy ang kaniyang sasabihin at mabilis ko siyang dinala sa first aid booth.

"Iiwanan ko po muna siya rito." bilin ko sa medical volunteer.

Mabilis akong bumalik kung nasaan sina Trisha at Shawn kanina

At hindi ako makapaniwala sa aking nakita–

*****

(Trisha's POV)

"Babe."

Napalingon kaming dalawa ni Blake.

Si Carby? At lasing sya. Lumapit kami ni Blake. Alam kong manggugulo na naman siya.

"Don't tell me na may gusto ka sa basahang 'to!" saad ni Carby at nakaturo pa siya sa akin.

Nanggigil agad ako. BASAHAN?! Sinabi na naman niya yun?

Pumagitna si Blake sa amin.

"Trish, please." pakiusap ni Blake sa akin.

"Hindi ako papayag na tawagin niya akong basahan." inis kong tugon.

Nanggigigil na ako sa bruha na yan noon pa!

Sinugod ko na si Carby at pinagsasampal ito. Maya-maya ay inawat ako ni Shawn at niyakap.

"Blake, may malapit na first aid booth dito. Dalhin mo na siya roon." sabi ni Shawn.

Tiningnan ko si Blake.

"Wag na please!" sabi ko sa isip ko.

Pero umalis na sila.

Nakita kong binuhat pa niya si Carby.

Iniharap ako ni Shawn sa kaniya.

"Ano'ng ginagawa ninyo ni Blake dito?" tanong ni Shawn.

"Wala. Nag-uusap lang kami." tugon ko.

"Trisha sagutin mo na kasi ako! Kaya kong higitan si Blake. Ako na lang ang mahalin mo." hinawakan ni Shawn ang magkabila kong braso.

Tiningnan ko siya ng seryoso.

"Shawn, kahit anong pilit ko wala talaga akong special na nararamdaman para sayo. I'm sorry." paliwanag ko sa kaniya.

Nagulat ako nang inulit na naman niya ang ginawa niya noon.

He kissed me.

Tinulak ko agad siya palayo sa akin.

Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Blake at sinuntok sa mukha si Shawn.

"Blake stop!" pilit ko siyang inaawat.

"Stop stealing my girl or else– friendship is over!" Blake.

STEALING MY GIRL?

Hinawakan na ako sa kamay ni Blake at bumalik na kami sa aming hotel room.

"Magbihis ka na." galit na sabi ni Blake.

"G-Galit ka ba?" utal kong tanong.

Humiga na siya sa kama.

"Trish–"

Dumeretso na ako sa comfort room upang magbihis.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay agad akong humiga sa sofa.

"Trish–" muling pagtawag ni Blake sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Dito ka matulog sa kama." utos niya sa akin.

"Ano, tabi tayo?!" tanong ko.

Binuhat niya ako at dinala sa kama.

"I want to sleep together with you." Blake told me while smiling.

Kinumutan niya ako at niyakap.

Pinilit ko namang umalis sa kaniyang tabi.

"Teka nga lang! Naguguluhan ako ha. Sa sofa ako matutulog okay?" inis kong sabi.

"Bakit ba ang arte mo?! Bahala ka nga sa buhay mo."

Tumalikod siya at nagtaklob ng kumot.

Hinampas ko ang noo ko sa pikon at inis na nararamdaman ko.

Bakit ganiyan siya?

Lumabas muna ako saglit at nagpunta sa bar. I saw Shawn at nilapitan ko sya.

"Mag-isa ka lang?" tanong ko sa kaniya.

Halatang nagulat siya at napangiti.

"Anong ginagawa mo dito? Teka, baka magalit si Blake." sabi ni Shawn sa akin.

"Sorry nga pala sa ginawa niya ha? Ako na ang hihingi ng pasensya." saad ko.

Binigyan niya ako ng beer.

"Hmm– Honestly, wala namang kami e. Masyado lang akong feelingera." nag-start na akong mag-open kay Shawn.

Tumingin siya sa akin. Ayan na naman siya sa mga tinging nakakakaba! Ininom ko na lang yung beer sa kaba.

"Tulog na ako. Salamat sa drinks."

Paglabas ko ng Bar–

"Sabi na nga ba e!"

Si Blake.

Agad niya akong hinila at kinaladkad pabalik sa room namin.

"Who told you to go there?!" Blake asked me with his mad voice.

"Me,myself and I!" ginantihan ko siya ng sigaw.

"Shut up! Matulog na tayo." inis na tugon ni Blake.

"Ayaw kong matulog sa tabi mo!" saad ko.

Binato niya ako ng unan.

"E di dyan ka! Ang arte!" saad ni Blake atsaka humiga.

Sobrang galit na siya sa akin.

Natulog na kami ng payapa. Maaga pa kaming gigising bukas para sa Main Event.

~

🖋author_mj17

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon