Paggising ko ..
Wala si Blake sa kwarto pero may paper bag sa tabi ko. Kinuha ko yun at binuksan.
Isang napakaganda at mukhang mamahaling damit na pambabae? Nagtaka naman ako, kaya agad akong bumaba para tanungin si Blake.
"Hey, kanino 'to?" Tanong ko.
Nandito sya sa kusina at gumagawa ng sandwich. Agad naman nya akong niyakap.
"That very elegant dress is for my queen, isusuot mo yan sa concert ko." Sabi ni Blake.
Nag-blush naman ako bigla, kasi parang ito lang ata yung first time na binigyan nya ako ng regalo. Bakit kaya ang bilis kong kiligin noh?!
"Thank you ha." Ako.
"You don't need to say thank you my queen." Sabi ni Blake.
"Okay, I love you." Then I kiss him.
Naupo na ako sa dining para hintayin si Blake at yung break fast, nagluto din sya ng pan cakes and steaks. Naupo na din sya para kumain.
Dumating din naman yung mag-asawa at may dalang spicy adobo na paborito ko, sinaluhan na nila kami sa pagkain. Lagi na lang silang nandito! :) Haha, katuwa.
"Nagustuhan mo ba yung damit?" Tanong ni Shawn.
"Oo, ang ganda e." Ako.
"Syempre si Blake ang pumili, bakla kaya yan! Haha." Biro ni Shawn.
Nagtawanan naman kaming apat, medyo nainis naman si Blake pero maya-maya ay natawa din naman sya. Minsan abnormal din ang taong 'to e. Ewan ko ba?!
Pagtapos kumain ay nag-asikaso na si Blake dahil pupuntahan naman nya ang kanyang stylist para sa mga susuotin nya sa concert. By the way, ako ang kasama nya! Yehey :)
Nagmadali na din akong mag-asikaso para makaalis na kami. Yung mag-asawa may sariling gala.
Paalis na kami. Si Blake ang magda-drive, pinagday-off na muna nya si Mang Ambo at yung dalawang body guards, mabait naman pala sya e.
"Sinama na kita ha, baka kasi maghinala ka na naman sirain mo ulit yung phone ko." Blake.
"Talaga!" Sabi ko.
Natawa naman sya pero hindi nya alam seryoso ako.
"Do you want to learn how to drive?" Tanong ni Blake.
"No, I'm scared." Sagot ko.
"Pa'no yan kapag wala kaming tatlo o kaya si Mang Ambo, mag-tataxi ka?" Blake.
Tinakpan ko ang mukha ko ng kamay ko, ano ba naman yan? Kailangan pa bang matuto akong mag-drive? Hmp. Wala naman kasi kaming kotse noon e, kung meron lang kahit truck ipagda-drive ko sila!
"O-okay na yun." Mahina kong sabi.
"No, it's not okay for Blake's queen." Sabi ni Blake.
"So, tuturuan mo akong mag-drive?" Natatakot kong tanong.
Tumango lang sya habang nakatingin sa dinadaanan namin. Nagstart na akong kabahan, kaya ko ba yun? Parang ayoko, pero hindi ko naman matatanggihan si Blake kasi magagalit yan e.
Sa buong byahe namin nag-iisip lang ako. Nakakainis!
Nandito na kami sa stylist ni Blake kasama ang sponsor nya sa mga susuotin nya sa concert.
Si Kate ang stylist and si Rem ang sponsor na may-ari daw ng REM FASHION. Naupo muna kami to discuss some things and etc.
