Nakauwi rin sa wakas!
Mukhang nabingi si Manong sa boses ko ah :) Panay ang kalikot nya sa tenga nya e.
Pagpasok ko sa loob ..
Aba .. Nagluto si Bff :) Dumeretso ako sa kusina. Mukhang yummy yan ah?
"Hi Best, nandyan ka na pala. Hindi ka manlang nagdoorbell." Ebony.
"Kailangan pa ba?!" Biro ko.
Tumawa kaming dalawa, BFF THINGS 👭 Nagluto sya ng .. Ewan ko kung ano 'to e. Basta baboy sya tapos may kung anu-ano pang spices.
As usual, kahit may dining room dito kami sa sala kumakain habang nanonood ng paborito naming palabas. Hindi pa ako nagbibihis, pero ayos na yan.
"Bakit hindi mo kasama si Shawn?" Ebony.
"Nag-commute nga lang ako e, sawa na ata sayo. Haha!" Ako.
"Che! Baka busy." Ebony.
Tinawanan ko na lang sya, busy daw? E hindi nga kumikilos sa opisina kanina, nakaupo lang maghapon.
(Blake's POV)
I'am taking my Acting Class today. May guesting daw ako sa isang Movie Series, tingnan mo nga naman oh. Sa sobrang gwapo ko, instant artista na rin ako.
Kaya James Reid, Zac Efron, Inigo Pascual, humanda na kayo! Heto na ako :) Hahahahaha.
Girls, kalma lang kayo. Ako lang 'to, BLAKE HIDALGO ng puso nyo. Tsk! Tsk! Mmwwuuaahh 😘
"Galingan mo anak ha." Mommy.
"Ofcourse Mom." Sabi ko.
Nandito na kami sa Acting School ngayon, sinalubong ako ng magiging acting teacher ko.
Babae sya, hmm- mukhang masungit.
"Good day Blake! I'am Marissa, I will teach you some techniques when it comes to acting." Marissa.
Nginitian ko sya .. Pumasok na kami sa loob. Naupo muna ako at may idiniscuss muna sya.
Hanggang dito ba naman may mga flashes pa rin ng camera?! Oh damn! Gigil nyo si ako. Haha!
"Okay, can we start acting now?" Marissa.
Tumayo ako at binigyan nya ako ng papel.
"Okay, let's do this!" Ako.
First setting; kunwari nagagalit ako sa girl friend ko. Wow! Kayang-kaya ko yan.
"How dare you to cheat on me?!" Ako.
Ginalingan e no :) pumalakpak sya dahil I give my best, mukhang totoo nga e. Kasi naiisip ko si Trisha, yung kaartehan nya.
"You are so amazing." Marissa.
"Thank You." Ako.
Next setting; magmamakaawa ako.
Damn. Hindi ako marunong humingi ng awa, hindi naman ako ganung tao e. Well, let's accept it na lang.
"Please forgive me, I'm begging you please (teary eyes)"
Medyo mahirap. Pero hanga talaga si Marissa sa akin, pati yung mga media pumapalakpak din. Hmm- give me more baby!
"That's all for today, but remember when you are on set be natural and embrace your role." Marissa.
"Okay, I will remember that. Thank you so much." Ako.
Paglabas ko ng studio .. Ayan na, dinumog na nila ako! Argh, damn. Nagsuot ako ng shades dahil napaka-sakit sa mata ng flashes nila! Mabilis akong naglakad papasok sa Van, aba! Talagang kinakalabog nila ang kotse, ang titigas ng mukha.
"Anak, ano?" Mommy.
"I really enjoy the class." Ako.
Tumango sya at hinawakan ang hita ko sabay ngumiti ..
"Thanks Mom." Dugtong ko.
Hinalikan ko sya sa noo, kahit papaano naman sweet ako sa magulang ko.
