It's Sunday.
Lahat kami ay nandito lang sa bahay, specifically nasa pool kaming lahat including Mr. and Mrs. Reyes, nag-iihaw kami ng barbecue, hotdogs and steaks.
It's family day every sunday!
"Bro, bentang-benta yung trip mo kagabi ah." Shawn.
"Alam mo bang tanaw na tanaw sa terrace namin ang ginagawa nyo?" Ebony.
Inakbayan naman ako ni Blake, para saan ba kasi yun? Ako lang ata ang walang idea ah, pinag-kakaisahan ba nila ako?
Balak ba nila kaming paghiwalayin ni Blake? No, wag naman sana. Masakit yun sobra!
Ilang chances na ang nasayang namin, at ayoko nang masira pa ulit kami."Hey, Trisha!" Shawn.
Bumalik ako sa katinuan at tiningnan ko sila. Wag ka munang mag-isip ng kung ano Trisha, postive lang tayo mga Beshies!
"B-bakit?" Tanong ko.
"Anong iniisip mo?" Shawn.
"Ah, wala." Matipid kong sabi.
Bigla akong binuhat ni Blake at itinapon sa pool, waaaaaaaaah! Bakit Blake? Bigla naman syang sumunod.
Si Ebony naman ay marahang lumawlaw sa pool at lumangoy ng maingat.
"Best, it's time to party!" Ebony.
Nag-barilan kami ng water gun, kahit papaano masaya naman ako sa kung anong pinaplano nila.
Pagtapos ay umahon na kami para kumain, sina Mommy't Daddy naman ang nagbabad sa pool.
"Ano bang iniisip mo?" Blake.
"Ha? Ah, wala." Sabi ko.
Kiniss nya ang noo ko, hays! Wag kang masyadong mag-alala Trisha, malay natin pupunta lang sya sandali sa Italy, France o kaya Australia di ba? Tapos babalik naman sya kaagad e.
"Are you sure?" Blake.
"Yeah." Matipid kong sabi.
Hindi naman ako iiwan ni Blake e, sobrang mahal na mahal kaya nya ako :( Kaya hindi nya magagawang iwan ako.
Atsaka isa pa, malapit na ang concert nya kaya dapat mas maging relaxed sya.
"Bro, advanced congratulations na." Shawn.
"Salamat Bro." Blake.
"Grabe ilang tulog na lang Blake. Nakaka-excite!" Ebony.
Nginitian ko naman sila, ako na lang kasi yung walang reaction.
"Nagsasave lang ako ng madaming energy para sa concert ni Blake." Biro ko.
Nagtawanan naman sila. Oo, kailangan energetic ako! Oo, excited na din ako sobra.
Pagtapos ng gimik sa pool ay kanya-kanya na kaming higaan. Bukas na ang final rehearsal ni Blake dahil one week na lang pala concert na nya -_________-
Nandito na kami sa kwarto at nakahiga.
"Mamayang hapon magpa-practice ako ng kanta sa sala. Tapos bukas final rehearsal na, grabe excited na ako." Blake.
"Proud ako for you." Sabi ko.
"Salamat ha?" Blake.
Kiniss nya ako sa lips, I can't wait to see him performing infront of millions and millions of his fans. Ito na yung big break na pinaka-hihintay nya.
Natulog muna kami sandali ni Blake dahil pagod kami sa kakalangoy kanina.
4:30 PM
Agad na bumaba si Blake at inihanda ang mga lyrics ng kakantahin nya.
Naupo naman ako sa tabi nya, hmm- sinimulan na nya ang pagkanta. Nakaka-inlove talaga sya, feeling ko hinaharana nya ako.
"I love you." Bulong ko.
Habang kumakanta sya ay tiningnan nya ako at niyakap. Aahhhh! I'm a big fan My King.
Mabilis nyang natapos ang unang kanta, binigyan ko muna sya ng tubig.
"I love your voice." Ako.
"Narinig ko yung binulong mo kanina." Nakangiti nyang sabi.
"W-wala yun." Sabi ko.
Niyakap na naman nya ako, sabay naming kinanta yung next song :) Aahhhh, kilig na ako tagos sa bones mga BESHIES! 💀💀💀