Chapter Twenty-One

8K 139 2
                                        

Nagpunta ako sa bahay nila Trisha upang mag-sorry sa kaniya.

"Bakit ka nandito?" pagsusungit ni Trisha.

Binigay ko sa kaniya yung manika na binili ko sa mall.

Kinuha niya yun at binuksan.

"Barbie doll?" tila naiinis niyang saad.

"When I saw that, naisip agad kita. Sorry na please?" saad ko.

Pumasok siya sa kwarto niya. Susundan ko dapat siya ngunit agad siyang lumabas.

"Ano? Pinapatawad mo na ba ako?" tanong ko sa kaniya.

Umupo kaming dalawa.

Tinitigan niya ako ng masama, baka sapakin ako.

"Hindi pa." matipid na tugon ni Trisha.

Hinawakan ko siya sa kamay.

"Please sorry na!" pagmamakaawa ko.

"Ano ba'ng problema mo? Mukhang aalis ka yata. So please get lost, ngayon na." galit na saad ni Trisha.

Sumimangot ako. Ang hirap niyang amuhin infairness.

*****

(Trisha's POV)

Nandito si Blake sa bahay at humihingi siya ng tawad. Buti wala si Mama at baka siya na naman ang kampihan 'nun.

"Trish please?" pagmamakaawa ni Blake.

"Honestly, na-appreaciate ko yung manika na dala mo." saad ko.

Ngumiti siya at nilapitan ako.

"Talaga? So, bati na ba tayo? Bati na tayo Trish?" saad ni Blake.

Hahalikan niya dapat ako pero tinulak ko siya kaya siya napaupo sa sofa. Tumawa ako ng patago.

"Sobra ka na ha?!"

Hala! Galit na sya. Pataasan talaga ng pride huh?

Pero bakit ayaw pa niya umalis?

"Get out." mahinahon kong sabi.

Tumayo siya at muling lumapit sa akin.

"Talaga!" sigaw nya.

Ouch! Okay fine. Bumabalik na naman siya sa dati nyang ugali.

Nagbihis ako para gumala.

MAG-ISA!

------*

Hmm. Saan ba magandang pumunta? Sa Arcade? Restaurant?

Nagtambay muna ako sa food court at kumain ng ice cream and french fries.

"Can I join?"

Si Shawn na naman. Nginitian ko siya.

"Kahapon si Blake ang mag-isa, ngayon ikaw naman? Haha. Yung totoo?" tila nang-aasar na sabi ni Shawn.

Hindi ba niya nakikita ang mukha kong nakabusangot?

"Magkaaway kami." saad ko.

"Woah. At bakit naman?" Shawn asked me.

Hindi na ako nagsalita. Private na yun.

"Gusto mo samahan muna kita?" dagdag pa ni Shawn.

"Huwag na. Dederetso pasok na rin ako sa university." saad ko.

"Walang papasok masyado ngayon. Busy sila para sa party ni Carby mamaya." tugon naman ni Shawn.

Tumayo na ako.

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon