Malapit na akong bumalik sa work. Nandito kami ni Ebony sa Shop nya dahil ihahatid na daw ni Shawn si Blake sa Airport.
Tahimik lang ako at inaasikaso ang mga customers, but I'am wearing a big smile. Para naman may good vibes ang mga tao kapag umorder sa akin.
"Babe, I want that!" Girl.
"Okay Babe." Boy.
Nginitian ko sila at kinuha ang order nila, kalma ka Trisha kalma. Remember, malaya ka na. The whole world is yours!
Pasok sa kitchen, punta sa delivery section, ikot nang ikot. Ayos lang ako :)
Maganda nga 'to e, para hindi ako naka-tengga sa bahay at nag-iisip ng mga negative things.
Tapos na ang duty ko. Nag-aabang na ako ng taxi dahil pupunta ako sa Mall at mag-gagala. May tumigil na pulang kotse sa harapan ko, hindi ko yun pinansin. Kung hoholdapin nyo ako sige na!
"Sakay ka na." Si Joseph :)
Napangiti ako. Agad akong sumakay.
"Saan ka pupunta?" Dugtong nya.
Ang liit talaga ng mundo.
"Uhm- sa Mall." Ako.
Ngumiti na naman sya, mukhang doon nya ako dadalhin at nararamdaman kong sasama pa sya. Sana!
"Sorry to say this, ang yabang ng ex mo." Joseph.
"Huh? Uhm- ganun talaga yun. Hindi ko nga sya kino-consider as my ex e, boss ko lang sya noon. Hindi ko akalaing aabot kami sa ganito." Explain ko.
Tumawa sya. Aba, lumalabas na ata ang tunay nyang ugali. Nakatingin lang ako sa kanya habang binabaybay namin ang mahabang traffic. His eyes is so cute, his lips is so kissable, his nose is so perfect! In short, GWAPO.
"Anong gagawin mo sa mall?" Tanong nya.
"Gagala mag-isa." Matipid kong sagot.
Agad kong ibinalik ang tingin ko sa kalsada dahil bigla syang tumingin sa akin.
"Haha. Seryoso ka?" Joseph.
"Sanay na 'ko." Say ko.
Bigla nyang hinawakan ang kamay ko, ang smooth! :) Parang babae ang nakahawak ah.
"Sasamahan na kita." Joseph.
Tumango ako at ngumiti then dahan-dahang inalis ang kamay nya. Nakakailang kaya!
Nandito na ata kami.
Kahit sa parking traffic?! Hahahahaha. May mga tanga kasing driver na hindi alam ang gagawin.
"Saan mo gustong pumunta?" Joseph.
Tinuro ko yung isang studio. Sumunod naman sya sa akin, dahil sa bilis kong maglakad hinawakan na nya lang ako sa kamay para atleast nakakasabay sya.
Oh my! -____- Hindi ko keri ata 'to.
"Here." Ako.
Bumitaw agad ako sa kanya. Nakakahiya kaya!
Pumasok kami sa loob ..
Kami ang pipili ng settings ng photo shoot namin. I choose happy go lucky background. Pinagsuot ko sya ng colorful shades at ganun din ako.
1
2
3
