Nandito kami ni Blake sa isang music studio para irecord yung kantang ginawa ko, ay! Ni AUTHOR pala. Hihi! Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan syang kumanta.
Sinadya talagang ganun ang lyrics, para kunwari sa akin talaga nahuhulog si Blake. Ang assumera! Naupo na muna si Blake sa tabi ko.
"Bakit ganun yung lyrics?" Inis na tanong ni Blake.
"Ang ganda nga e, simple lang atsaka senti." Sabi ko.
"Hindi naman yan pakikinggan ng mga fans ko." Blake.
"E di gagawa tayo ng english, problema ba yun?!" Ako.
Tumango sya, kumakain kami ng chicken burger. Ang sharap! Maya-maya ay dumating na naman ang bagong bruha sa buhay namin ni Blake, si Courtney na malandi! Hinalikan nya sa pisngi si Blake -____-
"What are you doing here? Trisha right?" Courtney.
Naupo sya sa gitna namin ni Blake, argh! Hindi ko na gusto ang nangyayari sa mga oras na 'to. Baka makapatay lang ako, so pinili ko na lang na lumayo.
Umusog lang naman ako ng konti e.
"So Blake, how was your short vacation?" Courtney.
Grabe makalingkis kay Blake 😣
GIGIL MO CII AQCKOUEH! Si Blake naman mukhang gusto, isa rin kasing malandi e.
"You know, I always have fun when you're not with me." Sabi ni Blake.
Napabitaw sa kanya si Courtney, natawa naman ako ng mahina. Hahahaha pahiya, buti nga! Nagtawanan din yung mga kasama namin. Halatang napahiya si Tisay sa sinabi ni Blake.
"What are you saying?! Because of this girl, you turned into a bullshit!" Galit na sabi ni Courtney.
Nakaturo pa sya sa akin, aba! Talagang sinusubukan ako ng bruhang 'to ah. Kapag ako napuno, ihahampas ko yang mukha mo sa semento.
Tumayo ako at hindi ko na talaga kayang mag-timpi.
"Hey bitch, do you want me to kick you out of this place?" Sabi ko.
O_____O Ganyan yung reaksyon ng mukha ni Blake, agad naman nya akong inawat. Bakit, pinangangalagaan ba nya ang kasikatan ng babaeng yan?! Hmp, sarap nyang sampalin.
"Trisha, wag ka ngang mayabang. Tama na okay?" Bulong ni Blake.
Nanlilisik ang mga mata ko, hindi ko na keri 'to! Ayoko nang magpatalo.
"Pag ako hindi tinigilan ng babaeng yan, sa harap ng fans nya bubugbugin ko yan." Sabi ko.
Halata namang hindi yun naintindihan ng mga kasama namin, kaya ayos lang :) Nagmadali namang lumabas si Courtney, akala kasi nya hindi ako papatol sa kanya e.
Bumalik na si Blake sa pag-rerecord ng kanta, kahit hindi naiintindihan ng producer ang kanta ay nagtitiyaga din naman syang tulungan si Blake.
"Nakaka-inlove ka." Sabi ko sa sarili ko.
May palingon epek pa sya sa akin e, hanubayan?! Oo na, ako na inspirasyon mo :) Manahimik ka na dyan Blake, hihi.
(Ebony's POV)
Nag-gagala kami ni Shawn ngayon, nakakasawa na rin kasi yung nakakulong lang kami sa bahay.
"Paano nga pala yung company mo?" Tanong ko.
"Hmm- hahayaan ko na si Dad ang mamahala, may inoffer na naman kasi yung kaibigan ko na work sa States." Shawn.
Tumango ako, parang sobrang swerte na ata namin. Baby na lang ang kulang, haha joke! Gaya nga ng sabi ko kay Bff, natatakot akong manganak. Parang ang sakit-sakit kasi e.
"Anong iniisip mo?" Shawn.
Naupo kami sa isang bench dito sa Park.
"W-wala. Excited na akong magpunta sa States!" Palusot ko.
"Really?! Baka naman lagi mong kasama si Trisha, haha." Shawn.
"Yun nga yung ipinunta ko e, para hindi ako mabored." Ako.
Inakbayan nya ako, ang supportive talaga ng asawa ko. Lagi syang nandyan to hear my decisions, help me with my very small problems. Parang ang bilis nga e, parang kahapon lang nililigawan nya ako. Tapos ngayon kasal na kami.
"Si Trisha at Blake kaya, sila pa kaya until the end?" Shawn.
"End of what?" Nagtataka kong tanong.
"Wala lang, I mean sila pa rin kaya ang itinadhana?" Shawn.
"Ewan natin. Nasa kanila naman yun e, atsaka di ba Blake told us that he still love Trisha." Ako.
Napunta na sa dalawang 'yun yung usapan namin, haha. Pero interesting naman e! Nalilibang ako kahit papaano.
"Yeah. But Trisha thinks that Blake really gave up on her. Nakakaawa naman!" Shawn.
Oo nga, tama sya. Nakakaawa si Trisha, umaasa kasi sya na wala nang nagmamahal sa kanya. Baka hindi natin alam naghahanap na pala sya ng iba. Ang dami pa kasing arte ni Blake e.
(Trisha's POV)
Pauwi na kami.
Himala rin at sinamahan ako ni Blake mag-grocery, kahit alam nyang pagkakaguluhan sya.
"Thank you for the song that you composed." Blake.
"You are always welcome." Ako.
Tiningnan nya ako sabay ngumiti, yung ngiting tagumpay. Ano na naman ba yan ha?!
"Ano nga palang lulutuin mo pag-uwi?" Blake.
"Bahala na, pagod din ako kakaupo e." Biro ko.
"Wow ha?! Ako nga 'tong paulit-ulit na kumant e." Blake.
Oo na, oo na. Ikaw naman lagi e!
Grabe no, hindi ko akalaing ganito na pala kalayo ang narating namin. Specially si Blake, Shawn at Ebony.
Nandito na kami sa bahay, agad na syang dumeretso sa kwarto nya. Inayos ko naman yung mga pinamili namin.
Aaaaahhhhhh 😴😴 Inaantok na din ako. Hindi na ako makakapag-luto nito.
