(Trisha's POV)
Palapit na nang palapit ang big day ni Blake, two weeks na lang! Nag-decide kami ni Ebony na pauwiin na agad ang mga parents nila para makanood din ng concert.
At para makapag-handa sa kanyang baby shower. Bibili na kami ng tickets, kasama naman namin si Mang Ambo kaya hindi na kami mahihirapang pumara ng taxi.
"Best, salamat ha." Ebony.
"Ano ka ba?! Ayos lang no, parang kapatid na kita kaya you don't need to say thank you. Baliw 'to." Sabi ko.
Niyakap naman nya ako, ang sweet naming mag-BFF no? Hihi. Pagtapos pumila ng napakahaba para sa apat na plane tickets ay agad namin itong pinadala sa Pilipinas, makakasama ko na din si Papa.
Kaso kawawa naman ang Mama ko :( Maiiwan syang mag-isa. Ibili ko din kaya sya ng tickets? Haha joke lang Ma, sana maintindihan mo kami.
Papunta na kami ngayon ni Ebony sa isang park para magtambay.
"Mang Ambo, ayos lang ho ba kung mag-gala pa po kami? Hindi po ba kayo naiinip?" Ako.
"Ayos lang ho mahal na reyna. Para ko na din po kayong mga anak, sasamahan ko na lang po kayo." Sabi ni Mang Ambo.
Aww ;( Sya ang nagpasimuno ng mahal na reyna dahil naririnig nya si Blake, pati yung dalawang body guards "your majesty" naman ang tawag sa akin.
"Salamat po ha?" Ako.
"Ayos lang po." Mang Ambo.
Mabilis naman kaming nakarating sa park, si Mang Ambo ay nakabantay lang sa amin at binilhan ko sya ng fries and coke kasi baka gutom na sya kaka-drive.
May instant body guard slash driver na kami ni Ebony. Nakaupo lang kami while watching the kids playing.
"Best, excited na akong lumabas si Baby. Meron na akong babantayan sa park, haha ang saya!" Sabi ni Ebony.
"Meron na ding magkakalat sa bawat sulok ng bahay." Sabi ko.
Tiningnan ako ni Ebony, naramdaman kong pumatak ang luha ko. Bakit na naman ba?! Hindi naman dapat ako nagda-drama ng ganito e.
"Hoy Best para kang tanga dyan!" Naiiyak pero natatawa nyang sabi.
"Haha, e kasi ano e- Best, salamat sa lahat ha?" Sabi ko.
"Alam mo para tayong mga baliw, tara na nga!" Ebony.
Tumayo na kami at sumakay na sa van, nag-drama lang kami sa park. Pauwi na kami ngayon.
Hays! -_____- ang bilis ng mga pangyayari sa buhay namin. Noon, nahihirapan akong mag-aral kasi walang pampaaral. Nagtrabaho ako kay Blake para makapagtapos, hindi ako nakapasa sa board tapos ngayon, heto .. Umayos ang buhay ko at kasama ko pa ang mga taong minahal ako ng totoo, siksik, liglig at umaapaw.
Ang drama ko na naman, tama na nga 'to. The end na, haha joke lang mga Beshies 😹✌👋👐💋💓
Nandito na kami sa bahay.
Sinalubong naman ako ni Blake at may ipinakita sa akin."Ano yan?" Tanong ko.
"Dahil hindi kita nabigyan ng gift 'nung birthday mo, this necklace is so important." Blake.
Isinuot nya sa akin yung locket, pagbukas ko nandoon yung picture nya 'nung baby pa sya at picture ko noong baby pa ako.
Suot ko rin yung star necklace na bigay ni Shawn :) Ang swerte ko.
"S-salamat." Sabi ko.
Nginitian nya ako at dinala sa garden, may mga candlelights at nakahandang dinner table. Naupo kaming dalawa doon.
"Hoy, ano 'to?" Tanong ko.
"This is our very last dinner together." Sabi nya.
LAST DINNER TOGETHER?
Ano bang sinasabi nya?! Ayaw na ba nya sa akin? Magkakahiwalay ba kami?
Sobrang nagtataka ako sa mga oras na 'to at syempre naiiyak na din.
Hinawakan ni Blake ang kamay ko at binigyan ako ng napaka-gandang ngiti.
"My queen don't cry, soon malalaman mo din kung bakit ito na ang last dinner natin." Blake.
"E kasi, iniisip ko baka iiwan mo na ako." Sabi ko.
Tumawa sya at pinunasan ang mga luha sa aking mata.
"I will never leave you my queen, I really love you. Malalaman mo din soon okay?" Sabi ni Blake.
Tumayo sya at kinuha yung gitara sabay lumapit sa akin, lalo pa akong naiyak sa mga ginagawa nya. Ano ba naman 'to? Kinakabahan ako ha.
🎶 I have died everyday waiting for you,
Darling don't be afraid I have loved you for a thousand years,
I love you for a thousand more ..Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid to fallWatching you stand alone
All of my doubts
Suddenly goes away somehowOne step closer ..
I have died everyday waiting for you,
Darling don't be afraid I have loved you for a thousand years,
I love you for a thousand more 🎶Naiiyak akong tumayo at niyakap sya ng napaka-higpit, bakit ganyan sya? Ano bang gusto nyang sabihin? Kung iiwan man nya ako sabihin na nya ng mas maaga.
Hindi yung may nalalaman pa syang "SOON".
"I love you so much my queen, I love you forever!" Sabi ni Blake.
"Blake, mahal na mahal na mahal na mahal kita!" Sabi ko.
Niyakap ko na naman sya ng napaka-higpit, ayoko na syang bitawan. Baka kasi bukas paggising ko wala na sya sa tabi ko :(