Chapter Eight

11.1K 215 0
                                        

We're having some lunch here sa graden with my Lolo Polo, Mommy, Daddy and Camille.

Hindi ko muna inaabala si Trisha ngayon. Dahil ang alam niya ay nasa Davao kami.

"Ang laki ninyo na. Parang kailan lang." nakangiting saad ni Lolo Polo.

"I want to build a Women Fashion Shop here. I have three branches in States." saad naman ni Camille.

"Wow. Good! Maganda yan Hija. Sige tutulungan kita." tugon ninMommy.

Wow. Business ang pinag-uusapan dito ah? Nakakatuwa dahil hanggang ngayon ay kasundo pa rin ni Camille ang pamilya ko.

"E ikaw Hijo? Ano ba gusto mong negosyo? Ako ang bahala, sabihin mo lang sa akin." Lolo held my hand.

Ang bait ng Lolo ko di ba? Spoiled kasi ako dyan. He is my Dad's father.

"Gusto ko po sana is– Gaming Store! Yung nandun yung lahat ng games. Clash of Titans ganun!" tuwang-tuwa pa ako habang nag-eexplain kay Lolo.

"Blake, I know what business is fitted to you. Gym! A Gym." saad naman ni Camille.

Nakakamangha na talaga siya ngayon. Sobrang daming laman ng utak nya. Ganyan ba talaga kapag sa States nag-aral?

"Wow! Ang galing mo Hija, I really like your ideas." pagpuri ni Lolo kay Camille.

"Blake, Do you want to join me in a party tonight?" Camille asked me.

"Saan?" tanong ko.

"Anywhere!" Camille replied.

"Camille hindi ito America na kahit saan pwede kang gumala. Delikado rito." paalala naman ni Mommy.

"Yeah. And it's safe if we go to my school today and have a tour. Ano tara?" saad ko.

Tumayo si Camille.

"T-tara!" Camille smiled at me.

Sumakay na kami sa kotse ko. Medyo may slang siya magsalita ng tagalog kaya minsan hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya.

"Did you remember the time when I want to go to sapa? I think we go there sometimes." natutuwang sabi ni Camille.

Malapit na kami sa Ateneo at excited akong i-tour siya.


*****

(Trisha's POV)

Magkasama kami ni Ebony na magpunta sa library. Makakapag-aral ako ng maayos ngayon dahil walang iistorbo sa akin, walang manggugulo.

"Trish– kain muna tayo." pag-aya ni Ebony.

"Mamaya na." mahinahon kong tugon sa kaniya.

Hinila niya ako palabas. Dinala ako ni Ebony sa isang lugar kung saan puro street foods ang mabibili.

Naisipan namint tumambay sa soccer field habang kumakain.

"Hey, Barbie!"

Ako?

Ako ba?

May tumawag sa akin.

Barbie?


Si Blake?

Nilapitan namin siya ni Ebony. May kasama siyang magandang babae.

"S-sino sya?" nagtataka kong tanong kay Blake.

"Kababata slash first love. Si Camille. Dito na siya mag-aaral. She is taking Business Management." saad naman ni Blake na ear to ear ang ngiti.

Bakit sumasakit na naman ang dibdib ko?

"Hi!" Camille greeted us.

"H-hello." medyo naiilang ako.

Nagshake-hands kami. Nakaka-insecure yung ganda ng babaeng 'to.

"Kaano-ano mo si Blake? Is he your boyfriend?" Camille asked me.

"H-hindi! Boss ko siya." nakakagulat naman yung tanong niya.

May accent siya magsalita, medyo slang kaya mahirap intindihin yung iba niyang sinasabi.

"Akala ko ba nasa Davao ka?" bumalik kay Blake ang aking atensyon.

"No. Aalis na dapat siya but I surprise him. I slept in their house since we're good friends naman." nakangiting sabi ni Camille.

Hinila ako ni Blake at dinala sa malawak na field ng university.

"Kapal ng mukha mo! Akala ko umalis ka?" inis kong sabi sa kaniya.

"Bakit ka ba nagagalit? Akala mo girlfriend kita kung makasigawa ka riyan. Hoy, Trisha Ashram, para sa kaalaman mo assistant lang kita at wala kang karapatan na sabihan ako ng ganiyan." galit na sabi ni Blake.

Nagstart na akong umiyak.

Hinawakan nya ako sa magkabilang braso at galit na galit.

"Kung may nararamdaman ka man sa akin, please huwag kang magtangka. You don't even reached my standards." Blake told me.

Lalo pa akong naiyak sa narinig ko. Bumuhos na ang malakas na ulan at tuluyan na kaming nabasa.

"E anong magagawa ko? Sa tuwing naglalambing ka tinatamaan ako sayo. Nahuhulog na ako sayo!" napasigaw ako sa inis.

"Trisha, hindi nga kita type! Huwag kang makulit." galit na galit si Blake sa akin.

"Paano na yung vacation?" tanong ko.

"Sumama ka at isasama ko si Camille." saad ni Blake.

Iniwan na niya ako.

Bakit?

Bakit ako nag-confess sa kaniya bigla?

Trisha ano ba?

Sabagay tama siya. Mababang uri lang ako ng babae at wala akong laban sa mga naging girlfriend niya.

~

🖋author_mj17

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon