Three weeks after ng pageant. Nandito kami ni Blake sa isang Men's Botique dahil bibili sya ng bagong damit.
"Matagal pa ba yan?" inis kong tanong sa kaniya.
"Maghintay ka nga!" iritado rin itong kausap ko.
Tumingin muna ako ng kung anu-ano.
"Hoy Barbie!" pagtawag ni Blake sa akin.
"Bakit ba?!" lumingon ako sa kaniya at sobra akong nagulat sa kaniyang inabot sa akin.
Limang paper bag ng mga pinamili niya ang bitbit ko habang naglalakad kaming dalawa.
Pumunta naman kami sa perfume shop. Hindi ko kaya yung amoy dito. Basta, halo-halo yung mga pabango na lumilipad sa loob ng shop.
"Ano ba yan?! Para kanino ba 'tong mga binibili mo?!" sobrang naiinis na talaga ako sa kaniya.
"Birthday ng best friend ko bukas. Para sa kanya lahat 'to. So manahimik ka na dahil nasagot ko na ang tanong mo." tugon ni Blake sa akin.
Umupo na lang ako sa isang tabi. May nag-abot ng towel at tubig sa akin.
"Shawn?" na-sorpresa ako.
"Yup. Naalala mo pa pala ako?" nakangiti nitong sabi sa akin.
"Syempre. Thankyou ha." saad ko.
Tumayo ako.
"Anong ginagawa mo dito at sino ang kasama mo?" tanong ko sa kaniya.
"Wala. Naglilibot lang, baka sakaling may magustuhan akong items dito." he replied.
"Ah sige. Balik na ako sa boss ko. Baka pagalitan ako, terror pa naman yun. Bye!" nakangiti kong paalam sa kaniya.
He waved his hands. Pinuntahan ko na si Blake and I found him together with Carby.
"May kasama ka pala." tila galit na saad ni Carby.
"Oo. I'am buying some gifts. Trish, pakidala na 'to sa kotse." utos naman ni Blake sa akin.
Nauna na ako sa parking area. Tumambay lang ako sa loob ng kotse. Hindi ko akalain na makikita ko ang bruhang 'yon.
Ang tagal naman ni Blake. Baka nilibre na naman nya si Carby! Sobrang yabang talaga ng lalaking 'nun.
"Hays!" pawisang umupo si Blake sa driver's seat.
"Huh? Ayos ka lang ba?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Nakakapagod." matipid nitong tugon sa akin.
What?!
Nakakapagod?
Ang alin?
Saan?
"Hinamon ako maglaro ng basketball ni Carby." dagdag pa niya.
Napalunok ako.
"Ahhh. She is so good. I like the way she shoot those balls." nakangiti pa siya.
Uminom sya ng tubig at nagpunas ng pawis. Nagtakip ako ng mukha.
"Minsan basketball din tayo." saad pa niya.
"Uh- No! A-ayoko. Hindi pa ako handa, ayoko pa." umiiling pa ako.
"Ano?! Haha. Akong bahala sayo. I will teach you." saad ni Blake.
Ano ba 'to?!
"Ayaw ko nga!" inis kong sabi.
"Next time okay? Or tatlo tayo nila Carby." sabi niya.
"Bastos!"
Binatukan ko sya nang malakas.
"Ouch!! Yung basketball sa Arcade!! Ano bang basketball ang iniisip mo ha?!" hinampas naman niya ako ng towel.
Napayuko ako. Ano nga ba yun?
"Sorry."
"Ang green ng mindset mo!" nagsimula na siyang mag-maneho.
"E kasi nakakaberde ka magpaliwanag." reklamo ko sa kaniya.
Hinagis nya sa akin yung bottle. Tinamaan ako sa noo. Sobra na talaga 'to!
"Sorry na nga e. Sa susunod kasi ayusin mo mag-kwento para hindi ako naguguluhan." sabi ko.
Hindi niya ako pinansin. Mapride ka pa. Kahit sino naman mabeberde sa paliwanag mo. Bwiset! Nabatukan ka tuloy kaartehan kasi.
*****
"Ang bigat!" naupo ako.
"Yan ang suotin mo bukas." binigyan niya ako ng damit.
Binato ko yun sa kanya.
"Uuwi ako bukas sa bahay. Baka magalit na si Mama sa 'kin. Abuso ka!" nag-aaway na naman kaming dalawa.
"E di susunduin kita sa inyo. Ipagpapaalam pa kita." palaban talaga ang isang 'to.
"Tigilan mo ako! Magpapahinga naman ako. Pagod na ako maging assistant slash alipin mo." hindi ako magpapatalo sa lakas ng boses niya.
Umupo sya sa tabi ko.
"You know what? Malaki naman ang pinapasahod ko sayo, binibigay ko naman ang mga kailangan mo. Tapos kung magreklamo ka parang madami ka nang naitulong sa akin. Hey Barbie! This is your first warning. Umayos ka." galit na galit na si Blake sa akin.
Napalunok ako. Akala niya natatakot ako sa kaniya.
"O-oo na." tugon ko.
Tumayo na sya.
"Pero uuwi ako ngayon." dagdag ko.
"I said .. NO!!" He shouted.
Nagulat ako ng sobra. Nanggigigil na ako, gusto ko na syang sapakin. Tumayo ako at nilapitan ko sya.
"Uuwi ako."
Bulong ko sabay alis. Hmp!
Hindi nya ako madadaan sa pananakot nya.
~
🖋️author_mj17