Chapter Fourty

5.6K 105 6
                                        

Photoshoot day.

Pinapanood ko sina Blake at Carby sa kanilang napaka-sweet na sitwasyon. Hawak-hawak ko ang towel at payong.

Naka-two piece si Carby while Blake is wearing white sando and black shorts.

Feel na feel ni Bruha ang pagkakayakap sa kanya ni Blake.

"Ayos ka lang ba?" Shawn.

Tiningnan ko sya-

"O-oo naman. Medyo mainit lang kasi, nauuhaw ako." Palusot ko.

Pero ang totoo nagseselos ako.

Nagulat ako nang inabot sa akin ni Shawn ang buko juice. Uminom naman ako kahit konti para kapani-paniwala ang palusot ko.

Change costume.

Nilapitan ko si Blake at iniabot ang towel sabay pinayungan ko sya.

"Uhm- magpalit ka na." Ako.

Kinuha nya ang payong sa akin at lumapit sya kay Carby sabay pinayungan nya.

Ano bang ginagawa mo?! T___T
Blake nandito ako oh. Ano ka ba?! Ano bang pinakain nya sayo at nagagayuma ka ata.

Tiningnan ako ni Carby at parang nang-aasar pa.

"Blake, can you get me a juice?" Carby.

Yumuko na lang ako at dumaan sa harapan nila.
Hinawakan ako sa braso ni Blake.

"Ikuha mo sya ng juice." He said coldly.

Mangiyak-ngiyak ako sa narinig at mga nasasaksihan ko. Hindi na tama 'to. Secretary ako ni Shawn hindi P.A nyo!

Kumuha ako ng juice at sabay ..












Ooooooppppssss!








My bad :)







Sinadya ko talagang itapon sa katawan ni Carby ang juice sabay inirapan ko silang dalawa.

Nagpunta na lang ako sa room ko at nagbasa ng libro.
























(Blake's POV)

Shit Trisha!

Anong ginawa mo?! Nabasa na si Carby at napaka-lagkit nya.

"She will pay for this!" Galit na sabi ni Carby.

"Hayaan mo na sya, mainit lang ulo 'nun." Sabi ko.

Nagpunta si Carby sa wardrobe para magpalit ng damit para sa aming next shoot. Sa mismong beach namin gagawin ang susunod na shoot :) Ako naman, ito pa rin ang suot ko.

"Bro, where is she?" Ako.

"Sino?" Shawn.

"Si Trisha?" Ako.

Ngumiti sya at tinuro ang room ni Doll.

"Nandun! Mukhang nabadtrip sa inyo." Shawn.

Ano ba kasing ginagawa ko?! Bakit pumasok sa isip ko ang landiin ang babaeng 'to.

Lumabas na si Carby at nilapitan ako.

"Get off!" Galit kong sabi.

"Kanina lang ang sweet mo sa 'kin." Pag-iinarte ni Carby.

Isinama ko si Shawn sa tent at naupo. Nakakainis!

"Naguguluhan ka ngayon. Ayusin nyo trabaho nyo, baka hindi ko kayo bayaran." Pabirong sabi ni Shawn.

"Aayusin namin, hindi ko kayo ipapahiya ni Trisha." Sabi ko.

Ngumiti lang sya-


Maya-maya, tinawag na kami ng photographer. Wooooh! I love this place.

Lumublob na kami sa tubig at todo-bigay sa pagpo-pose.

"Good! Nice!"

And done :)



Napansin kong lumabas si Trisha sa room at mukhang gagala sya. Buti na lang at bukas na ulit itutuloy ang shoot kaya nagbihis ako agad at sinundan sya.

Bibili ata sya ng mga souvenier? Ay ewan. Ang daming tao, yung iba hinaharang pa ako at nagpapa-picture. Nasaan ka na ba?!

"Trisha!!" Malakas kong sigaw.

Hindi sya lumilingon at parang gusto na nyang tumakbo.

Habulan gusto mo ha?

Hinila ko kaagad sya.






















(Trisha's POV)

O______O

Juice colored!

Hawak-hawak nya ako. No,no,no!
Tiningnan ko sya.

"B-bakit?" Tanong ko.

"Sasama ako sayo. Saan ka ba pupunta?" Blake.

Pumiglas ako sa kanya at bumalik sa mga dinaanan ko kanina.

"Actually pauwi na 'ko." Palusot ko.

Tumawa sya ng napaka-lakas. Binilisan ko na ang paglalakad dahil baka magselos si Carby Bruha.

"Hey, Doll!" Blake.

Lalo ko pang binilisan ang paglalakad. Ayoko na, ayaw kitang makausap o makasama.








Takbo!










Takbo!








"Pag hindi ka tumigil, hindi na kita mahal!"












O_______O











Huh?!











Unti-unti ko syang nilingon.









Nginitian nya ako.










"Oh ano, I knew it! Hindi mo ako matitiis." Blake.

Nag-blush naman ako. Pero kailangan kong magpakipot. Hindi maganda yung ginawa nya kanina ah?

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon