I'm here at my office-
Hahahaha :)
Kitang-kita ko ang boss ko, syempre kailangan yun.
"Have a nice day!" Shawn.
Ngumiti lang ako. Ang sarap pala dito walang ginagawa, nakaupo lang, computer lang, relax kumbaga!
O________O
"Papirmahan mo yan sa mga editors natin, tapos mag-print ka ng 10 copies ng files na nai-save ko dito sa USB mo." Shawn.
Ano ba yan? Ang hirap pala. Agad na akong nagpunta sa office ng editors. Nagpa-print na din ako.
Nasa top floor pa naman yung office namin -_____- sakit sa paa mga Beshies!
Suko na ako first day pa lang.
"Trisha, samahan mo ako sa meeting ko." Shawn.
Nilapitan ko sya habang hawak ko ang planner ko.
"Wala kang meeting Shawn. I .. I mean Sir." Ako.
Tumawa sya at tumigil sa paglalakad.
"Shawn. Call me Shawn." Sya.
Okay! Madali akong kausap.
"Malinis ang schedule mo ngayon. Bukas, 10:30 AM may meeting ka with Mrs.Evelyn. Tapos bukas din ng 4PM pupunta tayo sa venue ng presscon." Ako.
Inakbayan nya ako at ngumiti. Ang galing ko ba? Haha :) Sinama nya ako sa gala nya. Saan ba kami pupunta?
"Shawn, anong trip mo? Oras pa ng trabaho." Say ko.
Nagpatuloy lang sya sa pagda-drive. Parang wala syang naririnig.
"Alam mo, ikaw lang ang may pinaka-magandang posisyon sa company." Shawn.
Napa-ngiwi ako, maganda? I don't think so.
Huh? O______________________O
Jewelry shop?!
"A-anong ginagawa natin dito?!" Gulat kong sabi.
Hinila nya ako papasok. Aray ko ha?!
"Miss,can I have that earings?" Shawn.
Tiningnan ko sya. Tsk! Ano na naman ba 'to? May necklace na ako galing sa kanya .. May ring ako galing kay *tooooooot*.
"Para naman mukha kang presentable." Shawn.
So ano? Hindi ako presentable sa itsura kong 'to. Juice colored!! Akala ko si *tooooot* lang ang mapanglait, ikaw din pala.
Sinuot nya sa akin ang hikaw, ibinigay nya ang credit card nya sabay alis.
Sumakay na kami sa kotse at nagmamadali na naman syang mag-drive.
"Shawn ano na naman 'to? Saan tayo pupunta?" Naiirita kong tanong.
"Kakain tayo." Shawn.
Baka naman tumaba na ako nyan. Puro na lang ako libre :)
Nandito kami sa isang Pizza Parlor.
"Alam ko na gusto mo." Shawn.
Nagtaka ako sa sinabi nya, feeling sya oh. Inunahan ko sya sa pila at ako na ang umorder.
"Dalawang lasagna, isang pepperoni pizza. No crust huh? Tapos dalawang iced tea." Ako.
Hinila ko na si Shawn para umupo. Hindi ka na makakapalag, dahil kung papalag ka mawawalan ka ng outstanding secretary like me!
Tiningnan ko sya.
"Next week is our big day." Shawn.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Secret." Matipid naman nyang sagot.
Nandito na ang food namin. Kain lang Trisha, libre yan!
"Salamat nga pala." Ako.
"Wala 'yun. I'am doing this because .." Bitin nyang sabi.
Ano ba yan?! Nagpatuloy na sya sa pagkain at nagpatay-malisya na lang. Ugh!! Kaasar. Gusto kong tanungin kung bakit .. Wag na lang! Hindi naman nya sasabihin yan.
B U U U U U U U R R R R P P P !!
Busog ako sobra :)
Ihahatid na nya ako pauwi. Tahimik sya simula 'nung kumakain kami.
"Hoy!" Ako.
"B-bakit?" Shawn.
"Tahimik ka?" Ako.
Umiling sya.
"Maaga kang pumasok bukas ha?" Shawn.
Hindi ko na sya inintindi. Baka naman may binabalak ka na namang masama huh?! Nga pala, si Carby magiging part ng project namin. Hala patay! -_____- Baka awayin nya lang ako nang awayin. Walang magtatanggol sa akin!
"Hindi na ba magbabago isip mo?" Tanong ko.
"Saan?" Shawn.
"Si Carby na ba talaga yung isa sa mga model?" Ako.
Tumawa sya ng patago.
"Nag-aalala ka ba?" Shawn.
"Kung alam mo lang." Ako.
Tiningnan nya ako .. Sana magbago pa isip nya. Gusto ko magmakaawa!
"HINDI na e." Shawn.
Huwaaaaat?! Si Carby na talaga as in -____- Nakakalamya naman yun.
Nandito na ako sa bahay. Pagbaba ko ng kotse hindi ko na sya nilingon or nagpaalam man lang. Dumeretso na ako papasok ng bahay.
Sa totoo lang natatakot talaga ako.