(Shawn's POV)
Habang nakaupo ako sa office ko at nagmumuni-muni, habang hawak ko ang singsing na ibibigay ko sa babaeng pakakasalan ko :) Maya-maya ay dumating na si Trisha.
"Good Morning." Ako.
Nginitian nya ako at naupo na sya sabay may kinalikot sa computer. Hmm- ang sipag naman ata nya? Dati chinichika nya muna ako, ano kayang nakain nya?
Lalapitan ko dapat sya kaso naisip ko baka bigla na lang syang mabadtrip. Masira pa ang araw nya!
Nag-vibrate ang phone ko and I check it.
SHAWN'S CHATBOX
Blake: Hey Bro!
Me: Ano na namang problema mo ha?
Blake: Woah. I just want to ask kung ano yung picture na sinend mo kanina?
Me: Singsing Bro. Ano pa ba?
Blake: Yeah I know, I mean anong meron?
Me: Saka ko na sasabihin kapag umuwi ka na dito. Dederetso ka sa bahay nila Ebony doon sa pool ha?
Blake: Pano kung next year pa ako umuwi?
Me: ULOL! 😣
Blake: Haha joke lang Bro. I will call you kapag nasa NAIA na ako.
Hmm .. Ano na naman kaya ang binabalak nya? Tatawag sya kapag nasa NAIA na sya, tapos ano? Saka pa sya magpapasundo.
Hindi ko muna 'to ipapaalam kay Trisha para ma-surprise sya :)
Natatawa tuloy akong mag-isa dito. Wooooh! Nakakabaliw.
(Trisha's POV)
Hala O_____O
Anong nangyayari?!
Tumatawa mag-isa si Shawn?
Tumayo ako at pinuntahan ko sya, magkaka-asawa pa ata ng abnormal ang BFF ko.
"Hoy!" Malakas kong sabi.
Halata namang nagulat sya kasi napatigil sya sa pag-tawa.
"Y-yes?" Shawn.
"Hahaha. Baliw ka na? Bakit ka tumatawa mag-isa?" Natatawa kong sabi.
Tumayo sya at bumalik na sa katinuan.
"W-wala naman, may nabasa lang akong joke tapos yun! Natawa ako." Shawn.
Tumango naman ako .. Oo nga naman, tumawa lang mag-isa baliw na? Hindi ba pwedeng may nabasa ngang jokes, nakakita ng weird na mukha! Ay ewan. Bumalik na ako sa table ko at itinuloy ang paggawa ng report.
Wala kasing kwenta yung presidente namin e .. Hindi naman yan ganyan dati.
"Ano ba kasi yan?!" Shawn.
Tiningnan ko sya ng masama, iniwan ko na nga doon nagpunta pa dito.
"Report po ito!" Sabi ko.
"Ng?" Nagtataka nyang tanong.
"Sales ng magazine natin. Ikaw dapat gumagawa nito e." Ako.
Tumawa na naman sya, bakit kaya sobra ang kasiyahan nya ngayong araw? Anong kinain nya, penge nga 'nun.
"Okay na yan, masipag ka naman e. Baka maging EMPLOYEE OF THE YEAR ka pa." Pambobola ni Shawn.
Sus! May bonus ba yun? 😹 Hihi.
Ay syempre naman ako yun, sobrang sipag ko kaya atsaka ang gaganda lagi ng mga ideas ko.
"Sige na, sige na, doon ka na. Wag ka nang mang-istorbo." Ako.
Bumalik na sya sa table nya at naririnig ko pa ang pagtawa nya kahit mahina :) Ang weird nya talaga ngayon promise, nahahawa ako sa tawa nya .. Ngayon. Pero kanina, medyo lang.
5:30 PM
Hmm- maghapon akong nasa office ah? Himala Trisha.
Pinuntahan ko si Shawn.
"Pupunta ka ba sa bahay?" Ako.
"Hindi na muna." Shawn.
Ay sayang :( Gagastos pa tuloy ako ng pamasahe. Hihi 😝
Napasimangot tuloy ako sa sinabi nya at nanghihinayang sa 150.
"Sasabay ka ba?" Shawn.
"Ah .. H-hindi na." Ako.
"Okay." Shawn.
Ang weird talaga! Nauna na ako sa kanyang bumaba. Siksikan ang elevator kasi uwian na :)
Nandito na ako sa lobby.
Hays! Hindi ako masyadong pagod, pano yung boss namin nakaupo lang din maghapon.
Nakasakay na ako ng taxi.
Pasak ng earphone sa tenga, volume up!
Tugs tugs tugs 🎶
Yeeeeehaaaaaaa!
"Bang,bang into the room!"
I love my voice!
*peeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!*
=_________________=!
Aray ko!
Natanggal ang earphone ko sa lakas ng preno ni Manong.
"Bakit ho?" Tanong ko.
"Muntik ko na mabangga yung nagmomotor Ma'am." Driver.
Juice colored! Gagastos pa ng pangpa-ospital ni Manong. Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi nya.
"Mag-ingat na lang ho kayo sa susunod." Sabi ko.
Itinuloy ko na ang pagko-concert sa loob ng taxi. Wooooh! Party tayo Manong.
