"Nakatulog ka ba ng maayos? Panay ang inom mo ng tubig kagabi e." Sabi ni Blake.
Tahimik lang ako habang kumakain ng almusal. Nagsisisi ako sa ginawa ko sa kanya, dapat hindi ko na lang sya sinaktan. Feel ko tuloy naghihiganti si Courtney sa akin, ang sama ko na bang tingnan?
"Ganito, pupunta tayo mamaya sa burol ni Courtney." Shawn.
"Natatakot ako." Sabi ko.
Inakbayan ako ni Blake at hinalikan ang noo ko, naiiyak na naman ako T_____T Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong klaseng takot.
"Nandito lang kami Best, and I'm sure Courtney will understand you." Ebony.
"Blake, ang sama ko na bang tingnan?" Ako.
"No! We all know na wala kang kasalanan, so please stop worrying okay?" Blake.
Tumang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Pagtapos ay agad naman kaming nag-ayos para makapunta na sa Calabasas.
Medyo umaambon na naman kaya nagmadali na kaming umalis, si Mang Ambo ang naghatid sa amin.
Nandito na kami, ang dami palang media dito -_____- Agad naman akong tinakpan ni Blake at niyakap ng mahigpit habang papasok kami sa bahay nila Courtney.
Ang daming sumalubong sa amin, pati si Ebony nahihirapan na din kaya pinauna na namin sila.
"Blake, what you can say about Courtney's fans saying that you're the one who kill her?" Reporter.
"Her parents already know the truth, and to Courtney's fans .. She is not my girlfriend." Blake.
Agad namang hinawi ng mga body guards yung mga tao kaya nakapasok na kami. Sinalubong naman kami ng parents nya, I felt sorry for them talaga.
Lumapit ako sa coffin ni Courtney, nakakaawa sya. Pinigil kong maiyak dahil baka isipin nila may kinalaman din ako, malilikot at makikitid pa naman ang mga isip ng mga tao -____-
"Sorry, sorry Courtney." Bulong ko.
Lumapit naman sa akin sila Blake.
"Courtney, please stop playing Trisha. I know that it's not her fault." Blake.
Naupo na muna kami at nakipag-kwentuhan sa mga tao doon. Bumisita din ang ilan sa mga kaibigan nya na nakakakilala kay Blake, nagulat din sila dahil nakahawak ako sa braso ni Blake.
"Is she your girlfriend?" Girl.
"Yeah." Matipid na sabi ni Blake.
Napapayuko na lang ako sa 'twing may nagtatanong kay Blake, parang nahihiya kasi ako. Feeling ko kasi iniisip nila na; "Mas pinili mo pa ang babaeng yan kaysa kay Courtney", parang ganun :( Hmp. Gusto ko tuloy magwalk out!
"Ayos ka lang?" Blake.
"Best, hayaan mo lang sila. Naiinggit lang yan!" Ebony.
Ngumiti ako pero saglit lang, iba pa rin kasi talaga yung nararamdaman ko. Ang hirap e!
Maya-maya ay nagmadali na rin kaming umalis, hindi naman na kami hinarang ng mga media dahil nasagot na ni Blake ang tanong nila.
Pagsakay ng van. Nakahinga na naman na ako ng maluwag!
"Sasama ba kayo sa rehearsal ko ngayon?" Blake.
"Osige, para naman malibang si Trisha." Sabi ni Ebony.
Tumango na lang din ako .. Okay na din siguro yung idea nila :)