11:30 AM na ako nagising, pano hindi maganda ang tulog ko kagabi. Pagtayo ko, may naiwang note sa closet ni Blake.
"Hindi na kita ginising, I know na hindi ka na naman nakatulog ng maayos. Si Ebony nasa baba, Shawn is with me. I love you My Queen."
-king blake :)Pagkabasa ko ng note ay agad na akong bumaba at nakita ko si Ebony na nanonood.
"Hi Best." Ebony.
Nakahawak ako sa ulo ko habang papalapit sa kanya.
"Argh! Best, anong gagawin ko? Ginugulo pa din ata ako ni Courtney." Sabi ko.
Tinapik nya ang braso ko, hays! Tumawag na kaya ako ng Paranormal Expert. Kasi naman e, Courtney BFF na din kita sige na.
"Alam mo Best, matagal ka na din kasing hindi nagsisimba. Ipagdasal mo Mama mo at si Courtney baka sakaling manahimik na yang life mo. Tara , ano ngayon na?" Ebony.
Wala nang isip-isip pa, tumaas na agad ako para kumuha ng damit. Naligo ako dito sa CR sa baba, katakot kaya promise. Magta-taxi na lang kami, wala kasi si Mang Ambo kasama 'nung dalawa. Hindi naman pwedeng mag-maneho si Ebony, sensitive kasi sya. Kung marunong lang kasi ako e!
Natagalan din bago kami nakasakay, dala ko din yung rosary na bigay sa akin ni Mama at yung stone na bigay naman ni Joseph.
Nandito na kami sa church, pagpasok ko ay naramdaman ko kaagad na gumaan na ang loob ko -___________- Parang tahimik na, pagpunta sa upuan ay agad akong lumuhod.
"Lord, hayaan nyo sanang kausapin ko sina Mama at Courtney. Uunahin ko na si Mama, alam nyo Ma sobrang miss na kita kaso alam mo naman di ba? Nandito ako sa States kasama ni Blake, Ma pasensya ka na ha pero mag-on na po kami. Ma, wag kang mag-alala ibinilin kita kay Papa at sa asawa nya, magpatawaran na kayo ha? Mahal na mahal na mahal kita Ma. At sayo Courtney, alam ko kasama mo na ang Mama ko dyan, Mama ko yan. Magaling mag-english yan, I would like to say sorry for what I have done to you, but please let my nights peace. Let me sleep peacefully, don't wake me up in the middle of the night, I'am very very sorry Courtney. I hope you will understand me. Lord, sana ho narinig nila yung mga sinabi ko. At sana ay gabayan nyo kami, lalo na ho si Ebony na sensitve ang pagbubuntis, si Blake na magkakaroon ng concert next month, si Shawn ho na magtatayo ng negosyo, si Papa po na nandoon sa Pilipinas. Lord, salamat po at sorry dahil ngayon na lang po ulit kita nadalaw. In the name of the father, the son and the holy spirit. Amen."
Pagtapos ko mag-pray ay medyo naiiyak pa ako. Parang tumahimik kasi bigla yung paligid at biglang nakinig ang lahat. Medyo nagtagal pa kami sa loob dahil gusto ko pag-uwi namin maayos na ang lahat.
"Saan na tayo pupunta?" Tanong ni Ebony.
"Hmm- kain kaya tayo sa restaurant ni Joseph?" Ako.
Sumang-ayon naman si Ebony kaya't agad kaming naghanap ng taxi at agad ding nagpahatid doon.
Nagpaalam na din ako kay Blake, pumayag naman sya e. Para daw hindi ako masyadong madepressed. Habang nasa byahe ay nakadungaw ako sa bintana, matututo din akong magdrive 😂😂😂😂 HAHAHA. Joke lang, joke lang mga Beshies.
Kayo naman kasi gusto nyo lagi akong nagda-drama e, wag ganun. HAPPY lang tayo dapat, HAPPY tayo dito oh? Di ba.
Pagbaba ng taxi, nakita ko si Joseph na may inihatid na babae sa labas. Agad namin syang nilapitan.
"Ate!" Excited nyang sabi.
Niyakap nya ako ng sobrang higpit.
"Sino yun?" Tanong ko.
"Si Corriane, friend ko sya since lumipat kami dito. Sya kasi yung naging nurse ko." Joseph.
Pinatuloy nya kami sa loob, mas better 'to kaysa nung nasa Pilipinas ha. Naupo naman kami ni Ebony, agad naming tiningnan yung Menu.
Infairness may mga Filipino foods din, ayos ha.
Naka-order na kami, naupo na muna si Joseph para samahan kami.
"How are you?" Ako.
"Namiss ko kayo! Nga pala, nasa office na lang ako lagi, minsan na lang ako maglibot dito. Kumuha na kasi ako ng Head Chef at Head Crew para mag-asikaso." Joseph.
Ayan na naman sya sa pagiging pormal nyang kausap. Lalo syang pumogi at pumuti grabe, pero mas pogi si Blake ko 😍😘 hihi naks naman.
"You're pregnant." Joseph.
"Yeah, two months na sya kahapon." Ako.
"So, where are your partners?" Tanong ni Joseph.
"Nagrehearsal si Blake, may concert kasi sya next month. Nood tayo ha?" Ebony.
Nagtawanan kami, pero nag-promise naman si Joseph na manonood daw sya. Yes! May recruit na akong isa :) Hihi.
Maya-maya ay dumating na yung order namin. Hmmm- sarap naman ng mga 'to. Binigyan pa kami ni Joseph ng free dessert, ang CHOCOLATE CANOLLI :)
This day is so fun and blessed, wala na akong dapat alalahanin dahil okay na ang lahat!
