Chapter Nine

10.7K 201 2
                                        

Hindi ako makakapasok ngayon. May sakit ako. Sick of Love!

Tama nga si Shawn, sasaktan lang ako ni Blake. Bakit ba kasi hindi ako nakinig sa kaniya?

Mukha na ba akong tanga nito?

"Anak, aalis na ako ha?" paalam ni Mama.

"Ingat po." medyo nanghihina pa ako.

Napatingin ako sa malaking panda bear na hinihigaan ko. Pinitik ko yung ilong nito.

"Paasa ka Panda Blake. Bakit hinayaan mong mahulog ako sayo?!" saad ko.

*one message*

From: Boss
  "Trish, I just want to say sorry for what I have done to you."

Ganun lang? Hindi ako bata para suyuin sa ganoong paraan!

Nagulat ako nang biglang may pumasok sa kwarto ko.

Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko.

"Hey, shut up!"

Hindi na ako nakasigaw pang muli dahil tinakpan niya ang bibig ko.

"Barbie!"

Si Blake?

Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Bakit ba kasi naka-shades at mask sya? Mukha siyang magnanakaw sa suot niya.

"B-bakit ka nandito? Kanina lang nagtext ka." nagtataka kong saad.

"Naka-motor kasi ako. Ginamit ko yung motor ng driver ni Mommy." tugon ni Blake.

"E bakit ka nga nandito?" muli kong tanong sa kaniya.

Hinawakan niya ako sa kamay.

"Teka, kung itatakas mo na naman ako tumigil ka. Nakita mo? Nakasando at shorts lang ako, ibig sabihin 'nun ayaw kong lumabas. Umalis ka na please!" pinipilit ko siyang palabasin.

Sinuotan niya ako ng helmet.

"Wala nang oras para dyan. I need you!"


Dinala niya ako sa isang Gown Boutique.

"Anong ginagawa natin dito?" iritado kong tanong sa kaniya.

Pinapasukat niya sa akin ang lahat ng gown.

"Camille invited you to her party. May mahalaga daw syang announcement." saad ni Blake.

"Ano? Bakit kailangang nandoon pa ako? Hindi naman ako VIP." saad ko.

Pinitik niya ang noo ko.

"Trish wag ka nang maarte." sabi ni Blake habang pumipili pa ng mga gown.

Agad kaming umalis at dumeretso sa bahay nila. Dito mismo gaganapin ang party na sinasabi niya.

"Trisha nandyan ka na pala. Magbihis ka na." salubong ni Tita Patricia sa akin.

Marami nang tao. Nandoon si Shawn and he is staring at me.

"Tara." si Camille.

Nagpunta kami sa isang kwarto na katapat ng kwarto ni Blake.

Camille fixed my hair and she even put some make-up on my face.

"I have a big announcement. So that everyone must know and witness it." tila excited na saad ni Camille.

"A-ano ba yun?" tanont ko sa kaniya.

Nginitian nya lang ako. Ganun? Surprise para sa lahat?

For sure engagement party nila 'to ni Blake.

Tapos na niya akong ayusan. Bumaba na kami at nakaabang na sila Blake at Shawn.

"Alam mo ba yung announcement ni Camille?" bulong ko kay Blake.

"Hindi." matipid na sagot ni Blake.

Ang sungit! Nagpunta na kami sa venue. Ang daming tao, grabe. Wala namang mahalagang okasyon ngayon.

Nagstart na ang program.

"I can't wait!" may patalon-talon pa si Blake.

Umakyat na si Camille sa stage. Lahat ng aming atensyon ay nakatuon sa kaniya.

"Good evening ladies and gentlemen. I know that this party is very unexpected. Thank you so much for coming here. To Tito and Tita, Lolo Polo, Blake Hidalgo my sweet friend. I just want to announce that– I'm getting married to a French businessman. Pero itutuloy ko pa rin ang mga plano ko dito sa Pilipinas. Gusto ko maging saksi ang lahat ng naririto sa panibagong milestone ng buhay ko. Thank you again."

Tila nagunaw ang mundo ni Blake nang marinig niya ang announcement na sinasabi ni Camille.

"Congrats." nakakailang man, pero niyakap ko siya.

"Ikakasal ka na?" nagtatakang tanong ni Blake.

"Yeah. I came here because I want to surprise you. Palagi kasi kitang kinekwento sa kaniya." masayang saad ni Camille.

Naluluhang umalis si Blake at sinundan ko siya.

"Blake!" sinusubukan ko siyang pigilan.

Ayaw niyang huminto. Umabot kaming dalawa sa swimming pool area.

"Blake." muli kong pagtawag sa kaniya.

"F*ck! Did you see that? Did you hear every f*ck*ng thing?! Pinaasa niya ako. What the hell is she doing?!" galit na sabi ni Blake.

Sinampal ko siya ng sobrang lakas dahil halos mabingi ako sa bunganga niya.

"Imulat mo ang mga mata mo Blake! Hindi lang si Camille ang babae sa mundo." pati ako ay napasigaw na rin.

"Anong gusto mong gawin ko? Mahal ko si Camille, she's very important to me."

Gusto ko siyang itulak sa pool at bugbugin nang bugbugin ng walang tigil.

"Blake ang sarap mong itulak sa pool. Ang laki mong tanga!" saad ko.

Bigla niya akong hinila at sinamang tumalon sa swimming pool.

Basa na ako. Ngayon naman ay tumatawa siya.

"Oh ayan na! Nasa pool na tayo, masaya ka na?"

"Nakakainis ka."

Laking gulat ko nang bigla niya akong yakapin.

"Tama ka. Ang laki kong tanga!" buti naman at alam niya

"Let me kiss you." Blake whispered at me.

Unti-unting nagdikit ang aming mga labi. Hindi ko na mawari kung nasaan ako.


Hindi pa ito ang happy ending ng buhay ko. Hinalikan ka lang Trisha! Wag kang feeling.

~

🖋author_mj17

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon