(Blake's POV)
Tinatawag na nila akong PARTY BOY, kung minsan naman KING B. :) Haha.
Lagi ko na ring kasama si Courtney my Baby. Syempre tandem din kami sa work kaya hindi ko maiwasang ayain sya sa mga hang-out ko. Akala nga ng mga fans mag-on kami e, pero ayoko na munang pumasok sa mga seryosong relasyon. Tama na yung ganito, goodtime goodtime lang. Tama na yung naglolokohan lang kami ni Tisay :) Haha.
Nakakulong lang ako ngayon sa kwarto dahil 5 days na akong inom nang inom. Soooobrang sakit ng ulo at buong katawan ko.
"Anak, pinapatay mo ba ang sarili mo?" Daddy.
"Sorry Dad, masyado lang akong nag-enjoy." Ako.
Hinimas ni Dad ang likuran ko and inabutan nya ako ng gamot.
"Kumuha na lang kaya ulit ako ng assistant? What do you think dad?" Ako.
"Maganda pinoy ang kunin mo." Daddy.
Napaisip ako .. Ano kaya kung sya na lang ulit?
Lilinawin ko ..
Sya na lang ulit ang kunin kong assistant?! Tutal, limot na namin ang mga nakaraan at pinagsamahan namin.
I try to call her but her phone is busy. Bakit naman kaya? Ganun din si Shawn e, baka busy sila sa company. Lumabas muna ako at nagpunta sa garden.
"Party boy!" Si Courtney.
Hinalikan ko sya sa pisngi. Nandito na naman sya, magdadaldal na naman sya tapos magyaya mag-shopping then mag-iinom na naman kami.
E sya naman ang unang nalalasing!
"What brings you here?" Tanong ko.
"Let's play golf." Courtney.
"I'm not interested, sorry." Ako.
Nakasimangot sya at nagtatampo. Aba! E ayoko talaga ng sport na yan, baka ihampas ko pa sayo yung pamalo ng bola. Ang arte!
"Okay, just call me if you need a drink mate!" Galit nyang sabi.
DRINK MATE?!
Ang weird :) Itinuon ko na ulit ang atensyon ko sa panonood sa paligid. Ang linis dito!
Medyo narerelax na ako -_____-
(Trisha's POV)
Eight days to go ..
Tatanda na naman ako ng one year. Aaaahhhh!! What is my life?!
Wala pang nangyayari sa buhay ko kundi kabiguan! Oo tama. Gusto ko munang mamahinga, pwede ba yun? Bangon na lang ako kapag gusto ko na ulit ma-stress. Ang weird ko!
Papasok na ako sa office ngayon. May presentation kami ni Shawn! Idea ko yung gagamitin. Ako pa ba? :)
Nag-taxi lang ako today. Wala e, lahat sila sobrang busy. Medyo traffic pero mabilis din namang umuusad.
9:37 na ..
Bilisan mo mag-drive Manong, kailangan ako 'dun ng 10AM.
