Birthmonth ko na O__________O
O-M-G!
Starting today, 10 days na lang birthday ko na.
I don't know how to prepare. Kung magpaparty ba ako or simpleng dinner na lang? Hmm-
Nandito na ako sa office at busy kaming lahat ngayon. Nagalit kasi si Shawn dahil bumababa amg sales ng magazine.
Tahimik lang ako na nagta-type sa computer habang si Mr.President ay nagse-cellphone. Argh! I need to talk to Ebony about my plans, I need her help!
*one message*
From: Shawn
"Pahinga ka naman."
Hmp! Sa inasal mo kanina wala na kaming balak magpahinga.
Tuloy lang ako sa ginagawa ko, iniisip ko na walang ibang tao sa paligid ko.
"Hey." Shawn.
"Oh, akala ko galit ka?" Ako.
Tumawa sya ng medyo mahina lang naman.
"Wala yun, it's a secret para mabilis ang trabaho." Shawn.
"Ganun ba? Okay." Ako.
Naupo sya sa harapan ko at mukhang makikipag-chikahan na naman sya -_______- Ayan na nga ba ang sinasabi ko.
"Mukhang may iniisip ka? Tell me." Shawn.
"Ten days na lang kasi birthday ko na, iniisip ko kung ano ang gagawin." Say ko.
"Party!" Excited na sabi nya.
Tapos? Hmp. Ang hihilig sa party palibhasa ang yayaman nyo. Itinigil ko ang ginagawa ko and nag-focus na lang sa pakikipag-kwentuhan sa kanya. Wala naman akong choice e!
"Parang ayoko na ng party." Ako.
"Haha- dinner?" Shawn.
Ngumiti ako.
"Perfect!" Sabi ko.
"Sinu-sino naman tayo?" Shawn.
"Ako,Ikaw, si Ebony and si Joseph." Ako.
Tumango sya sabay focus sa cellphone nya, hmm- ano kayang pinag-kakaabalahan nya? Si Ebony ba?
Inagaw ko sa kanya ang phone nya.
"She is so pretty bro! Grabe, pag nakita mo sya ang puti parang anghel!"
-BLAKE
Agad akong napa-simangot sa nabasa ko. PRETTY? MAPUTI? ANGHEL? For sure babae ang tinutukoy nya.
Ibinalik ko na ang phone kay Shawn.
"B-bakit?" Shawn.
"Ha? W-wala, nag-chat si Blake basahin mo." I said coldly.
Binasa nya and agad nya akong hinawakan sa kamay.
"Sorry." Mahina nyang sabi.
Huh? Wala 'to noh. Ayos lang ako, bakit naman ako maaapektuhan sa sinasabi nya e sawa na nga kami di ba?! Atsaka kinalimutan ko na ang lahat!
Naghanap na lang ako ng bagay na pwede kong pagka-abalahan.
Nag-drawing na lang ako.
"Uy Trisha." Shawn.
"Uhm- pupunta na pala ako sa resto." Ako.
Tumayo na ako at lumakad na palayo sa kanya-
Okay lang ako promise!
Kung sya may bago na, pwes mas okay ako dito.
(Shawn's POV)
May nagawa ata akong hindi maganda at ikinasama ng loob ni Trisha. Susundan ko dapat sya pero tumakbo na sya and she is so fast!
Ito kasing si Blake puro kalokohan ang alam e.
SHAWN'S CHATBOX
Me: Bro nagtampo si Trisha! Nabasa yung chat mo kanina.
Blake: Anong paki ko?! I'am happy now with my life, bahala na sya sa buhay nya.
Me: Wag namang ganyan Bro.
Blake: Ah basta. Okay Bro, call time ko na.
Grabe si Blake! Hindi ba nya nababasa yung mga chat nya?! Ay naku, masasapak ko na sya.
Papunta ako ngayon sa shop ni Ebony. I want some good vibes! That guy makes me so annoy.
Medyo traffic din, ewan ko kung bakit? Nadagdagan pa tuloy ang init ng ulo ko. Argh! Nakakainis.
Yun at umusad din, nagmadali na akong makapunta sa Shop.
"Hey!" Ebony.
Agad syang lumapit sa akin at pinaupo ako malapit sa cashier.
"Nagtatampo si Trisha. Nabasa nya yung chat namin ni Blake about his new girl." Ako.
Nagtaka naman si Ebony at mas lalo pa syang naging interested sa kwento ko.
"You mean may bago na si Blake? E sino naman?" Tanong ni Ebony.
Pinakita ko sa kanya ang picture ni Courtney Jones, a popular model from Los,Angeles.
Halatang namangha si Ebony at tumango-tango pa sya.
"Confirmed ba na jowa nya 'to? Baka naman, friends lang." Ebony.
"Ewan ko. Excited kasi lagi magkwento si Blake e, kaya feel ko girlfriend na nya 'to." Ako.
Tumango lang si Ebony .. Hmm? Bakit ba concern kami kung sino ang bago ni Blake? Wala naman kaming paki na dun. Malaki na sya!
Kumain na lang ako. Iisipin ko din yung plano ni Trisha sa birthday nya.
