"Trisha, ang maswerte ka dahil nandito pa ako. Hindi kita iiwan, BFF kita e." saad ni Ebony.
Dito ako nakatira sa bahay na pinagawa niya. Pinagbubutihan ko na rin ang pagrereview, wala na rin akong balita kay Blake.
"Ang unfair talaga ng mundo."
My Mom left me. Tapos naghiwalay na rin kami ni Blake.
Habang nag-eemote ako ay biglaan naman ang pagdating ni Shawn. Umupo siya sa tabi ko.
"Umalis na nga pala si Blake." bungad ni Shawn.
"Ah- oo alam ko." saad ko.
"Alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon. You can lean on me." bulong ni Shawn.
Bakit ba sa tuwing nagrereview ako dumadating siya?
"Okay lang ako. Hindi naman ako nalulungkot, sobrang maayos ang kalagayan ko." tugon ko sa kaniya.
"Gusto mo mamasyal muna tayo? Para naman hindi ka masyado ma-stress dyan sa pagrereview mo." saad ni Shawn.
Teka nga, e 'di ba nag-shift siya ng course? Wala ata siyang balak mag-take ng LET.
Tumango ako at ngumiti.
*****
(Shawn's POV)
Ito na ang pagkakataon ko. Nagdesisyon akong isama si Trisha na gumala upang mabawasan ang pag-ooverthink niya.
"Miss, couple sundae nga." umorder na ako.
Tahimik lang si Trisha. Alam ko kung ano at sino ang iniisip niya sa mga oras na 'to. But I will try to help her. I will try my best to make her forget that man!
Naupo na kami upang kumain.
"Bakit ang tahimik mo? Sabihin mo sa akin kung may problema ka." saad ko.
"W-wala. Nakakamiss lang na may isang taong laging galit sa akin." nakangiting sabi ni Trisha.
I knew it!
"Can you be my assistant?" offer ko sa kaniya.
Nanlaki ang kaniyang mga mata at tila hindi makapaniwala sa aking sinabi.
"Shawn, kailangan kong mag-focus sa nalalapit na bar exam. And besides, sawa na ako sa ganyang trabaho." tugon niya sa akin.
"But I badly need an assistant!" sinubukan kong pilitan pa siya.
"Sorry."
"Okay, let's make a deal. Kapag bumagsak ka sa exam na 'yan, gagawin kitang assistant. Deal?" saad ko habang nakatingin sa kaniya.
Ngumiti sya at kinuha ang kaliwang kamay ko.
"Challenge accepted!" she winked her left pretty brown eye.
Napatawa ako sa ginawa niya.
*****
(
Trisha's POV)
Wala palang balak mag-take ng exam sina Shawn at Ebony. Pareho nilang pinili ang passion nila. So it means kailangan ko talagang i-pursue 'tong pangarap ko.
Nandito kami ni Shawn ngayon sa bookstore. Hindi ko alam kung ano na naman ba ang trip ng lalaking 'to.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko.
"Humanap ka ng book na magpapasaya sayo kahit wala ako." tugon naman ni Shawn.
Magpapasaya sa akin? Wala akong maisip.
"Nevermind. Tara na." saad ko at niyaya na siyang umalis.
"Arcade tayo." Shawn held my hand.
"Papagurin mo ba ako?" pabiro kong tanong.
Ngumiti lang sya at dinala ako sa Arcade.
"Wanna try that?" Shawn asked me.
Nakaturo sya sa basketball arcade. Hindi ko na naman maiwasang isipin si Blake.
"If I win, ikikiss mo ako. If you win, I will kiss you."
"Uhm-" ang tagal kong pinag-isipan ang sinabi nya.
"Game!"
"HEY! No way."
"Hahaha, nice!"
"I won!"
Yes. He won.
"Here." nakaturo siya sa kaniyang pisngi.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan upang halikan ang kaniyang pisngi. Pumikit ako at idinikit ko ang aking labi sa pisngi ni Shawn.
Ang lambot.
Dumilat ako at hindi ko inaasahan ang aking nasaksihan.
~
🖋author_mj17
