Chapter Seventeen

9.1K 166 2
                                    

Pabilis nang pabilis ang paglipas ng mga araw, at malapit na kami grumaduate. Makakasama ko pa kaya si Blake? Magkikita pa kaya kaming dalawa?

Stop it, Trisha.

Mayroon akong maikling demo sa AV room. Kailangan kong galingan.

"Trish, puntahan mo na lang ako sa room ha?" bilin ni Blake sa akin.

Totoo ba 'to? Papasok siya?

O-M-G! Nagbabago na nga talaga siya.

"O-Okay, sure." tugon ko.

He waved his hands.

Magkasama kaming magde-demo ni Ebony.

----*

Sa totoo lang, hindi talaga ako fully prepared sa demo na 'to. Ngunit sa kabilang banda ay pumasa naman kami.

Papunta na ako sa room ni demonyo.

"Babe please!"

Napalingon ako sa locker room. I saw Katherine and Blake talking.

Pinanood ko sila. Ofcourse nakatago ako, baka kasi may hindi na naman ako inaasahang mangyayari.

"Please ayaw ko na! I already left those jokes 'cause I'am seriously in love with this woman." saad ni Blake.

Seryoso talaga siya sa akin? No. Baka naman hindi ako yung tinutukoy niya.

"Bakit?! Dahil mas sexy siya than me? What the hell Blake!" galit namang saad ni Katherine.

"Hindi yun ang intensyon ko sa kanya. All I want is her love. Hindi gaya mo na puro landi at luho." tugon naman ni Blake.

Totoo ba 'tong mga nakikita't naririnig ko?

Natahimik si Katherine at halatang napahiya.

"Babalik na ako sa room and she is waiting for me." paalam ni Blake.

Tatakbo na dapat ako nang biglang—

"Narinig mo lahat?! How long have you been there?" si Katherine.

OMG. Galit na galit siya!

"Ah– kasi.." utal kong sabi.

"Siya ba?!" tanong ni Katherine habang nakaturo pa sa akin.

Niyakap ako ni Blake.

"Yes, she is. Siya nga ang tinutukoy ko. And if you hurt her, and if anyone tries to hurt her, you will be kicked out of this school and I will kill all of you b*tches!" galit na sabi ni Blake.

Habang sinasabi niya yun, lalong humihigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin.

Sinugod ako ni Katherine but Blake pushed her away.

"Don't you ever touch her!" sumisigaw na si Blake.

Inawat ko na siya.

"Please tama na?" naiiyak kong sabi.

Ayaw ko kasi makakita ng babaeng sinasaktan.

"Pasensya na." saad ni Blake.

Humarap ako kay Katherine.

"Ikaw pala 'yan alipin?! Paano ka naman nagustuhan ni Blake?" iritadong tanong ni Katherine.

"Because I'am not like you. That's all." sarkastiko kong tugon.

Hinawakan ko na si Blake sa kamay at lumakad palayo sa babaeng 'yon. Nagpunta kami sa bench area at naupo.

"Thank you nga pala. Na-touch ako sa mga sinabi mo. Mukhang nagbabago ka na talaga." sabi ko.

Tumayo siya at nag-cross arms.

"At inartehan mo na naman ako kanina." kunot-noo na sabi ni Blake.

"E bakit?" nag-pout ako.

"Naiiyak ka na kanina." saad ni Blake.

Naupo na ulit siya. Totoo na ba 'to?

"Kain tayo?" pag-aya ni Blake.

"S-Saan?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin.

"Sa puso mo."

Corny, sobrang corny!

"Kinikilig ka, aminin mo." natatawa niyang saad.

"Hindi ako kinikilig at walang nakakakilig sa sinabi mo. Ang corny kaya!" saad ko.

At kita sa expression ni Blake na napikon na naman siya aking sinabi. Maiksi talaga ang pasensya ng taong 'to.

~

🖋author_mj17

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon