CONCERT DAY. (7:00PM)
This is it! Lahat kami ay nakahanda na, pagbaba ko .. Ooopps, ako na lang pala ang hinihintay?
"Wow, you are so elegant my dear!" Mommy.
Sinalubong naman ako ni Papa sabay kiss sa noo.
"Tara na po?" Sabi ko.
Excited sumakay sa mga kotse na nakatoka sa amin. Kami nila Ebony at Shawn ay magkakasama sa iisang kotse.
Agad na nagmaneho si Shawn paalis, full charge ang mga phones namin dahil buong program ata kukuhaan namin ng video, haha chos!
Nanginginig ako, namamasa yung kamay ko, nilalamig ako na naiihi. Hindi ako mapakali, ano kayang itsura ni Blake?!
(Blake's POV)
I can't wait to show up! In just an hour the party will start. Nandito ako sa dressing room naghihintay, nakatitig lang ako sa salamin .. Handa na akong gawin 'to, wala nang urungan.
Maya-maya ay may narecieve akong text mula kay Shawn, malapit na daw sila. Hindi ko na muna kinakamusta si Trisha, para mag-alala sya haha :) habang naghihintay ay umiinom muna ako ng bottled fresh juice.
"Lalalala-" sinasabayan ko yung tugtog sa phone ko.
Kailangan ibigay ko ang full energy ko sa opening, hays! Madami kayang manonood? Ano kayang feeling pag nasa labas na ako? Ngayon lang ako kinabahan ng ganito .. Ano bang nangyayari.
Nag-unat muna ako, ayos buhok at ayos mukha.
"Blake, your family already arrived." Kate.
"Where are they?" Ako.
"In the VIP seat." Kate.
"Okay, thank you." Ako.
Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Kate, makikita na kasi ni Mommy yung mga hidden talents ko na noon pa nya pinapagawa sa akin.
Natatawa tuloy ako habang nakatitig sa salamin, aaahhhh! Excited na talaga ako sobra.
"Blake, we will start in 30 minutes." Director.
Wooooh. Inhale, exhale .. Ready na ako sobra. Nanlalamig ang mga kamay ko, hindi ko na talaga alam kasi halo-halo na yung emosyong nararamdaman ko.
Papadyak padyak lang ang paa ko sa sahig, tayo upo tapos lakad konti. Pinagtatawanan na tuloy ako ng mga kasama ko dito.
Nagselfie na muna daw kami para daw hindi ako kabahan masyado. Game naman akong sumali sa kanila. Aaahhh! Konti na lang magsisimula na. Naupo ulit ako, tapos maya-maya tayo na naman. Ano ba naman 'to?!
Daig ko pa babae kapag kinakabahan e .. Binigay na sa akin ang microphone na may design pa. Wow! Ganda. Waah! Ito na, ito na!
5
4
3
2
1
"What's up America!!" Buong tapang at proud kong sinigaw.
