(Trisha's POV)
-__- nagising ako na nandito sa kwarto ni Blake. Argh!
"Gising ka na pala." Blake.
"Sorry ah, mabigat ba ako?" Tanong ko.
Naupo si Blake sa tabi ko at tinatawanan ako. Ano naman ba ang trip na ginawa nya?
"Hindi naman, nakakatawa lang kasi nakanganga ka. Hahahahaha!" Pang-aasar nya.
Bumaba na kami para mag-dinner, himala at wala yung mah-asawa dito ah. Naupo na kami, si Mommy pala ang naghanda ng mga ito. Naks! Mommy and Daddy :) Haha.
Una kong sinandok ay yung salmon steak na pinan-fry muna tapos binake ng 30 minutes, ang sarap grabe. Nasa mesa din ang pagkaing hate na hate ni Blake, ang brocolli soup.
"Mom, Dad, three weeks na lang at concert ko na." Sabi ni Blake.
"Manonood din ang mga amiga ko galing France anak, buti nakabili kami ng tickets bago pa masold-out." Sabi ni Mommy.
Oo nga pala, as of 1 week since nag-announce na may concert si Blake ay naubos na agad ang mga tickets pati online. Ganun kabenta si Blake.
"Trisha, anong balak mo sa christmas?" Daddy.
"Uhm- wala pa po e." Ako.
"Gusto mo bang dalawin ang mama mo?" Daddy.
Nagkatinginan kami ni Blake, nakangiti sya sa akin.
"Gusto mo?" Blake.
"Pag-iisipan ko pa ho." Ako.
Tumango sila at kumain na kami. Ang dami na namang kwento ni Mommy kaya panay na naman ang tawanan namin.
After kumain ay tumaas na kami ni Blake. Inayos ko din ang mga gamit ko, si Blake naman binabasa yung mga libro ko.
"Kung uuwi ako sa Pilipinas, sasama ka ba?" Tanong ko.
"Oo naman, para makapag-paalam ako sa Mama mo." Blake.
"Huh?" Nagtataka kong tanong.
Tumabi sya sa akin at tinulungan ako sa pag-aayos.
"Wala. Sasamahan kita wag kang mag-alala." Sabi ni Blake.
Kiniss nya ang pisngi ko. Hmp! Nakakadami na sya no? Haha, pabebe.
(Ebony's POV)
Three months na ang tummy ko. Nandito kami ni Shawn sa bahay and we were planning to have a baby shower pag nag-five months na ang tyan ko.
Tapos itatayo na din namin yung BEST BAKESHOP. Excited na ako na mangyari ang lahat ng ito.
"So Babe, ano ba gusto mong theme ng baby shower?" Shawn.
"Gusto ko christmas themed. Tutal malapit na naman na ang pasko." Sabi ko.
Tumango naman si Shawn, so it means sang-ayon sya. Naghahanap na din kami ng magiging party organizer namin.
Ang daming magaganda dito e, pero yung mas malapit na ang pinili namin. Next is yung give aways na ipamimigay.
"Ako na ang bahala dyan." Shawn.
"Okay, Babe ihanda mo naman ako ng red velvet cake oh. Nasa fridge yun mag-slice ka na lang ng konti." Ako.
Agad namang tumayo si Shawn para ikuha ako ng pagkain. Hindi mawawala sina Trisha sa event na yun, dahil sila ang very important people sa buhay naming mag-asawa at syempre ng baby namin.
Bukas pupunta naman kami ni Shawn sa OB-GYNE para magpa-ultra sound.
"Here Babe." Shawn.
"Salamat." Sabi ko.
He kiss my cheeks. Namimili na sya ng give aways, ako naman pumipili ng isusuot ko. Hihi :)
Maya-maya pa ay naririnig ko na ang boses nila Trisha and Blake.
"What are you doing guys? Mukhang busy kayo ah." Blake.
"Yeah, we are planning to have a baby shower pag five months na ang tyan ko." Sabi ko.
Naupo yung dalawa at nakialam na din sa ginagawa namin.
"I like that one." Blake.
"Bro, that's so lit!" Shawn.
Nagtawanan sila, seryosohin nyo yan ha? Baby ko ang pinag-uusapan dito baka sapakin ko kayong dalawa dyan.
Si Trisha naman tinutulungan akong maghanap ng susuotin ko.
"Best, I that white diwata dress. Bagay sayo at dyan sa baby bumps mo!" Sabi ni Trisha.
Agad-agad umorder ako ng sinabi nya, she's the best stylist talaga ever! Kiniss ko sya sa pisngi, hihi.
"Wag ka nga sa masyadong sweet na pagkain." Sabi ni Trisha.
"Bakit naman?" Ako.
Kinuha nya yung kinakain ko. Napaka-over protective talaga ng bff ko, kaya mas love ko yan keysa sa asawa ko e. Haha joke!
Syempre pare-pareho ko silang love, love, love. Lahat sila super important for me.
"Saan ba ang venue?" Tanong ni Blake.
"May space naman sa garden, malaki yun at kasya na siguro ang 100 persons." Shawn.
"Gagastos pa tayo para sa ticket ni Mom and Dad, pati si Dad and Mom mo." Ako.
Inilista naman ni Trisha ang para sa mga tickets, chineck na din nila ang venue and okay naman daw.
Naghanda rin ako ng merienda dahil halata namang na-stressed sila sa pag-plano, gusto ko kasi perfect kaya pinag-isipan talaga nila.