Chapter One

22.6K 369 5
                                        

"Trisha!" malakas na pagsigaw ni Mama.

Bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Nakahanda na syang pumasok sa trabaho. Ako naman ay isang ulirang estudyante slash personal assistant ni Blake Hidalgo. Yun na lang ang tanging paraan para matapos ko ang college at makapag-teacher someday.

"Anak nandyan na ang almusal mo ha." bilin ni Mama.

"Siguro hindi ka na naman kumain." saad ko.

"Sige na. Sa 'yo na yan." tugon niya.

Sobrang bait talaga ng nanay ko. Pero bakit kaya kami iniwan ni Papa? Kasi hindi mapera si Mama. Dalawa na lang kami ni Mama na magkasama sa buhay. Syempre mahirap kung sya lang ang magtatrabaho. Kaya nagdecide ako na maging alipin ng walang hiyang si Blake.

*message recieved*

   From: Blake
    8:00 na. Where are you?!

Grabe. Akala mo naman masipag mag-aral. Naligo na ako ng mabilis dahil panigurado mananagot na naman ako sa kanya.

*****

"B-Blake!" pagtawag ko sa kaniya.

Nakakunot na naman ang noo nya.

"Hold this." he said with his cold tone.

Ibinigay nya sa 'kin ang tatlong box ng imported chocolates at flowers.

"Para kanino 'to?" tanong ko.

"Daming tanong. Just wait okay?! Late ka na nga e." galit na naman ang amo ko.

Naiinis na ako sa kaniya. Titingin-tingin ako sa paligid. Sino ba kasi ang hinahanap nya?

"Carby!" Blake shouted.

Si Carby Santos pala. Ang sexy at talented varsity player ng Ateneo.

Lumapit si Carby and Blake looks so excited.

"This is for you." ako pa yung nagbigay ng mga regalo.

"Thanks. Would you like a little breakfast with me?" saad ni Carby.

"Blake papasok na ako. May report pa ako e." nagpaalam na ako.

Tumingin sya sa akin.

"No." Blake.

WTF! Ano daw? Naglakad na silang dalawa at nagsilbi naman akong thirdwheel.

Nandito kami sa Seattle's Best Coffee. Alam kong si Blake ang magbabayad ng mga kakainin namin dito. Syempre magyayabang yan para plus points kay Carby.

"Thank you. By the way, sino siya?" she pointed at me.

"She's my personal assistant. Si Trisha Ashram." he introduced me.

Ngumiti naman si Carby. Hindi maganda ang kutob ko sa babaeng 'to.

"Blake una na talaga ako ha? Late na ako." paalam ko.

"Okay you may go." sarkastikong saad ni Carby.

Sinenyasan ako ni Blake na umalis na. Tumakbo na agad ako.

*****

"Miss?"

"Miss okay ka lang?"

"Miss."

Ang sakit! Dumaan kasi ako sa soccer field at hindi ko akalain na tatamaan ako ng bola sa ulo.

"Aray." reklamo ko.

Tinulungan akong makatayo ng lalaki.

"Sorry ha." he's scanning my face.

"Okay lang, kasalanan ko. Alis na 'ko." pagmamadali ko.

Hinawakan nya ako sa kamay.

"Sorry talaga. May I know your name? Pumunta ka sa clinic mamaya, ibibilin kita sa nurse doon." saad niya.

"Trisha! Okay Bye." tumakbo na ako palayo sa kaniya.

"Wait! I'm Shawn. Shawn Reyes! Nice to meet you!"

Isinigaw pa din nya kahit medyo malayo na ako. Napangiti naman ako. Pero sobrang sakit ng ulo ko.

*****

Nandito na ako sa room. Nawala ata lahat ng ni-review ko dahil sa tumamang bola sa ulo ko.

"Okay class. Tomorrow is our Foundation Day and everyone must be there." saad ng professor.

"Aish. Isang walang kwentang araw na naman." pabulong kong reklamo.

"Hoy babae!Bakit ngayon ka lang?" si Ebony Fuentebella.

Best friend ko siya slash nanay na palagi akong sinesermonan.

"Yung amo ko kasi e, inuna pa ang pakikipag-date. Kaya heto at medyo late ako." I explained.

"Hay. Sabi sayo e." Ebony.

Hinayaan ko na lang sya. Manenermon na naman kasi yan e. Alam mo na? Protective.

"Miss Ashram."

"Po?!"

"Ikaw ang representative ng section natin para sa Ms.ADMU okay?" saad ng professor namin.

Naghiyawan silang lahat. Ginugulo naman ako ni Ebony.

"Pero– Ma'am kasi ano... Aish!" inis at utal kong saad.

"Go Bff!" malakas na saad ni Ebony.

"Ma'am ayaw ko po." pagmamakaawa ko.

"Bye Class." nakangiting saad ng professor habang palabas ng classroom.

Lumabas na rin ako at hindi ko akalaing nakaabang na pala ang demonyong nahukay sa lupa.

"Haha. Representative." pang-aasar pa nito sa akin.

"B-bakit?" inis kong tanong.

"Wala naman. Makikita ko kung paano ka rumampa, sa wakas at magmumukha ka nang tao." natatawang sabi ni Blake.

Hinahawi-hawi nya yung buhok ko.

"Maganda ka naman e, medyo sexy, matalino, and–Go Trish. I'm your fan."

Trish? Tss!

"Tigilan mo 'ko." hinawi ko ang kaniyang kamay.

Inakbayan nya ako.

"Hanap na tayo ng gown mo. Tara!" dumeretso kami sa parking area.

Sumakay na kami sa kaniyang kotse. Pagsilip ko sa bintana ay nagtama ang tingin naming dalawa ni Carby. Bakit naman kaya? Hindi ko na lang sinabi kay Blake yung nakita ko.

"Saan ba tayo pupunta?" curious kong tanong.

Hindi nya ako pinapansin. Aish! Bwisit 'to.

"Oh, I forgot to tell you na may special report ako sa History. Gawin mo yun sa bahay mamaya at doon ka na matulog." bilin niya sa akin.

"Ang sakit ng ulo ko e. Wala akong ganang mag-puyat." palusot ko.

"At marunong ka na talagang magreklamo." tugon niya.

Yumuko ako. Masakit naman talaga e.

Hinampas nya ako ng magazine sa ulo.

"Aray ko! Masakit nga e." malakas kong sabi.

"Hahaha. Huwag kang maarte. You're not Barbie. Eiw!" pang-aasar niya sa akin.

"Si Barbie lang ba ang may karapatang umarte? Seryoso ako sa sinasabi ko." inis kong sabi.

Kumunot na naman ang noo nya. Tinakpan ko na ang bibig ko, alam kong napipikon na si Blake sa mga sinasabi ko.

Baka mamaya bigla na lang niya akong ihulog.

~

🖋️author_mj17

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon