"Ang kapal ng face!" Inis kong sabi.
Habang nagliligpit ng mga pinag-kainan ng chips, lata ng beer, boxes ng pizza >____<!
Alam nyo bang dito tumutuloy ang demonyo sa amin?! Buti na lang at may Guest's Room ang bahay ng BFF ko. Nandoon sya natutulog .. Pinuntahan ko sya, ang sarap pa ng hilik nya.
"Hoy, gising na!" Ako.
Idinilat nya ang mga mata nya.
"Go away." Blake.
"Papasok na ako sa opisina, bahala ka na sa buhay mong magluto." Ako.
Bumaba na ako dahil Ebony is waiting for me. Blooming ang BFF ko, feel na feel nya ang singsing sa kanyang mga kamay.
Sumakay na kami sa kotse.
--*
Okay, nasa lobby na ako ng company. Hays! -________- Panigurado pag-uwi ko mamaya hindi na gaya ng dating malinis at tahimik.
Nag-aalala tuloy ako sobra.
"Good Morning!" Ako.
Nakaupo si Shawn sa table ko at pinakekeelaman ang computer ko. Ano na naman ba 'to?!
"Nilagay ko na sa online bank account mo ang pocket money mo pag-alis nyo." Shawn.
Naupo ako at tiningnan yun ..
35,000 pesos O_______________OTiningnan ko sya at nag-iisip ako na baka ito na ang huling sahod ko.
"Tatanggalin mo na ako ngayon?!" Nag-aalala kong sabi.
"No,no. Bigay ko yan sayo." Shawn.
BIGAY?
BIGAY?
Aba! Sobra naman ang lahat ng tulong nya. Bumalik na ako sa trabaho .. Mukhang may mga bago kaming clients ah.
Agad ko yun inasikaso.
-calling: Blake-
"Nasa trabaho ako at busy ako!"
"Pag-uwi mo, don't forget to buy fresh milk ha? Mga lima, ubos na kasi e. Atsaka, bumili ka na rin ng cereals." Blake.
"Wala akong pera!"
"Hey you, P.A na kita magmula ngayon!" Blake.
"Wala pa tayo sa States kaya kalma tayo okay? Kainin mo kung anong meron dyan, kakain ako sa fast food mamaya."
-call ended-
Ngayon ako makakaganti sayo Demonyo. Bumalik na ako sa ginagawa ko, humanda ka sa 'kin. Naramdaman ko namang lumapit si Shawn sa akin.
"Busy?" Shawn.
"Ah yeah, may bagong client e. Malaking opportunity din 'to." Sabi ko.
Tumango sya at pinanood lang ako sa ginagawa ko. Wala syang balak tumulong, palibhasa may inaasahan e. Mabilis lang naman akong nakipag-usap sa kliyente through skype. Pumayag sila sa sinet kong meeting bukas ng 2:30PM sa Shop ni Bff, halata na namang ang pagka-bilib ni Shawn sa akin.
"Hindi ka na bagay maging secretary, ikaw na kaya pumalit sa akin." Biro nya.
"Ang tamad mo kasi!" Ako.
"Nga pala, is he calling you?" Shawn.
"Oo, kanina lang. Akala mo kung sino magpabili e, bahala sya sa buhay nya." Sabi ko.
Nakatingin lang sya sa akin habang nakangiti, weird na naman sya! Tumayo ako at inihanda ang mga gamit ko, gaya nga ng sabi ko kay Demonyo sa fast food ako kakain. Bahala sya sa buhay nya magutom.
"Teka, saan ka pupunta?" Shawn.
"Aalis na!" Ako.
Tumango sya at kinawayan ako. Nagmamadali naman akong lumabas at sumakay sa elevator, ayoko kasi ng siksikan atsaka baka maabutan ko ang napaka-habang traffic.
Si Manong na naman ang driver ng taxi na nasakyan ko 🐸
"Manong, sa pinaka-malapit na Jollibee ho tayo." Sabi ko.
Hindi na muna ako magko-concert dahil handa si Manong at pinakabitan na nya ng speaker ang taxi nya, haha! Ang funny nya.
"Mag-concert ka na Ma'am, para ganahan ako magdrive." Manong.
"Kayo naman ho, wala po sa kondisyon ang voice ko ngayon e." Biro ko.
Tumawa naman sya ng malakas, aba mababaw ang kaligayahan ng taong 'to.
So sad to say ..
Nandito na ako sa Jollibee .. Magkakahiwalay na kami ni Manong :)
"Manong oh." Inabutan ko sya ng 500 pesos.
"Si Ma'am nang-aasar, wala ho akong panukli." Manong.
"KTC manong!" Sabi ko.
Nagtaka sya at napakamot sa ulo, natawa naman ako syempre.
"I mean, Keep The Change po. Bye!" Sabi ko.
Napasaya ko na siguro si Manong, nagmamadali akong pumasok sa Jollibee at agad na umorder.
Walang Pizza dito mga Beshies kaya I ordered .. Chickenjoy, large fries and coke float :)
Yan lang naman ang ilan sa mga comfort food ko noong bata pa ako. Hmm- sharap! Yummy, yummy. Hahaha.
Napatingin ako sa phone dahil tumunog ..
TRISHA'S CHATBOX
Blake: Talagang dyan ka kumain sa fast food ha?! 😡
Me: (sent an eating sticker)
Blake: You're dead.
Me: Aray, patay na ako! Hahaha.
Blake: (sent an angry sticker)
Nag-offline na ako para mas lalo syang maasar. Hahaha! Ako naman ang babawi ngayon, humanda ka hindi pa ako tapos.
Pauwi na ako :) Actually nasa gate na nga ako ng bahay e.
Nakita kong nakaabang sa labas si Demonyo, may buntot sya tsaka sungay oh? Iiwasan ko dapat sya pero ..
"You are so hard-headed bitch! Sinusubukan mo 'ko?" Blake.
Tiningnan ko lang sya sabay nginitian.
"Na-kaka-ta-kot!" Pang-aasar ko sa kanya habang nakalapit ang mukha ko sa mukha nya.
Dumeretso na ako sa loob and I found my Best Friend cooking. Pinuntahan ko sya.
"Ikaw naman Best, hinahayaan mong magutom ang alaga mo!" Bulong ni Ebony.
"Hmp! Hayaan mo sya." Ako.
Kumuha ako ng tubig at nagpunta sa sala .. Naupo ako, haaaaays! Sakit ng paa ko. ANTM na pala :) Sakto!
"Nanonood ako ng basketball, wag kang bastos!" Blake.
Tiningnan ko sya ng napaka-sama.
"Nasa labas ka di ba?" Ako.
Naupo sya sa tabi ko at inagawa ang remote sa akin, inilipat nya sa channel na pinanonood nya.
Hmp! Kalma Trisha, papangit ka nyan e.
"Magpalit ka na nga muna ng damit, ang asim mo!" Blake.
Inamoy ko ang sarili ko .. Hindi naman ah! Bastos talaga 'to.
Wala akong choice kundi umakyat na lang sa kwarto at magpahinga.
NAKAKAGIGIL TALAGA!!
