Ilang araw na akong nilalagnat. Sipon, ubo, trangkaso layuan ninyo ako!
"Heto ang gamot anak." ani ni Mama.
"Mama, sobrang sakit na rin ng ulo ko." naiiyak kong sabi.
"Tsk. Bakit pa kasi kailangan mong magpaulan? Sa panahon ngayon mahirap magkasakit. Mahal na ang mga gamot." sermon ni Mama sa akin.
Maya-maya pa ay may biglang kumatok sa pintuan. Medyo kinabahan ako.
May inaasahan bang bisita si Mama Inaalagaan ako ni Mama ngayon, istorbo naman 'yun.
Pumasok sila sa kwarto.
Nagulat ako sa aking nakita.
Umupo siya sa tabi ko at inabot ang soup at mga gamot.
"Nalaman kong may trangkaso ka. Ebony told me about your situation." tila naaawang sabi ni Blake.
Sasampalin ko dapat siya, pero pasalamat siya at nandito si Mama Badtrip na naman ako. Lalo atang sumama ang pakiramdam ko.
"Tita, ako na po bahala kay Trisha." saad ni Blake.
Iniwan kami ni Mama sa kwarto. 'Dun ko na siya nasampal.
"Kapal ng mukha mo. Sino naman ang nagsabi sayo na may karapatan kang pumunta rito?!" inis kong saad.
"Kumalma ka nga. Gusto ko lang alagaan yung mahal ko. I want to fix this relationship." tugon naman ni Blake.
Tinulak ko siya at binato yung gamot na dinala niya.
Hindi ko kailangan ng mga taong plastik sa buhay ko. All I want is a quite life.
"Umalis ka na." seryoso kong sabi.
"Ayoko."
"Isa!"
"No,no!"
Babatuhin ko dapat siya ng unan ng biglang–
"See? Kumalma ka na. One kiss, at alam kong mahal mo pa ako." nakangiti niyang sabi.
Sinampal ko ulit siya. Ang manhid niya sobra! Ganyan ba kakapal ang mukha ng mga cheater?
"Umuwi ka na nga! Or kaya magkita na lang kayo ni Carby. I hate you." inis kong sabi.
Kinukulit pa rin niya ako. Bwisit! Naiinis, napipikon, at naaasar na ako sa taong 'to.
Humiga siya sa tabi ko.
"Nandyan ang mga gamit ko, dito ako matutulog." may pag-dila pa siyang nalalaman.
"Mama!"
Tawa siya nang tawa.
Kinukulit niya ako nang kinukulit. Imbes na magpahinga ay stress ang dinala sa akin ni Blake.
"Hindi ko gusto ang mga nangyayari." bigla akong naging seryoso.
Niyakap niya ako at nagtulog-tulugan sa tabi ko.
Naiiyak ako. Pero hindi ko pa rin siya kayang patawarin.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto.
"Barbie!"
Aish! Lalong hindi bubuti ang pakiramdam ko kapag ganyan ang kasama ko.
"Ano ba?! Mas mabuting bumalik na lang tayo sa dati." saad ko.
"Bakit ba ang taas-taas ng pride mo, huh? Ikaw na 'tong sinusuyo, ikaw pang maarte. I will give everything just for you, I gave up everything just to prove that I'am serious!" galit na saad ni Blake.
Tinitigan ko sya, naiiyak ako sa sinabi niya. Sinusumbatan ba niya ako?
"Nag-aaway ba kayo?"
Biglang sumulpot si Mama sa kalagitnaan ng drama namin. Aish! Pinunasan ko kaagad ang luha ko.
"Hindi po 'Ma." palusot ko.
"Kumain na tayo." saad ni Mama.
Naupo na kami. Nagluto si Mama ng pork sinigang. Ganyan lagi ang niluluto niya kapag may sakit ako. Ang sweet talaga ng Mama ko.
"Trisha anak, magpagaling ka na. Para makapasok na ako sa trabaho." saad ni Mama.
"Uhm- Tita sige po pumasok na kayo, ako na po mag-aalaga kay Trisha." nakisawsaw naman ni Blake.
SIPSIP!
Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Kaysa tumutol ako, alam ko namang papayag 'yan si Mama e.
"Talaga? Maraming salamat hijo." nakangiting tugon ni Mama.
Sinasabi ko na nga ba. Tapos na kumain si Mama. Nagmadali na siyang mag-asikaso para pumasok.
Nandito na ako sa kwarto.
"Trish, sorry na." sabi ni Blake.
"Sa mga sinabi mo sa 'kin kanina, sa tingin ko hindi na kita mapapatawad." saad ko.
Tumabi sya sa akin at niyakap ako.
Ano ba Blake?! I need to force myself to hate this guy.
"Alam kong hindi mo ako kayang tiisin. I love you." he said with his sweetest voice.
Namumula na naman ako. Hinawakan niya ang mukha ko.
"Sabi na nga ba e. Mahal pa ako nito!" natatawang saad ni Blake.
Tiningnan ko siya. Hinalikan ko siya sa pisngi. Siguro nga set-up lang ni Carby yun para maghiwalay kami.
"Oo na, mahal pa nga kita."
Nabudol na naman ako ng isang Blake Hidalgo.
~
🖋author_mj17