8:30 pa lang pero nandito na ako sa bahay :) Oh di ba ang aga ko. Agad akong nagpunta sa kwarto ko to check Trisha, aww :( She is still sleeping.
Nilapitan ko sya, she is so cute. Ang sarap kurutin ng ilong nya, sinamantala ko na ang himbing ng tulog nya kaya hinalikan ko sya sa pisngi at noo. Hanggang dyan lang muna sa ngayon Trisha, pasensya ka na ha?
Bumaba muna ako para magluto.
I will cook some sweet foods, gaya ng hmm- ano nga ba? Gagawa na lang ako ng brownies.
Habang hinihintay na mabake ang brownies, tumaas ulit ako para icheck sya. Tulog pa din si Trisha, this time tumabi na ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit, sobrang namiss ko sya.
"Huh?!" Sabi nya.
Agad naman akong napabitaw at napatalon sa kama. Tumayo sya at nagtataka.
"K-kanina pa ako nakauwi, tara kain na." Sabi ko.
"Hmm, sige susunod na ako." Trisha.
Nauna na akong bumaba, muntik na ako doon ah. Ang awkward grabe! Haha.
(Trisha's POV)
Ano kayang ginagawa nya sa tabi ko? Kaya ba nya ako pinatulog dito sa kwarto nya para tabihan ako?! Hmm- pero kanina naramdaman ko para syang nakayakap sa akin. Ewan ko lang ha, hmp! Nagugutom na ako.
Bumaba na ako at nakita ko si Blake na kumakain ng brownies. Nanonood sya sa sala, pinaupo naman nya ako malapit sa kanya.
"Ako gumawa nyan." Sabi nya.
Hmmm- pwede na rin. Shocks! Parang lumalala ata ang sakit ko, ang bigat na naman kasi ng pakiramdam ko.
"Ano nga palang gagawin mo bukas?" Tanong ko.
"Wala, rest day." Blake.
"Ah, so dito ka lang?" Ako.
Tumango sya sabay ngiti. Alam mo minsan nakakaloko ka na Blake ha?! Kinikilig naman ako.
Ang bilis maubos ng ginawa ni Blake :( Konti lang nakain ko.
"Magbihis ka." Blake.
Tiningnan ko sya, seryoso?! At ang yabang pa ng pagkakasabi nya.
"Bakit? Para saan?" Tanong ko.
"Sasama ka ba o hindi?" Blake.
Agad akong tumaas sa kwarto ko at nagmadaling magbihis, dinoble ko ang jacket ko para sigurado. Inakbayan ako ni Blake palabas, sya pa ang magmamaneho ng kotse. Ano na naman kaya ang trip nya?!
"Saan tayo pupunta?" Ako.
"Basta." Matipid nyang sabi.
"Okay." Bulong ko.
Wala talaga akong idea kung anong meron ngayon -____- Pero sa nakikita ko ngayon, papunta kami ni Blake sa isang SKI MOUNTAIN, oh no! Hindi ako marunong ng ganun, atsaka 'nung ice skate? Ay, may phobia ako dyan. Sa tingin ko lalala lang ang sakit ko dyan.
"Welcome!" Blake.
"Infairness." Sabi ko.
Inalalayan nya ako para makapunta kami sa Ski Mountain, sya ang unang nag-try. He's really good! Nanonood lang ako dito sa tabi, tama na sa akin ang batuhin sya ng snow. Nag-eenjoy naman ako e.
"You know, mas maeenjoy mo if you will try this." Blake.
"Hindi yan makakatulong sa paggaling ko." Sabi ko.
Hinawakan nya ako sa kamay at bewang .. OMG! Halo-halo na naman ang nararamdaman ko, oh no!! Aaaaahhhhh!! Ayoko na!!
🏂
🎿
Ouch!
Bumagsak ako. Ayoko na, ayoko nang ulitin.
"Ang saya di ba?" Blake.
"No, it hurts!" Sabi ko.
Naupo na ako sa pwesto ko kanina, manonood na lang talaga ako ayoko nang i-try. Nakakatakot grabe! Yung mga bata sanay na sanay na sila :) Si Blake naman masyadong pasikat. Hindi ko man na-enjoy ang Ski, naenjoy ko naman ang pagsilay sa mga pag ngiti at pagtawa ni Blake 💝💝