Chapter Eighteen

10.2K 161 1
                                    

Niyaya akong makipag-date ni Blake sa kaniya.

"8:30 tonight. Susunduin kita sa inyo." saad ni Blake.

Kasalukuyan kaming kumakain sa isang sosyal na restaurant.

"Susuotin ko ba yung sinuot kong red dress sa party?" tanong ko.

"No! Ibibili kita." tugon niya.

Bakit ba nag-iiba ang atmosphere sa aming dalawa? Destiny ba 'to? Or baka napaglalaruan na naman ako?

Syempre dati binabatuk-batukan lang ako, binabato ng kung ano-ano. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong point.

"Kumain ka na nga. Tinititigan mo na naman ang gwapo kong mukha." natatawang sabi ni Blake.

Binato ko siya ng table napkin.

"Naninibago lang ako, sinisigurado ko lang na totoo 'tong mga nangyayari." saad ko.

"Maniwala ka man o hindi, gusto talaga kita." saad ni Blake.

Pilit kong pinipigilan na kiligin sa harap niya but my face can't stop blushing!

"Excited ka na mamaya?" he asked me.

"Medyo." matipid kong tugon.

"Trish umayos ka ha? Ayaw ko ng paasa." sabi ni Blake habang nakatitig sa akin.

"Ikaw nga yung paasa e." bulong ko.

"Ano?!" tanong nya.

Tumingin ako sa kaniya.

"W-Wala. Sabi ko see you tonight!" sagot ko.

Matapos kumain ay agad kaming umalis upang magpunta sa mall.

+-----*

"Barbie." pagtawag ni Blake.

Kukunin ko dapat yung dala niya pero bigla niya akong hinawakan sa kamay.

"BOYFRIEND duties." nakangiti niyang sabi.

Hinampas ko ng malakas ang kaniyang braso.

"Anong boyfriend?!" inis kong sabi sa kaniya.

Hinigpitan nya lalo ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Wala ka nang magagawa, Trisha Ashram."

Hindi ko maintindihan kung dapat ba akong kiligin.

Dinala niya ako sa La Belle Couture.

"Pick a dress that you like." utos ni Blake.

"Simpleng damit lang naman ang kailangan ko. Itong chiffon embroidery white dress na lang." saad ko.

Nagmamadali niyang kinuha ang damit at hindi na ito pinasukat sa akin.

"Heels please! Yung babagay sa girlfriend ko." utos ni Blake sa store staff.

Siya ang may dala ng lahat ng pinamili namin.

"Ice cream?" Blake offered.

Hindi na niya ako hinintay sumagot, bagkus ay agad niya akong hinila papunta sa isang ice cream parlor.

"Good day po. Sir, bagay po sa inyo ang bago naming menu, ang Couple Sundae po." saad ng staffs.

Infairness mukhang masarap yung couple sundae. Pero bakit bibili si Blake?

"Good. How much?" saad ni Blake.

"350 po."

Naupo na kami. Confirmed! Hindi ako nananaginip.

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon