After 3 days ..
Waaaaaaah 😨😨😨😨😨😨😨😨
Malapit na ang concert. OMG! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, medyo kinakabahan ako.Paalis na si Blake dahil doon na sya matutulog sa hotel malapit sa venue ng concert. Aww :( Hindi ko sya makakatabi ng 2 nights.
"See you My Queen." Blake.
Ito ba yung sinasabi nyang hindi na kami magkakasama sa kainan, aysus! Two days lang naman pala, nag-alala tuloy ako ng sobra.
"Mamimiss kita." Sabi ko.
Tumawa naman sya sabay kiniss ako sa lips, sumakay na sya sa van and he wave his hands on us. Pumasok na kami sa loob at nagtambay sa sala.
"Hays, two days before my son's big day. I'm so proud of him talaga." Mommy.
"We all know how much he love his career, kaya nga sya umabot sa ganitong level." Sabi ni Shawn.
Tahimik lang ako na nakikinig sa mga sinasabi nila. Ang saya ko, kasi ewan, basta masaya ako.
"Hija, okay ka lang?" Daddy.
"O-opo." Ako.
"Nakahanda na ba yung damit na susuotin mo?" Mommy.
Tumango ako na may kasamang ngiti. Lahat kami nag-ready na din, dahil kami ang mga number one fan ni Blake. Gumawa pa nga ng banner si Mommy e.
Tumaas na muna ako para mahiga at magbasa ng books. Tiningnan ko yung damit na isusuot ko, napakaganda nya. It's a white cocktail dress na may beads and glitters.
Excited na akong suotin yun, nahiga na ako at nagbasa.
"Bakit parang ang lakas ng kaba ko?" Tanong ko sa sarili ko.
Tumayo muna ako, anong nangyayari?! Agad ko namang tinawagan si Blake.
"Namiss mo agad ako?" Blake.
"H-hindi. Iba lang kasi yung pakiramdam ko ngayon."
"Haha, malalaman mo soon. Sige na, magpaganda at magpahinga ka ha?" Blake.
-call ended-
Binitawan ko na lang ang phone ko at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Pumikit ako sandali, kalma lang Trisha, kalma.
(Blake's POV)
Papunta na ako sa hotel near the venue of my concert. Nadeliver na din ang mga costumes ko, malapit na kami .. Napansin kong nakaabang ang mga tao sa akin.
Pagbaba ko ay naghiyawan sila. May mga nagbibigay pa ng mga gifts.
"Hi, hello." Bati ko sila.
Yung iba nakikipag-selfie pa e. Nagmadali na kaming pumasok sa loob para makapag-pahinga na din ako.
5th Floor, Room No.187 🏩
Pagpasok ko ay kama agad ang pinuntahan ko, haaaaays! Hindi ko muna makakatabi sa ngayon ang pinakamamahal ko.
Oooppsss .. Muntik ko nang makalimutan, buti nasa bulsa ko lang. Ays! Ang tahimik, walang madaldal, walang panay ang kiss sa akin.
-calling: Shawn-
"Hey, Bro!"
"Nandyan ka na ba?" Shawn.
"Yeah, I'm lying on my bed right now."
"This is it Bro, ano excited ka na ba?" Shawn.
"Medyo kinakabahan nga ako e. Teka, nasa airport na ba kayo?"
"Yeah, we are waiting for them. Sige Bro, see you!" Shawn.
-call ended-
Kumpleto sila next day :) Grabe! Madaming makaka-witness at makakarinig ng special announcement ko. Hays -____- Kinabahan ako bigla.
Nagpatugtog na muna ako habang nakadungaw sa bintana, malapit na din ako sa new chapter ng buhay ko .. Malapit na din magbago ang takbo ng buhay namin, maraming magbabago.
Kakalaro ko sa phone, kakasayaw at kakalibot ko sa kwarto hindi ko namalayang gabi na pala. Naghatid na sila ng food for me.
"Woah, I hate this food! Brocolli soup, f*ck!" Sigaw ko.
Buti na lang at naglagay si Trisha ng chips sa bag ko, yun na lang ang kinain ko. Good thing naghatid din sila ng maiinom ko, eiw! Kinain ko lang yung dessert.
After kumain ay nagpahinga muna ako sandali, nagcellphone at tinawagan muna ang mahal ko. Pagtapos ng 30 minutes na pakikipag-usap ay natulog na ako.
