(Blake's POV)
Nasa eroplano na ako pabalik ng States. Tahimik lang ako, nag-iisip. Ano kayang mangyayari pagbalik ko doon? Sikat pa kaya ako?
May trabaho pa ba akong babalikan? May pamilya pa ba ako?
Aish! Tumingin ako sa bintana at tinanaw ang mga ulap. Gabi na pala, hindi ko namalayan. Nakatulog din ako kasi kanina.
"Sir, coffee?"
"Water lang miss." Ako.
Kailangan ko pang bayaran si Shawn, magta-trabaho na talaga ako ng maayos at hinding-hindi na ako tatanggap ng kontrata sa 'Pinas. Napapahamak lang ako!
I read some magazines, at sakto kami pa ni Carby ang cover. I scan the pages and I found some f*cking photos!
Naghaharutan kami ni Trisha sa beach?! They did'nt consult me about this. Wengya naman! Pumili na lang ako ng iba.
Ang daming pwede kong makita yun pa. Ang taas ng pride ng babaeng 'yun, ako na nagso-sorry at inalisan pa ako. Then fine, I will never talk to you and I will never miss you. Pinuno nya ako ng sobra.
"Blake? Oh my god ikaw nga, I'm a fan."
May lumapit sa akin na babae. I think she is 25 to 30 years old at mukhang mayaman. Binigay nya sa akin yung marker at magazine, I sign it.
Pagkaalis nya, nag-shades agad ako at nagtakip ng mukha, baka mamaya maging fan day pa ang araw na 'to. Imbes na makapag-relax ako .. Maiistorbo pa ako.
(Trisha's POV)
Papalapit na nang papalapit ang pag-resume ko sa work. Ano kaya kung magpunta ako sa SPA? No, mag-rerelax na lang ako dito sa bahay. Pwede rin namang mag-yoga class ako or zumba? O di kaya mag-jogging na lang :)
Teka ano ba?
Nandito ako sa labas at naglilinis ng pool, puro dahon kasi. Hmm! Sariwang hangin, tahimik na paligid. Sapin na lang ang kulang at mahihiga ako sa sahig.
"Best, hang-out naman tayo. Namimiss ka na naming kasama e." Ebony.
Tiningnan ko lang sya, nagrerelax yung tao e.
"Pass muna ako." Matipid kong sabi.
"Ngek! Sige na." Ebony.
"Nirerelax ko ang sarili ko, para pagbalik ko sa trabaho maganda ako." Pabiro kong sabi.
Tumawa ng malakas si Ebony at naupo. Pinapanood nya lang ako at wala talaga syang balak tumulong.
"Kamusta ka?" Ebony.
Ang weird ng tanong nya ha.
"Okay naman. Ikaw ha, napapadalas na ata ang pagsama-sama mo kay Shawn? Hindi mo na iniintindi ang shop at itong bahay." Ako.
Lumapit ako sa kanya at naupo na rin. Naka-kalumbaba sya at parang hindi ko maintindihan ang reaksyon nya? May something ba.
"B-best .." Ebony.
Napakamot ako sa ulo, binibitin pa e. Ano ba yun?!
"Ha?" Ako.
"Hmm- Best, wag kang magagalit ha?" Ebony.
Oh my god O____O
Magiging TITA NINANG na ata ako!
"Gusto kasi ni Shawn mag-invest ako sa kanila." Ebony.
Toinks -____- Ang assumera ko kasi e. Pero, ano na namang trip nila?!
"Huh? Para saan?" Ako.
"Para maging business partners kami." Ebony.
"Bahala ka, pera mo yan. E kasi si Joseph din yun din ang offer sa akin, sa restaurant naman nya." Ako.
Tumango si Ebony at ngumiti.
"Go tayo dyan!" Ebony.
So payag ako, payag sya? PAYAG TAYONG LAHAT! :)
Pumasok na kami sa loob para mag-lunch. BESTFRIEND DUTIES muna, nakaka-miss kasi e.
Nagluto ako ng spicy adobo and chicken curry :) Paborito naming dalawa 'to e.
"Best, iba ka talaga! Sarap mong magluto." Ebony.
"Nang-uto ka na naman!" Ako.
---*
Thankyou sa walang sawang pagsubaybay 😉