WELCOME EL NIDO PALAWAN!
Kaniya-kaniya na kaming punta sa aming designated rooms. Si Blake talaga ang kasama ko at final na 'yon. Pinilit ko si Ma'am na si Ebony na lang pero ayaw niya.
"Wow. This is so amazing! Trish, saan ka matutulog?" tanong ni Blake.
"Sa sofa ako matutulog." inis kong tugon.
"No. Tabi tayo!" saad niya.
Naupo ako sa kama at inayos ang mga damit namin ni Blake. Hindi ako tatabi sa kaniya.
Sumilip siya sa bintana upang pagmasdan ang magandang view.
"Mamayang 6:30PM may bonfire tayo. May dala ka bang bikini?"
Bikini?
Bikini talaga?
Pinakita ko sa kaniya ang susuotin ko for our first activity. Simpleng bra lang at shorts. Hindi maganda ang katawan ko kaya hindi ko na kailangan bonggahan ang suot ko.
Lumapit si Blake sa akin at balak na naman ata manghalik.
"Lumayo ka nga!" inis kong saad habang tinutulak siya.
"Barbie, what if maging girlfriend kita?" natatawang tanong ni Blake.
Napatigil na lang ako sa ginagawa ko.
GIRLFRIEND?!
"Walang spark." iritado kong tugon.
"Ikaw pa talaga may ganang magsabi ng ganiyan. Someday mararamdaman mo na gusto mo talaga ako!" he pinched my cheeks.
Binato ko siya ng hanger sa ulo.
"Aray!" reklamo niya habang nakahawak sa ulo.
"Itong pangit na 'to? Hindi ba't sinabi mo na pangit ako?" saad ko.
Tumawa siya ng sobrang lakas at parang nang-aasar pa.
"Hurry up and get ready because we're going outside." saad ni Blake.
"E di mauna ka na." inis kong sabi sa kaniya.
"Blake–"
He glared at me.
"Oh bakit ganiyan ka makatingin? Tinawag lang naman kita." saad ko.
"Bakit?" Blake asked me with his cold tone.
Nilapitan ko siya upang maupo sa kaniyang tabi.
"Naalala mo pa ba yung kiss?"
Bakit ko nasabi yun?
"Gusto mo pa?" lumapit siya sa akin.
"H-hindi!" mabilis naman akong tumayo upang layuan siya.
Ang ganda na sana ng topic namin. Walanghiya talaga 'tong boss ko.
*****
It's already 6:30 in the evening.
Naghanda na kami para sa first activity. We called it Confessions Behind Fires.
Nakaupo kaming lahat at nakapalibot sa maliit na bonfire.
"May icoconfess ka pa pala?" pagpuna ko kay Blake.
Agad na kumunot ang kaniyang noo.
"Ms.Ashram, it's your turn."
Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumayo. Tumingin ako kay Blake, patawa-tawa ang mokong.
"Sa ilang taon kong nag-aaral sa Ateneo, imposibleng wala akong magustuhan. Syempre ganoon din kayo, right? Ayaw kong aminin sa kaniya yung nararamdaman ko dahil natatakot akong ma-reject."
"Sikat ba?" tanong ni Shawn.
Ngumiti lang ako.
"Siguro." matipid kong tugon.
Naupo na ako. Nakatingin lang si Blake sa akin. Napansin kong nagbubulungan silang lahat. May mali ba akong nasabi?
"Trish."
"Bakit?" tanong ko.
Nginitian nya lang ako.
"You are so mean!" pinitik na naman niya ang noo ko.
Matapos ang first activity ay dumako na kami sa party time. Foods and drinks are served already.
Hinila ako ni Blake papunta sa seashore upang maupo.
"I can't believe you." natatawang saad ni Blake.
Napatingin ako sa kaniya.
Patuloy siya sa pag-inom ng beer.
"Ano?" tanong ko.
Bigla siyang humiga sa aking lap dahilan upang mailang na naman ako.
Hinawakan niya ang aking pisngi at tila seryoso ang expression ng kaniyang mukha.
"B-Blake–
Pinigilan niya akong magsalita.
"Stop. I'm staring at your pretty face." saad ni Blake.
"Maganda lang naman ako sa paningin mo kapag lasing ka. Tumigil ka nga!" inis kong saad.
Hindi totoo ang mga sinasabi niya.
Tumayo siya at niyakap ako sobrang higpit.
"Blake bakit ba?! Trip mo na naman ako ha!" tinutulak ko siya palayo sa akin.
"No." seryoso niyang sabi.
Nararamdaman kong tumutulo ang mga luha niya.
"Hoy bakit?!" nagsimula na akong mag-panic.
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso.
"Sorry dahil pinaasa kita."
"Manahimik ka nga. Ayos lang sa 'kin kung hanggang kapatid or kaibigan na lang yung turing mo sa akin, ano pa bang magagawa ko kung wala ka naman talagang nararamdaman para sa akin di ba?" tugon ko.
Tinitigan nya ako. Sandaling namagitan ang katahimikan sa aming dalawa.
"Mahal mo ba talaga ako?" Blake asked me.
Umiling ako at tumayo.
"Sagutin mo 'ko!" malakas na saad ni Blake.
Nagsimula na akong lumakad palayo sa kaniya. Naiiyak na rin kasi ako at ayaw kong makita niya 'yon.
"Trisha ano ba?! Don't hide your feelings! Alam kong mahal mo ako." Blake shouted.
Napalingon ako at yun ang nag-cause ng pagngiti niya.
"Haha! Sabi na nga ba e." dugtong nya.
Tumakbo siya papalapit sa 'kin.
"Oo na Blake! Oo mahal kita. Masaya ka na?" inis kong sabi.
Bigla niya akong binuhat pabalik sa dagat. Tuluyan na nga kaming naligo.
"I love you Trisha!" Blake shouted again.
Natigilan ako sandali. Tiningnan ko sya.
"Mahal mo agad ako? 'Di ba hindi ganun kadali yun? Ikaw pa, kilala ko na ang ugali mo." saad ko.
"I'd really appreciate your love for me." seryosong sabi ni Blake.
Hinawakan niya ako sa aking magkabilang pisngi. Hahalikan niya dapat ako nang biglang–
"Babe."
~
🖋author_mj17