It's a big and special day for Blake. Pipirma sya ng kontrata sa isang music production, oh kitams? Petmalu talaga 'tong si Blake. Maaga syang nagising dahil kagabi pa lang daw ay sobrang excited na sya, ako naman kagigising ko lang. 6:30 pa lang kaya! Pagbaba ko sa sala ay nakita ko syang inaayos ang mga gamit na dadalhin ko, oo ako ang magdadala. Yung Ipad, planner at kung anu-ano pa.
Dumeretso ako sa kusina at sakto may pagkain nang nakahanda. Napangiti ako, hmmm- kinikilig tulog ako sobra. Maya-maya ay sumunod na si Blake sa akin.
"Maupo ka na." Blake.
"Ang aga mo naman." Sabi ko.
Binigyan nya ako ng malaki at excited na ngiti, nahahawa tuloy ako sa kanya.
"Hindi lang ako makapaniwala na umabot na ako sa pagiging singer, magkakaroon na ako ng bigtime concert!" Blake.
Ah yun pala. Pagtapos kumain ay kanya-kanya na kaming nagpunta sa kwarto para maligo. Aaahhhh! Bakit ako kinikilig?! E kasi very open na sya sa akin, dati lagi nyang sinasabi sa akin "Wala kang paki", "You don't care!".
E ngayon may sagot na sya lahat ng tanong ko .. Aaaahhhh! Blake Hidalgo what's happening? You making me kilig to the bones.
Okay na ang lahat :) inabot kami ng 8:30 sa pag-aasikaso. Pagbaba ko ay nakaabang na sya.
"Bakit ang tagal mo?!" Inis nyang tanong.
Hmp. Ang hirap talaga pag pinupuri ka, nagbabago na naman ugali mo. Iniabot na nya sa akin ang mga gamit, agad syang lumabas. Ano na naman kaya ang sumapi doon? Kung fairy lang ako araw-araw ko syang magiging turtle, para hindi nya ako naiiwan paglalakad.
Pagsakay ko ng kotse .. Nakatitig sya sa akin at soooooobrang badtrip sya! Baka nireregla sya?
"Faster!" Sigaw nya.
Agad naman akong sumakay. Mabilis na nagmaneho si Manong dahil akala nya galit si Blake sa kanya.
"Bakit ba ang init na naman ng ulo mo?!" Inis kong tanong.
"Aish! Ang bagal mo kasing kumilos, ang aga kong nagising anong oras na tayo nakaalis. Pabebe kasi!" Blake.
"Aba! Hoy, umayos ka sa pananalita mo ha. Sumosobra na yang bunganga mo." Sabi ko.
Hinawakan nya ako sa braso, ouch! Kuya, masakit po 😁 Hihi. Nginitian ko lang sya para mas lalo pa syang maasar, sobrang dilat na dilat na yung mata nya. Oh! Mahuhulog na yung eyeballs.
"Kapag ako hindi mo pa tinigilan ng mga pambabara mo, I will kick you back to Philippines! Understand?!" Blake.
Pumiglas ako sa kanya sabay lumayo ng kaunti. Siguro 'tong si Blake may sayad na, pacheck-up ko nga 'to minsan. Mahirap na kapag nabaliw yan, mahal pa naman ang gamot.
Hays! Winter pa din pala, malapit na ang christmas ☺☺☺
Naeexcite ako, kaso wala na si Mama -____- Hindi ko na din sya nadadalaw.Anyways .. Nandito na kami ni Blake sa venue ng event. Nakaabang ang mga fans nya sa pagbaba namin.
"Kyaaaaaaah! Blake!"
"Blake I love you!"
"Baby Blake!!"
Hmp. Ang sama ng ugali ng Idol nyo! Yung ibang fans inuutusan pa akong ihingi ko sila ng autograph kay Blake, ano kayo sinuswerte?! Bahala kayo sa buhay nyo.
Nandito rin pala si Courtney, at sinamahan pa nya si Blake sa harapan. Infairness napaka-supportive nila sa isa't isa no? Baka sya yung sinasabi ni Blake sa akin. Okay, that's enough!
Sinimulan na ang pirmahan! 📝
Ang iingay ng mga fans grabe!! Pasabugin ko kaya 'tong venue, ano kayang mangyayari? Haha. Kung anu-ano na naiisip ko, baka ako ang mabaliw.
"Mr.Hidalgo, can I ask you a question?" Press.
Ngumiti si Blake sabay tumango. Pogi talaga, kaso abnormal!
"What is it?" Blake.
"Are you and Courtney dating, mutual understanding or in a relationship?" Press.
Biglang nagtilian ang crowd, bakit kasi nandoon din si Courtney sa harapan?! Bakit ba lagi na lang syang kasali?! Epal na masyado ha.
"Honestly, we're just friends. She is not my ideal girl and she know it. I'm inlove with another girl." Sabi ni Blake.
O____O Ang swerte naman ng babaeng 'yun, okay Courtney out!
"Who is it?" Press.
"Her name was .."
O__________________O
![](https://img.wattpad.com/cover/96406414-288-k233963.jpg)