Chapter Twenty-Four

8.3K 157 24
                                        

Pinag-uusapan na ang tungkol sa graduation. Sa wakas ay mawawala na ang mga kontrabida sa buhay ko.

"Trish, look at this!" pagtawag ni Blake sa akin.

Binigay nya sa akin yung program ng graduation.

Magna Cum Laude?

Napatayo ako at tila hindi makapaniwala sa aking nabasa. Talaga?! Ako?

Hindi ako makapaniwala.

"You made it!" masayang saad ni Blake.

"OH MY GOD! I didn't expect this." naiiyak kong sabi.

Lalong matutuwa si Mama nito.

Uuwi ako ng maaga upang sabihin sa kaniya ang magandang balita.

*calling: Mama*

Huh? Akala ko ba nasa trabaho siya ngayon?

"Hello 'Ma? Nasa trabaho ka pa ah. 'Ma Magna Cum Laude ako! Grabe hindi ako makapaniwala. 'Ma magsalita ka naman, naiiyak ka no?"

"?????" (Hikbi)

"Ma? Mama naman, 'Wag ka nang umiyak! Dapat masaya tayo!"

"Trisha–" isang umiiyak na boses. Hindi 'to boses ng mama ko. Tumulo na rin ang mga luha ko na naging dahilan ng pag-aalala ni Blake.

"Sino po ito? B-Bakit hawak nyo po ang cellphone ng Maka ko? Naasan po ang Mama ko?"

"Ang Mama mo– Nabaril sya!"

Tila nagunaw ang mundo ko sa aking narinig Si Mama?! Paanong mababaril ang nanay ko? Wala siyang kaaway, mabait siya!

Agad akong humagulgol ng iyak at napaupo sa sahig sa balitang narinig ko. Bakit?! Kung kailan naman ga-graduate na ako tsaka pa nangyari 'to.

"Mama!" I shouted so loud.

Niyakap ako ni Blake ng mahigpit.

Agad kaming nagpunta sa ospital kung saan sya isinugod.

Nakita ko si Mama. Bangkay na sya. Pinaghalong galit, sakit at pighati ang nararamdaman ko. Pagtanggal ko ng kumot, may tama siya ng baril sa ulo. Niyakap ko siya sa huling pagkakataon at saka umiyak nang umiyak.

"Mama bakit kailangan mong mang-iwan? Ikaw na lang ang meron ako, sino na mag-aalaga sa 'kin?! 'Di ba sabi ko sayo mag-iingat ka palagi? 'Ma ang sakit-sakit, sino ang walang puso na gumawa sayo nito?! Naabot ko na yung pinapangarap natin. Bakit ngayon pa?!"

Hinila ako ni Blake at niyakap. Hindi ko kayang makita siya na ganyan ang kalagayan. Nakikita ko sa mukha ni Mama ang lungkot.

"I will do anything para mahanap kung sino ang gumawa nito kay Tita." saad ni Blake.

Unti-unti nang tinatakpan ng kumot si Mama. Napaluhod na lang ako dahil wala naman na akong magagawa. HUWAG NINYO PO SIYA KUNIN, PLEASE! IBALIK NINYO SYA SA AKIN.

"I love you, 'Ma." bulong ko.

Hindi ko kaya 'to. Bakit? Isa lang ang tanong ko.

BAKIT?

"Tara na." pag-aya ni Blake.

Hays! Mag-isa na lang ako ngayon. Paano na ako?

Naupo kami ni Blake.

"Huminahon ka Trisha." saad ni Blake.

"H-Hindi ko kaya." saad ko.

"May mga tao talaga na kailangan mawala sa buhay natin. Nakakalungkot isipin pero, we need to accept God's decision. Sobrang bait ni Tita at alam kong may ibang plano si God para sayo. Trish, nandito pa naman kami ni Mommy. Don't loose hope." saad ni Blake habang hawak ang aking mga kamay.

Maya-maya ay dumating na ang Mommy ni Blake, si Ebony at si Shawn.

"Condolence." niyakap ako ni Ebony.

"Ebony hindi ko kaya!" nagsimula na naman akong umiyak.

"Trisha, everything is going to be okay. Nasa mabuting kamay na ang Mama mo." saad naman ni Tita Patricia.

Inabot sa akin ni Shawn ang panyo.

"Don't cry please." saad ni Shawn.

Uuwi na kami for the burial. Paano na ako ngayon? Balewala na ang lahat nang achivements ko.

----*

"Sabi ng mga Tita mo sa probinsya, hindi raw sila makakapunta." si Tita Kim.

Kaibigan ni Mama. Wala silang pakikiramay. Pwede namang gumawa ng paraan.

"Trish, your father is here." bulong ni Blake.

Biglang buhos na naman ang luha ko at saka siya nilapitan.

"Wala kang karapatang sumilip sa kabaong ng Mama ko! Hindi ka namin kailangan." medyo napalakas ang aking boses.

Inawat ako ni Blake habang inawat din ni Shawn si Papa.

"Dad."

Wait– What?

Dad?

Si Shawn? He called him DAD.

Nilapitan ko sila.

"So kapatid pala kita?!" inis kong sabi kay Shawn.

"Trisha sorry." pakiusap ni Shawn.

"Sorry?! Matapos nang lahat ng paghihirap namin ni Mama, sorry?! Hindi mabubuhay si Mama ng sorry ng mga matapobre at manlolokong gaya ninyo! Umalis na kayo rito please. Patahimikin ninyo na ang Mama ko." pakiusap ko sa kanila.

Niyakap ako ni Papa at umiiyak siya. Hindi ko na kaya ang mga pagsubok na 'to!

"Anak pasensya ka na." saad ni Papa.

Tinulak ko siya palayo sa akin.

"Noon kailangan ni Mama ang pasensya mo. Bakit kung kailan wala na siya tsaka ka pa nagpakita?! Umalis na kayo! Umalis na kayo, please?!" saad ko.

Umalis na silang dalawa.

Napaupo na lang ako. Hindi ko na kaya!

~

🖋author_mj17

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon