Paikli nang paikli ang araw ng shoot. Malapit na din kaya ang pag-alis ni Blake or he will stay?
Hindi ako sigurado sa aming dalawa. Naiiyak ako sa tuwing sumasagi sa isip ko na hindi pa nakakapag-desisyon si Blake.
Nandito ako sa isang Cafe Shop malapit sa Hotel na tinutuluyan namin.
"Hindi ka nagyaya?" Si Shawn.
"Kailangan ko lang mag-isip." Ako.
"Huh?!" Shawn.
Yumuko ako at pinipigilang tumulo ang luha. Ayokong umiyak! Ayos lang naman ako e.
"W-wala. Kamusta kayo ni Ebony?" Iniba ko ang usapan.
Hindi yung puro na lang ako. Nakakasawa na kaya!
"Haha. She is so hard! I mean, ang manhid nya. Natatawa lang sya kapag nagko-confess ako sa kanya." Shawn.
E abnormal kasi yun :) Kaya nga wala ring nagseryoso sa kanya noon.
"Pabigla-bigla ka naman ata." Ako.
"Woah. Watch your words Miss! Ngayon ko lang kasi narealize na ang ganda pala ng panlabas at panloob na appearance ni Ebony." Paliwanag ni Shawn.
Hahaha :) Ilusyonada naman kasi ako masyado. Pahaba nang pahaba ang kwentuhan namin Shawn.
*one message*
From: Blake
"Nasaan ka?"Tiningnan ko si Shawn, hmmm! Ayokong sabihin sa kanya kung nasaan ako .. Ayoko muna syang makita this time.
"Gusto mo puntahan natin yung strawberry farm?" Shawn.
Kailangan ko bang sumama sa kanya? Makakatulong ba yun?
Matagal bago ako pumayag.
Papunta na kami sa sinasabi nya. Ang lamig dito grabe! Lahat ng tao naka-sweater, gloves, tapos bonnet.
"Sigurado akong marerelax ka doon." Shawn.
"Sana nga." Bulong ko.
Tumingin ako sa bintana habang nag-iisip na naman. Gulong-gulo na talaga ako! Kakapalan ko na talaga ang mukha ko. Kokomprontahin ko na si Blake, para matapos na 'tong Anxiety ko.
Nandito na kami sa farm na sinasabi ni Shawn. Binigyan kami ng mini basket worth 50 pesos ata? Maghaharvest kami ng strawberries and amin na yun! :)
Wooooooow! Ang dami. Pero syempre yung super sweet and sour ang pipitasin ko.
"Sabi sayo mag-eenjoy ka dito e!" Shawn.
"Okay na din. Tara, madami pa dito!" Ako.
Ang dami ding tao dito .. At may mga mapang-asar ding couples na ang sarap batuhin ng basket!
"Nakarami na 'ko, tara na." Ako.
Sinundan na ako ni Shawn. Paalis na kami.
"Kanino mo ibibigay yan?" Tanong ko.
Alam ko naman kung kanino pero gusto ko pa rin malaman. Haha :)
Pumasok na kami sa kotse at nag-start na syang mag-maneho.
"Hmm- kay Ebony." Sagot nya.
Waaaaah. Kakelerg!
"Alam ko kung kanino yan." Shawn.
"Haha, oo na!" Ako.
Medyo madilim na .. Panigurado ako hinahanap na nila kami.
Nasa lobby pa lang kami .. Nakita ko nang pababa si Blake at Ebony.
"Saan ba kayo galing?!" Inis na tanong ni Blake.
"S-sa farm ng strawberries. Uhm- may pasalubong nga kami e." Sagot ko.
Si Shawn at Ebony tumaas na. Samantalang kami .. Mukhang hindi maganda ang mangyayari.
Nagpunta kami sa hot spring dito sa hotel. Naupo kami at hanggang ngayon .. Hindi pa rin nya tinatanggap yung pinaghirapan kong strawberry.
"Bakit magkasama na naman kayo?" Tanong nya.
"Na naman? S-sinamahan nya lang ako mag-gala." Ako.
Ngumisi sya at tila nababaliw na naman sa galit.
"Pwede namang ako ah?" Blake.
"Hindi mo alam kung bakit nya ako sinamahan. Naguguluhan kasi ako dahil hindi pa buo ang desisyon mo, nababaliw na ako kakaisip! Ayokong umalis ka pero .. Hindi na nga ata kita mapipigilan." Saad ko.
Yumuko ako. Hindi ako iiyak promise! Wag kang iiyak Trisha.
Niyakap nya ako-
"Trisha, hindi pa ako aalis. Nag-extend ako para makasama pa kita." Blake.
"So aalis ka pa rin?" Tanong ko.
Nanginginig na ang boses ko pero hindi ko pa rin hinahayaang tumulo ang luha sa mga mata ko.
"Trisha I'm sorry." Blake.
Hinagis ko ang dala ko sa kanya sabay umalis na.
Ayoko na ng ganyang mga drama. Napaka-paasa nya sobra! Sobrang unfair pa. Mahirap ba yung hinihiling ko?! Akala ko mahal nya ako.
Nandito na ako sa tapat ng kwarto namin.
Nakita kong nakasunod na pala sya.
"I hate you." Iniabot ko yung 24K Diamond Ring na binigay nya sa akin.
Iniwan ko syang umiiyak-
Kulang pa yan sa mga pananakit at pagpapaasang ginawa mo sa akin.
"I won't give up." Pahabol nya.
Hindi ko na sya kinausap at sinara ko na ang pinto.
Hindi ako iiyak! Matapang ako, kaya ko 'to lahat -______-
