"Hey! Wake up." Sumisigaw sya.
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko, nakapasok na naman sya sa kwarto ko O____O Tumayo ako.
"Bakit ba?! Sunday ngayon di ba?" Ako.
"Yeah I know, I have a shoot. Maligo ka na." Blake.
"Ano?! Hindi manlang ako makakapag-pahinga!" Ako.
"Ikaw na nga ang assistant, ikaw pa ang ginigising ng Boss mo! Bilisan mo na." Blake.
Tumayo na ako, ano ba yan?! Kailangan ba talaga yun? Gusto kong matulog maghapon e. Ang lamig pa naman ngayon, kaya nag-warm bath ako :) Oh di ba?
Binilisan ko na ang pagligo dahil nagmamadali ang demonyo, wala naman kasi syang sinabi kagabi e. Nakakainis talaga! Gusto nya yung natataranta ako.
Nagbibihis na ako .. Nilock ko na ang pinto, para sigurado di ba? Manyak pa naman yang demonyong yan.
"Hey, ano na?!" Blake.
Paglabas ko .. Iniabot nya agad sa akin ang bagong planner.
"Ano 'to? Gumawa ka ng sarili mong schedule?" Ako.
"Uh-huh. I'am your King, remember?" Blake.
I rolled my eyes, kaya pala kulang yung gamit ko. Kinuha nya 'to sa akin at kung anu-ano na naman ang ginawa nya.
Sumakay na kami sa Van at agad na umalis.
"Saan ba tayo pupunta?" Ako.
"Bibisitahin ang mga loyal fans ko sa Los Angeles." Blake.
"What?! Blake ano ka ba, malayo pa iba-byahe natin." Ako.
Nginitian nya ako, nagyayabang na naman ba sya?! Ano na naman ang plinano nya? Hays .. Nararamdaman ko na, may binabalak na namang masama ang taong 'to.
"I bought a private plane." Blake.
O_____O Whaaaaaaaat?! Kinuha ko yung wallet nya.
"Magkano na lang laman ng credit card mo?" Tanong ko.
"Billion Dollar." Blake.
Tss .. Ang yabang talaga sobra, ibang-iba na sya. Pag ikaw bumagsak, ewan ko na lang sayo!
Nandito na kami kung saan naghihintay ang private plane.Excited din naman akong sumakay doon :) Naririnig ko ang tawa ni Blake.
"Akala ko ba malayo?" Blake.
"Ewan ko sayo!" Sabi ko.
Naupo sya sa bandang unahan, dito naman ako sa gitna. Grabe! Solo namin ang plane, ang sosyal di ba? Nag-cellphone muna ako at nag-selfie 📱
Then inupload ko sa social media accounts ko. Agad naman yun napansin ni Blake at rinig ko ang malakas nyang tawa hanggang dito.
Pinuntahan ko sya.
"Yeah, I'm ugly." Ako.
"What?!" Blake.
"Pinagtatawanan mo yung photos ko!" Ako.
"Doon ka na nga, ang galing mo mag-joke." Blake.
Inapakan ko ang paa nya at sooooooobra syang nagalit. Haha! Buti nga sayo, demonyo ka kasi.
Bumalik na ako sa upuan ko, nakakainis! Bakit kasi masyado syang pa-fame? Kailangan pa nyang dumayo para ipagkalat ang mukha nyang pangit.
"Hey Doll!" Blake.
"Ano na naman?!" Ako.
"You want sandwich?" Blake.
Tumayo ako at lumapit sa kanya, kinuha ko yung sandwich na ino-offer nya. Doon na ako naupo sa likuran nya, nagbigay din sya ng fresh juice. Ano ba naman yan?!
"Malayo pa ba?" Ako.
"Malapit na, behave ka doon ha? Madaming fans doon." Blake.
"Takot ka pala e." Ako.
Naghanda na kami para sa isang big moment daw? Ay ewan ko sa kanya, masyado syang mayabang.
"Here we come!" Blake.
Pagbaba ng plane, agad naman kaming sumakay sa isang van. Pupunta daw kami sa isang event, e wala naman sa schedule nya ang lahat nang 'to! Lagot tayo sa manager mo -_____- Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya?!
"Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" Blake.
"Saan ba kasi?!" Inis kong tanong.
"Sa isang special grand fan meet na inorganize ng mga loyal fans ko." Blake.
Inirapan ko sya. Ang yabang, nakakainis! Kinalikot ko na lang ang wallet nya, aba mayaman pala sya. Tinago ko yung isang credit card nya :) Haha, tingnan lang natin Blake.
"Aaaahhhh! Blake!"
"Blake let's get married!"
"I love you, Blake!"
Ang dami nyang fans, iba-iba ng mukha, edad at nationality. Pero parang hindi sya masyadong mabenta sa Pilipinas noh? Haha.
Naupo na kami at sinimulan na ang program, pakitang-gilas naman ang nagpe-perform :) Haha. Umakyat na sa stage ang demonyo, magsasalita na sya at maghahasik ng lagim. Charot!
Hiyawan nang hiyawan ang mga tao, syempre dahil supportive ako .. Kinukuhaan ko sya ng video! 📹