May party sa bahay ni Shawn ngayon, nandito naman kami ni Ebony sa bahay at hinihintay ang parents nya. Sina Tita Grace at Tito Bruce, matagal na daw silang nandito pero nag-stay daw muna ang mga ito sa isang luxury hotel.
"Bakit hindi sila natulog dito?" Tanong ko.
"Maarte kasi yun si Mommy, tumira lang sa Italy nagkaganyan na." Ebony.
Hmm- ganun? Nagluto na lang ako ng mga pagkain na kakainin namin mamaya, ilan sa mga niluto ko ay italian food. Ginaya ko lang sa Google :) Hihi.
Si Ebony naman nag-aabang sa labas. Ang swerte talaga nya sobra, inggit na inggit ako sa kanya. Maya-maya ay may nag-pop sa phone ko.
From: Blake
"Anong ginagawa mo?"Hindi ko yun pinansin at itinuloy ko ang ginagawa ko. Istorbo e! Minadali ko na ang pagluluto dahil narinig ko na ang sigaw ni Ebony, naaamoy ko na din ang mga dala nilang maleta, haha joke! :)
Lumabas na muna ako para makita ang parents nya.
"Hello po." Ako.
"Ikaw na ba yan Trisha?!" Tita Grace.
Yeah, sobrang nashock sya sa pagmumukha ko dahil umalis dito high school pa lang kami ni Ebony.
"Kain na po muna tayo, nagluto po ako." Sabi ko
Dumeretso na kami sa dining para kumain. Isinerve ko na ang mga pagkain, sana perfect lahat! Italian food ang kinain ni Tito Bruce, samantalang si Tita Grace naman ay Filipino food.
"Hija, ikakasal na si Ebony. Ikaw kailan?" Tito Bruce.
O_____O Ganyan yung reaksyon ng mukha ko. Napatigil tuloy ako sa pagkain, ano ba namang tanong yan?!
"Dad, nasa kalagitaan yan ng .. Alam nyo na?" Ebony.
"Hija, sa ganda mong yan imposibleng walang magkagusto sayo." Tita Grace.
Wala naman talaga e. Ewan ko kung bakit? Siguro nasa kabilang pulo pa yung nakalaan para sa akin. Kumain na lang kami and after nito, pupunta kami ni Ebony sa shop nya para sa finishing touches ng wedding cake nila.
Nagmadali na kaming mag-asikaso para maaga din kaming makauwi. Inihanda na ni Ebony ang kotse nya, woooooh! Makakagala din sa wakas, bumaba na ako at agad na kaming umalis.
"Best, ilan ba magiging baby nyo?" Tanong ko.
Tumingin sya sa akin sabay nagtawanan kami. Ito talaga ang tunay na #BFFGOALS. Yung isang tingin pa lang, alam na agad.
"Natatakot nga ako manganak Best e." Ebony.
"Haha. Osige hanap tayo ng babymaker." Biro ko.
Hinampas ako sa braso ni Ebony at nagtawanan ulit, I love this feeling! Mamimiss ko talaga 'to.
"Hoy wag, baka magsawa sa akin si Shawn agad." Ebony.
"Takot ka pala e." Natatawa kong sabi.
Nandito na kami sa shop nya. Agad kaming dumeretso sa kitchen and I saw their three layered pink cake 🎂 Wow! Ang ganda, may bride and groom sa ibabaw, tapos mga flowers sa baba. Ano pa bang ififinish dito? Pinagloloko ako nitong best friend ko.
"Sinungaling ka!" Sabi ko.
"Pinakita ko lang sayo, okay lang ba?" Ebony.
"Sobrang ganda Best." Ako.
Lumabas na kami sa kitchen, naupo kami. Nagserve ang isa sa mga crew ng cake at iced tea.
"May wedding vow ka na ba para sa kasal?" Tanong ko.
"Ako na ang bahala best, bukas magkukulong na lang tayo sa bahay at magrerelax." Ebony.
Mamaya pupunta na lang kami sa SPA para magpaganda, kailangan yun e :) Hindi naman kami masyadong nagtagal sa Shop at agad din kaming umalis.
Mabilis na nagmaneho si Ebony. Hindi naman ata sya nagmamadali e no? Hihi-
Kung mabilis syang magmaneho, syempre mabilis din kaming nakarating sa SPA. Agad kaming inasikaso ng mga babae, haaay! Ngayon na lang ulit mangyayari 'to mga Beshies.
"Ang sarap Best." Ebony.
"Haha, ito na ba ang huling BFF goals natin?" Tanong ko.
"Hoy hindi ah, kahit may apo na tayo sa tuhod may BFF goals pa din tayo." Ebony.
Hinihilot na yung likod ko, ang sarap sa feeling grabe! Nawawala lahat ng stress sa katawan ko, gumaganda na ata ako. Hihi, magpapa-facial din kami para full package na ang kagandahan 💆💇💅👯💁
"Best, naririnig ko na ang mga wedding bells." Biro ni Ebony.
"Excitement yan." Sabi ko.
Pagtapos ay nagpunta kami sa sauna .. Smeeeeeeeeeeeeeeel!!!
Ang ganda-ganda namin grabe."Best, this is gonna be the most prettiest chapter of my life, this is unforgettable." Ebony.
"Congrats in advanced." Sabi ko.
Wala na akong narinig kundi excited.
(Blake's POV)
Naghahanda na kami ni Shawn para sa Bachelor's Party mamayang gabi. Pool party lang naman ang inorganize namin, para matipid. Atsaka puro classmates lang naman ang invited, take note walang girls. Masyado kasing loyal si Shawn e, sayang! Haha joke.
"Bro, nasaan kaya yung dalawa? Their phone is off, cannot be reach e." Shawn.
"Alam mo, kung hinahayaan mo na lang mag-enjoy si Ebony hindi ka nag-iisip ng ganyan. This is your last day as SINGLE Bro, then the next day may bakod ka na. So, enjoy!" Sabi ko.
Tumango sya at pumasok na kami sa loob. Nakikita ko sa mukha ni Shawn ang kaba, ano kayang mangyayari no?! Iiyak ba sya, haha. Nakakatawa yun.
Naupo muna kami dito sa sala nila, kakain kami ng sizzling sisig. Maya-maya ay dumating na ang mga drinks, wooooooow! Naaamoy ko na ang kasiyahan mamaya. Pina-off ko na kay Shawn ang phone nya at ganun din ako, wala munang communication hanggang sa susunod na araw. Isa kasi yun sa pamahiin e, kaya sinusunod na lang namin.
"Hays, buti hindi sumama yung tisay mo?" Shawn.
"Mainit nga dugo 'nun kay Trisha e." Sabi ko.
"Bakit naman?" Tanong ni Shawn.
"Ewan ko. Bahala sila, problema nila yun." Ako.
Itinuloy namin ni Shawn ang pagkain at kwentuhan habang hinihintay ang oras ng party.
![](https://img.wattpad.com/cover/96406414-288-k233963.jpg)