It's been a week at nag-top chart ang kanta ni Blake :) Nandito ako sa Airport kasama si Mang Ambo para sunduin yung mag-asawa.
Ayaw sumama ni Blake kasi nga naman pagkakaguluhan sya. Tama nga naman :)
Hindi naman masyadong matagal ang paghihintay ko, maya-maya ay natanaw ko na ang sexy momma. Tumakbo ako papalapit sa kanila, medyo malaki na yung tyan nya. Haha.
Dinala ko ang ilan sa mga gamit nila, agad kaming sumakay sa Van.
"Best, ikaw na talaga! Napanood ko yung kiss nyo ha." Ebony.
"Haha. Kamusta naman ang byahe nyo?" Ako.
"Maayos naman, kaso masyadong sensitive ang pagbubuntis nya." Sabi ni Shawn.
Tumango ako. Yeah!! Kasama ko na ang best friend ko.
Nandito na kami sa bahay, nagulat ako nang biglang pumasok si Shawn sa katabi naming bahay .. Huh?! Doon sila nakatira? Katulong nyang naghakot si Mang Ambo at dalawang body guards.
Kami naman ni Ebony ay nandito sa bahay, kasama namin si Blake na excited nang mag-inom.
"Baby bumps." Sabi ni Blake.
"Haha, one month pa lang naman yan." Ebony.
"Dyan pala kayo titira, walang kahirap-hirap Best!" Sabi ko.
Nagtawanan kami. Grabe, lumobo si Ebony ang pangit nya! Hahaha joke lang.
Nagpunta muna ako sa kusina para ipaghanda si Ebony ng healthy and fresh juice, mabuti 'to para sa baby nya. Mabilis naman ang paggawa kaya nakalabas agad ako.
"Inuman mo yan Best." Ako.
"Salamat." Ebony.
Napatingin ako kay Blake, busy sya sa phone nya :/ Hmp. Ang sarap nyang batuhin ng flower vase. Hinayaan ko na lang, mamaya ko na sya kakausapin kapag dalawa na lang kami dito.
For sure magtatampuhan na naman kami e.
"Best, pag nanganak ako doon ka lang sa tabi ko ha." Sabi ni Ebony.
"Okay ka lang? Asawa mo dapat ang kasama mo, haha." Ako.
Pilit akong nagpapansin kay Blake pero nakasubsob ang mukha nya sa screen ng phone nya, ano ba kasing meron?! Baka naman may-iba sya :(
"Blake!" Sabi ni Ebony.
Nginitian nya kami, agad naman nyang inilagay yung phone sa gilid nya.
"Uhm, so what's the plan?" Blake.
May masabi lang e. Pati si Ebony nagdududa na rin sa kanya, kung kunin ko mamaya sa kanya yung phone pag tulog na sya? Hmm- parang ayoko e.
"Puntahan mo na lang si Shawn sa kabila, baka kasi naboboring ka dyan." I said coldly.
"Okay." Matipid nyang sabi, sabay tumayo at lumabas.
Dala rin nya yung phone, at nakasubsob na naman sya doon! Blake, Blake, Blake .. Please naman wag mo akong pakabahin ng ganito. Araw-araw na lang tayo may problema, araw-araw na lang akong nag-iisip ng mga kung ano, baka bukas abnormal na ako :(
"Best, may problema ba?" Tanong ni Ebony.
"Ah, wala naman. Si Blake kasi kanina pa nakatutok sa cellphone nya." Sagot ko.
"Best, konsultahin mo na yan. Baka mamaya may other woman yan!" Ebony.
Sana wala -____- Sobrang masakit yun para sa side naming mga babae, yung kami mismo ang makakahuli na may iba yung taong mahal na mahal namin.
Hays! Nag-decide ako na mamaya pagtulog ni Blake, I will get his phone at titingnan ko kung sino ba ang kalandian nya.
"Hey, hey!" Bungad ni Shawn.
Agad syang tumabi kay Ebony at hinalikan ito. Aww :( Ang sweet naman. Si Blake naman ay nakatayo lang .. Syempre busy sa kalandian nya, kanina pa ako naiinis sa kanya!
"Bro, ano iinom ba tayo?" Shawn.
"Sige Bro." Blake.
Lahat kami nakatingin sa kanya, itinigil nya yung katangahang ginagawa nya. Naupo sya sa tabi ko.
"May mga stock na akong beer dyan, ano game?" Blake.
"Sorry guys, I'm preggy." Ebony.
"Ikaw Doll?" Tanong sa akin ni Blake.
Tumango lang ako habang kinakalikot ang cellphone ko, aba para patas lang kami di ba?!
SELOS AKO? DAPAT SELOS DIN SYA!
Hihi baliw! 😑😑
Nandito kami sa kwarto ni Blake, ofcourse nag-iinom.
"Are you okay Babe?" Tanong ni Shawn kay Ebony.
"Uhm- yes." Ebony.
"May problema ba?" Bulong naman sa akin ni Blake.
Hindi ako sumagot sa kanya at patuloy lang ako sa pag-inom. Nawala tuloy yung excitement ko sa araw na 'to, humanda ka talaga sa akin mamaya. Mahuhuli din kita Blake!
Yun na nga, lasing na nga po sila. Dahil mahihirapang umuwi yung dalawa, pinatulog ko na sila sa kwarto ko. Nandito naman ako sa kwarto ni Blake, sobrang himbing na ng tulog nya. Ito na ang tamang pagkakataon.
OPLAN: TOKHANG 😂
Maingat kong kinuha yung phone nya at naupo ako sa lapag, inuna ko yung messages .. Wala naman e! Wala din sa calls, aha! Sa messanger .. Kinakabahan ako habang hinihintay kong magload. Unang-una sa listahan si Courtney, agad kong binasa ang conversation nila-
BLAKE'S CHATBOX
Courtney: How was my sex buddy?
Blake: I'm okay, please stop chatting me?! And don't call me sex buddy, our problem is clear now.
Courtney: But I miss you, can we do it again?
Blake: No, not anymore. You know how much I love Trisha.
Courtney: Please, let's do it again. For the last time Blake, and I will let you free I promise.
Blake: 👌
Courtney: What?
Blake: Okay.
O_______O Tila nagunaw ang mundo ko, para akong sinaksak, binaril, hinagisan ng granada.
Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako .. Nagawa nya sa akin? Akala ko ayos na kami, ayos na ang lahat! Pero bakit, bakit dito ko pa mismo nakita at nalaman ang lahat? Gusto kong hampasin at bugbugin si Blake sa mga oras na 'to, gusto kong samantalahin ang pagkakataong tulog sya para pagsasampalin at suntukin ko ang mukha nya.
Iyak lang ako nang iyak magdamag, hindi ako tumabi sa kanya at nakasandal lang ako dito sa pintuan. Hindi ako makapaniwala, ang hirap, ang sakit!
Hawak ko pa din ang cellphone ni Blake at gusto ko 'tong basagin. Pero kailangan ko muna syang kausapin, gusto kong isampal sa kanya ang kababuyang ginawa nila, nandidiri ako sa kanya ngayon.
Nahiga ako sa sahig at patuloy pa din sa pag-iyak, Blake bakit? Dahil ba sa boring akong girlfriend kaya ka pumatol sa iba? At doon pa talaga kay Courtney na kinaiinisan ko!
Hindi ko palalampasin 'to, hindi ako papayag na matalo ako!
