Nasa kalagitnaan pa rin kami ng inuman, sandaling nanahimik ang paligid dahil pareho kaming nag-iisip tungkol sa sinabi ni Shawn.
"Pag-usapan nyo yang dalawa, papahinga muna kami." Ebony.
Umakyat na silang dalawa ni Shawn sa kwarto, naiwan naman kami dito sa baba. Bakit parang nahihiya na ako ngayon? Naubusan ako ng sasabihin sa kanya. Kinakabahan ako.
Hindi rin ako makatingin ng deretso sa kanya. Hinihintay lang namin kung sino ang unang magsasalita.
-____- Lalalalala~
Maya-maya ay nag-clear throat sya at umayos ng upo, ito na ito na! Magsasalita na sya. Go Trisha!
"Ahm- anong gagawin natin? Anong pag-uusapan nating dalawa?" Blake.
Tiningnan ko sya, ano nga ba? Hindi ko rin alam. Pero, hindi ko na din kailangang palampasin ang pagkakataong 'to. We need to clarify this!
"E di ituloy na lang natin yung pinagtatalunan natin." Sabi ko.
"Gaya ng sabi ni Shawn, it's our fault. He's right, kasalanan nga talaga natin." Blake.
"E bakit ka ba kasi nang-iwan? Ang labo mo rin e." Ako.
Tumawa sya, anong nakakatawa sa tanong ko? Ang seryoso ko na oh, tatawa pa e.
"Aaminin ko, nagsawa talaga ako sayo." Blake.
Tiningnan ko sya, ang sakit naman ng sinabi nya. Naiiyak na tuloy ako.
"Ang arte mo kasi e, lagi ka na lang against sa mga decisions ko. Hindi mo iniisip na para naman talaga yun sa future natin, e di sana ngayon may babies na tayo di ba?" Explain ni Blake.
What?! Hindi ko sya maintindihan! Ano ba 'tong nararamdaman ko?! Bakit ang gaan na naman ng loob ko sa kanya?!
(Blake's POV)
"Ang arte mo kasi e, lagi ka na lang against sa mga decisions ko. Hindi mo iniisip na para naman talaga yun sa future natin, e di sana ngayon may babies na tayo di ba?" Sabi ko.
Hindi nakapagsalita agad si Trisha, tinitigan nya ako at nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha nya. May masakit ba sa mga sinabi ko? I'am just telling her the truth. Ganun naman sya talaga e, napaka-pabebe.
"Ako lang ba? E ayoko lang naman na malayo ka ulit sa akin noon e, ayokong mapunta ka sa iba. Takot na akong magkahiwalay tayo, pero wala e! Pinili mo pa rin ang malayo ka sa akin. Natiis mo yun?" Trisha.
Aish! Kailangan kasi may isasagot din sya e, kailangan kasalanan ko rin. Nakakainis na kaya, nabibwisit na ako. Pero wala e, kasalanan pa rin naming dalawa 'to.
"Oo na, kasalanan ko na pero kasalanan mo rin. Kaya tigilan mo na yang paninisi mo okay? Ayos na tayo." Sabi ko.
Iyak pa din sya nang iyak, wala na akong magawa kundi ang yakapin sya.
"Ang sama mo e." Trisha.
"Sorry na, please don't cry." Ako.
Sincere ako sa pagsasabi ng "SORRY", natauhan na ako e. Masakit nga naman yung ginawa ko, hindi kasi ako nag-iisip e. Pero wala na, nagkahiwalay na kami. Wala na akong magagawa, hate na namin ang isa't isa.
"Blake." Bulong nya habang humihikbi.
Tumingin sya sa akin .. Ano na namang problem ng maarteng 'to?!
(Trisha's POV)
"Blake." Bulong ko.
Tiningnan nya ako, kakapalan ko na ang mukha ko .. Kailangan ko nang sabihin sayo 'to.
"Ano yun?" Blake.
Nagbuntong-hininga muna ako, hinawakan ko sya sa magkabilang-kamay ..
"Mahal pa kita." Sabi ko.
O___________O Ganyan yung reaksyon ng mukha nya.
"Tatanggapin ko ano man ang maging desisyon mo." Dugtong ko.
Okay lang kahit tanggihan nya ako. Tiningnan ko ang mga mata nya, naiiyak na ba sya? Kinakabahan ako sa magiging sagot nya. Blake, please sabihin mo na.
"Sorry Trisha, pero ayoko na talaga." Naiiyak nyang sabi.
😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭
😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱
😧😧😧😧😧😧😧😧😧😧😧😧😧
😶😶😶😶😶😶😶😶😶😶😶😶😶
💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔Para akong sinaksak at binaril ng paulit-paulit sa narinig ko, pero gaya ng sinabi ko tatanggapin ko ano man ang maging sagot nya.
Binitawan ko ang kamay nya, nagpatay-malisya na lang ako. Okay lang yun, okay lang ako wala 'to. Uminom ako ng uminom ng maraming beer.Pinipigilan ako ni Blake pero hinahawi ko ang kamay nya.
"Trisha, ano ba?!" Blake.
"Bitawan mo ako!" Naiiyak kong sabi.
Niyakap nya ako at pilit na sinusuyo, wala e. Desisyon nya yun, e di tapos di ba?! Wala nang paligoy-ligoy pa. Wag syang mag-alala, hindi nya kailangang mailang sa akin dahil tanggap ko naman.
