Chapter Seventy

4.7K 72 8
                                        

Naglakas-loob na lang kami ni Ebony na bumisita kay Joseph. Nandoon pa rin sya sa kinauupuan nya, nilapitan ko sya.

"Joseph." Bulong ko.

Tumingin sya sa akin, naupo ako sa tabi nya.

"Galit ka pa ba?" Dugtong ko.

Hinawakan nya ang kamay ko, namumutla na sya .. Mukhang may sakit sya -______-

"Sorry ha. Naguguluhan lang talaga ako." Joseph.

"Okay lang, kumain ka na ba?" Tanong ko.

Umiling sya, agad naman akong tumayo para handaan sya ng pagkain. Dumating na rin pala ang mga kamag-anak nila galing States. Nakita ko si Tito Wilbert na nananahimik sa isang tabi.

"Joseph, kumain ka muna." Ako.

Kinuha nya ang pagkain at salamat .. Kinain nya yun.

"Masaya na sila ni Ate Jane ngayon, magkasama na sila. Mas lalo na akong mangungulila ngayon." Joseph.

Hinimas ko ang likod nya, iiyak na naman kasi sya e. Awang-awa na talaga ako kay Joseph, halos hindi na sya umaalis sa harapan ng Mommy nya, kung hindi pa ako dumating hindi pa sya kakain.

Binigyan ko na rin sya ng gamot dahil medyo mainit sya.

"Nandito pa naman kami ni Tito Wilbert e." Ako.

"Di ba pupuntahan mo sya?" Joseph.

Natigil ako sa pagsasalita .. Galit ba sya? Pero sya pa rin ang inaalala ko .. Baka pag-alis ko wala na akong balita sa kanya.

"Pero paano ka?" Ako.

"Ano ka ba naman Ate, mahalaga sayo ang taong 'yun." Joseph.

Naiyak ako sa mga sinasabi nya. Napaka-understanding talaga nya sobra!

Tumayo muna ako sandali dahil may tumatawag sa akin ..

-calling: Blake-

"Hello?"

"Hey Trisha, want some job? 25,000 a month." Blake.

"Ano ba yun? Bilisan mo at nasa burol ako."

"Sinong namatay?!" Blake.

"Mommy ni Joseph, bilisan mo na ano yung sinasabi mo?!"

"Be mine again .. Be my assistant again!" Blake.


O__________O Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kukunin nya ulit ako as his assistant?! Oh my G.!! 😂😂😂
Makakasama ko na sya uliiiit!



"S-sige ba, kailan ako magsisimula?"

"I'll tell you soon." Blake.

     -call ended-










Excited kong pinuntahan si Joseph, nandoon din si Ebony.

"Good news, kukunin ulit ako ni Blake para maging assistant nya. Pero hindi pa nya sinabi kung kailan." Ako.

Niyakap ako bigla ni Joseph.

"Sabi sayo eh, mahal ka pa nya ayaw nya lang sabihin." Joseph.

Haha. Grabe naman yun, hindi lang natin alam! Pakipot kasi ang lalaking 'yun e.










Hindi na kami nagpaabot ng gabi sa lamay, umuwi na rin kami agad ni Ebony dahil pupuntahan pa sya ni Shawn sa bahay.










"Pumayag ka naman?" Ebony.

Dumeretso ako sa kusina para magluto ng makakain namin.

"Syempre naman. Hahayaan ko pa bang maagawan ako ng iba?" Say ko.

Nilapitan naman ako ni BFF at nangeelam sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako or ma-iinlove na naman ba ako?! I don't know what I'am feeling right now. Yung niluluto ko ewan ko kung ano na ang nangyari :)

"Hoy Best! Magiging assistant ka lang, hindi nya sinabing mahal ka pa rin nya." Ebony.

Binatukan nya ako .. Aray ko! Bumalik na ako sa katinuan ko at inisip yung sinabi nya.

Oo nga naman -_____- Wala naman syang sinabing ganun e. Assumera nga kasi ako di ba? Matagal na!

Bumalik na kami sa sala .. Hinihintay na ni Ebony ang soon to be groom nya.











AKO NAMAN ..













SOON TO BE MUKHANG TANGA NA NAMAN!

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon