EPILOGUE

6.7K 86 9
                                        

"Aaaahh! Tulong!" Malakas na sigaw ni Ebony.

Agad namang inistart ni Blake ang kotse at isinakay doon si Ebony na hirap na hirap na. Iyak sya nang iyak, hawak ni Shawn ang ulo nya habang ako ay pinapakalma sya.

"Best, kalma lang." Sabi ko.

"Aaahhh! Best, ang sakit hindi ko na kaya." Naiiyak nyang saad.

"F*ck, Bro bilisan mo." Shawn.

Minadali na ni Blake ang pagmamaneho, woooh. Pati ako kinakabahan para kay Ebony.

Buti na lang at mabilis kaming nakarating sa ospital, agad syang isinugod sa delivery room kasama si Shawn na syang tatabi kay Ebony sa loob. Nakaupo naman kami ni Blake sa labas.

"Okay lang kaya sya?" Sabi ko.

"She will be alright, trust the doctors okay?" Blake.

Woooooh :( Kaya mo yan Ebony kapit lang, kaya mo yan. Natataranta na ako, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.











Maya-maya ay lumabas na si Shawn at tuwang-tuwa ..











"Bro, Trisha, I'm a Dad of a Baby Boy." Excited na sabi ni Shawn.

Niyakap ko sya ng sobrang higpit, dinala na si Ebony sa room nya kasama ang kanyang cute na baby boy.

Sumunod naman kami sa kanya, grabe ang poging bata naman nito. Pinaghalong mukha ng mag-asawa oh?

"Wow, so cute!" Sabi ko.

Halatang naiinggit si Blake dahil panay ang karga nya sa baby. Buti nakaraos ang BFF ko, thanks God!

"Babe." Ebony.

"Yes, bakit?" Shawn.

"Can we call him Syred?" Ebony.

Naiyak na naman si Shawn at masayang tinanggap ang pangalang ibinigay ni Ebony sa baby boy nila.

Umakbay naman sa akin si Blake.

"Bakit?" Tanong ko.

"I want to have six babies, five boys and one girl." Blake.

"Wow ha? Okay ka lang?" Ako.

Hinalikan nya ako sa pisngi at tumawa ng malakas, anim agad ang gusto -___- Grabe sya, kaya ba ng matres ko yun?

















                  -  E N D -

----

Thank you for reading guys.

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon