Chapter Ten

10.5K 201 2
                                    

Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Matapos ang announcement, magpupunta na ang students sa El Nido Palawan.

"Nasan si Camille? Akala ko ba sa Ateneo din siya mag-aaral?" nagtataka kong tanong sa aking amo.

"Bumalik na siya sa States. Nagbago ang isip niya." walang gana namang tugon ninBlake.

Kinuha ko na yung mga bagahe niya dahil alam ko namang ipapahawak niya sa akin yun kapag aalis na kami. Wala namang bago sa kaniya.

"No! Akin na mga gamit mo, ako na ang magdadala." hinawi ni Blake ang kamay ko.

Ano'ng nakain niya? Pinakain ba ng rosaryo at bibliya 'to? Himala ata at bigla siyang bumait. Nakakapanibago naman.

Pasakay na kami ng bus papuntang airport.

Ofcourse magkatabi ng aking boss.

"May gusto lang ako itanong sayo, huwag kang magagalit okay?" kabado kong saad.

"Ano yun?" kalmado naman si Blake.

"Boss kita, right?"

Tumango siya ngunit deretso ang tingin sa cellphone.

"Tapos assistant mo naman ako." saad ko.

Tumango siyang muli.

"Bakit ganiyan ka ngayon? B-Bigla ka atang bumait."

Tumitig si Blake sa akin dahilan upang kabahan ako ng sobra. Ano na naman kaya ang gagawin niya sa akin?

"Joke lang yun." natatawang tugon ni Blake.

Sa sobrang inis ko ay nahampas ko ng magazine ang kaniyang ulo.

"Ouch! Ang sakit." reklamo niya

Minsan ko lang naman gawin sa kaniya 'yon. Sobra siya!

"Pagdating natin sa airport ikaw na ang magdadala ng mga bagahe. Huwag kang feeling diyan." inis na sabi ni Blake.

"Oo na!" nagbangayan na naman kaming dalawa.

Maya-maya pa ay nag-abot siya ng pagkain sa akin.

"Kumain ka ng marami dahil magbubuhat ka pa mamaya."

"Salamat ha!" padabog kong kinuha yung pagkain sa kaniya.

Ngumiti lang siya. Malapit na kami sa aiport. Sobrang excited na ako!

Pagbaba namin mula sa bus, ako nga ang nagdala ng mga bagahe.

"Boss! Tulungan mo naman ako!" sigaw ko.

Biglang kinuha ni Shawn ang mga dala ko. Kumunot bigla ang noo ni Blake.

"Ako na." hinawi siya ni Blake.

Ano ba 'to?

"S-salamat ha." naiilang kong sabi kay Shawn.

Nginitian lang ako ni Shawn.

Nakasunod na ako kay Blake.

"Okay pagdating natin sa Palawan, dederetso na tayo sa hotel kung saan tayo pansamantalang tutuloy. Si Blake and Trisha, room 42 share kayo doon since wala nang available na room for two. Mukhang close naman kayo e. Iisa lang ang kama dahil nga wala nang room for two. Okay tara na!"

Napatingin ako kay Blake.
Share kami sa kama?! Sa sofa lang ako patutulugin ng lalaking 'yan. Ang malas ko talaga!

"Bakit?" tanong ni Blake.

"Aish! Ang malas ko." inis kong tugon sa kaniya.

Pinitik na naman niya ang aking noo.

"Nice." bulong ni Shawn.

Nagseselos ba sya? Ano ba ang mga nangyayari?

Pasakay na kami ng eroplano.

"Wag kang lalayo sa 'kin." paalala ni Blake sa akin.

Iniwan ko siya at nauna na ako

"Excited ka?" Blake asked me.

"Oo sana. Kung hindi kita kasama sa room." sarkastiko kong saad.

Pipitikin niya dapat ang noo ko pero inawat ko sya.

"Ano ba?!" inis kong sabi.

"Ang arte mo talaga." Blake laughed at me.

~

🖋author_mj17

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon