Chapter Seventy-One

4.6K 79 2
                                    

Bukas na ang libing ng Mommy ni Joseph -_____- Ako na muna ang nagma-manage dito sa Restaurant.

"Hi Best." Ebony.

Nilapitan ko sya at naupo. Ang konti lang ng tao dito ngayon :( Sigurado akong malulungkot si Joseph kapag nalaman nyang matumal ng resto.

"Grabe, stock lahat ng pagkain sa kitchen." Ako.

"Isara mo na lang kaya ng maaga." Ebony.

Tinext ko muna si Joseph, baka kasi magalit sya kapag nagsara ako ng maaga. Hindi naman sya nagrereply e .. Nag-decide ako na mag-stay na muna dito hanggang 3PM.

Nagla-laptop ako ngayon at nakita ko ang bagong post ni Blake-

Kasama na naman nya yung tisay at mukhang nasa isang show sila, hmm- napapadalas na ang pagsama sayo ng babaeng yan ha? Hmp. Baka naman may something na talaga kayo.

"Best, excited ka na bang magpunta sa States?" Ebony.

"Oo sobra, makakasama ko na rin kasi sya sa wakas! Hindi na ako mahihirapang humanap ng pagkakataon para makausap sya. Kasi doon kasama ko na sya lagi!" Ako.

Mukhang sang-ayon naman si Ebony sa sinabi ko. Argh! Bakit kaya walang masyadong customer?! May bagong bukas bang restaurant? Or gusto nila mag-sale din kami? Hihi.

Tumingin ako sa orasan ..










2:30 PM











Aish! Uuwi na talaga ako, hindi ko na gusto 'to. Ibinilin ko na lang sa isang crew ang resto at sumabay na ako kay Ebony, dederetso kami kina Joseph.

























(Blake's POV)

Nasa kwarto ako ngayon at nag-eempake. Medyo malayo pa naman ang alis ko, naghahanda lang ako. Para pag naisipan kong puntahan sya, pupunta na lang ako. Parang ang gulo!

Three sets lang ng damit ang dala ko, hindi naman ako magtatagal e. Bumaba na ako para kumain.

"Hijo, bakit ang aga mo namang mag-empake?" Mommy.

"Wala lang." Matipid kong sagot.

"Alam na ba ni Trisha na sya ang kukunin mong maging assistant ulit?" Daddy.

Ang kukulit nyo naman >___< Ayoko na syang pag-usapan, ang mahalaga sya ang kinuha ko! Ang dami pang mga tanong.

"Saan sya titira?" Mommy.

Padabog kong ibinaba ang baso at tumigil sila sa pagsasalita.

"Ako na ang bahala." Sabi ko.

Tumango silang dalawa. Ipinagpatuloy na namin ang pagkain, inilabas ko ang phone ko dahil nagba-vibrate.

Sino na naman kayang istorbo 'to?







*one message*
From: Courtney
"I'm on my way to see you."








Aish! Nadagdagan pa ang problem ko ngayong araw. Nagmadali na akong kumain para makaalis at matakasan ang tisay :) nagtataka sila Mommy kung bakit natataranta ako.









Mabilis kong pinatakbo ang kotse at hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hmm- saan nga ba pwede? Paikot-ikot na lang ata ako.

Tumigil ako sa isang Mini Store at nandoon nagtago. Madami na akong kaparehong kotse e!

Bumili ako ng isang beer para doon na inumin sa loob habang naghihintay ng gabi. Panay ang text at tawag nya pero hindi ko sinasagot. Makulit na nga kasi sya talaga, hindi gaya 'nung una kaming nagkakilala.

Sinanay ko kasi sa panay ang hang-out at gala e. Yan tuloy ako ang hinahabol ngayon.























(Trisha's POV)

Nandito na kami kina Joseph, umiiyak na naman sya. Ayaw pa kasi nyang ipalibing ang kanyang Mommy. E anong magagawa natin, ganun naman talaga! Kailangan ilibing ang isang taong namamatay.

Walang makapag-patahan sa kanya maski ang Daddy at mga kamag-anak nya. Ako ang huling lumapit sa kanya.

"J-joseph." Bulong ko.

Patuloy sya sa pag-iyak.

"Pare-pareho kayo!" Joseph.

Napaatras ako sa sinabi nya .. Huh?! Ano bang ginawa namin? Tiningnan ko ang Daddy nya at sinenyasan ako na lapitan si Joseph.

"Joseph, huminahon ka." Ako.

"Please lang, tama na. Lumayo kayo sa akin! Kinukuha nyo ang Mommy ko sa akin!" Joseph.

Nilapitan sya ng mga pinsan nyang lalaki at iniakyat sa kwarto, napaupo naman ako at napahawak sa ulo. Ano na kayang nangyayari sa kanya? Nababaliw na ba sya?! Wag naman sana please -___________-

Nilapitan ko si Ebony at nagpaalam kami na uuwi na kami.

Nandito na kami sa labas ..

"Naku Best, baka nasisiraan na ng ulo ni Joseph." Ebony.

"Wag naman sana, nakakaawa pa rin sya." Say ko.

Sumakay na kami sa kotse at doon ipinagpatuloy ang kwentuhan.

"Hindi rin naman kasi nating akalain na magkakaganun ang Mommy nya, kahit sino naman ayaw mawalan ng nanay di ba? Tulad ko." Ako.

Tumango si Ebony-









Mabilis lang naman kaming nakarating sa bahay. Sa kwarto na ako dumeretso para makapag-pahinga na rin.

Kinuha ko yung stuffed toy na napanalunan namin ni Joseph sa arcade 😑

Magpapahinga na ako .. Hindi naman ako masyadong napagod, pero nawalan ako ng gana sa nakita ko sa sitwasyon ni Joseph kanina.

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon