It's been a months since nangyari ang very special night between me and Blake.
Nakapag-baby shower na din ang mag-asawa, kabuwanan na ni Ebony kaya lahat kami ay nakahanda na sa maaaring mangyari sa araw ng panganganak nya :)
Habang hinihintay na manganak si Ebony, kasabay din nito ang pag-plano namin ni Blake para sa aming wedding day.
Nakapag-decide na din kami na sa Pilipinas kami ikakasal, doon din kami titira for 5 months tapos babalik na kami dito. Si Papa naman at ang kanyang asawa ay nakabili ng bahay sa New York, ang Mommy't Daddy naman ni Ebony ay bumalik na sa Italy.
Si Mommy and Daddy naman ay kasama pa din namin dito sa bahay, pero lilipat daw sila France after ng wedding namin ni Blake.
Itong bahay na 'to ay nailipat na sa pangalan ni Blake.
Successful din naming naitayo ang B.E.S.T BAKESHOP near us.
Sa ngayon ay magpapahinga muna si Blake dahil nagkasakit sya after ng concert, babalik sya sa kanyang career after daw ng kasal namin.
Hays! -_____- Akala ko magkakalayo kami ni Blake, akala ko may panibago na namang hahadlang sa aming dalawa. Akala ko masasaktan na naman ako, magseselos, iiyak, akala ko mag-aaway na naman kami.
Pero mali ang iniisip ko .. Isa palang masaya at malaking sorpresa ang naghihintay sa akin.
Ang matagal ko nang pinapangarap ay natupad na, dati naiinggit ako kina Ebony pero ngayon .. Ako na 'tong nagpa-plano para sa sarili naming kasal -______- Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, feeling ko tulog lang ako, nagdaday dream ganun?
Pero ang lahat ng ito ay totoo pala, walang halong biro.
Totoong magiging asawa ko na si BLAKE HIDALGO 💍
Ang lalaking minsan ko nang hinabol, nagpaka-tanga ako sa kanya ng mahabang panahon.
Pero worth it ang paghabol ko dahil .. Nasuklian na din lahat yun 💑💏👫👰💍💙
