Prologue

12.7K 235 12
                                    


"Ikaw inagaw mo ang posisyong pinakamamahal ko! Hindi mo alam ang hirap na dinanas ko para makamit ang posisyong yon tapos aagawin mo lang?".

PAK!

Sinampal ng isang galit na galit na babae ang unang babae na nakagapos at may busal ang bibig.

"Ikaw naman, masyado kang palaban. Lahat nalang binangga mo, pati tuloy ako nabangga mo".

Sabi ng babae habang hawak hawak ang magkabilang pisngi ng pangalawang babae habang bumabaon ang mga kuko nito.

Hinawakan naman nya sa buhok ang ikatlong babae.

"Ikaw! Masyado kang nagmamaganda! Pati lalaking pinakamamahal ko inahas mo. Bitch!".

Galit na binitawan nya ang buhok ng kawawang dalagita.

"At IKAW.. Ikaw ang sumira sa lahat ng plano ko. Pakielamera ka kasi. E kung tumahimik ka nalang, wala sana kayong lahat dito! ".

Sabi niya habang hawak hawak ng mahigpit ang leeg ng panghuling babae.

Sa isang tabi ay may babaeng tahimik na nakikinig at palihim na tumatawa kasama ang isang nakangising lalaki. Pawang tuwang-tuwa sila na makitang nanginginig sa takot ang mga kababaihan. Ang mga ngiti nila ay puno ng kagalakan.

Sa kabilang banda ay may apat na lalaking nagpaplanong iligtas ang mga babaeng mahal nila.

Magtagumpay kaya sila?

O kayanin na lamang ng mga babae na iligtas at ilayo ang kanilang sarili sa isang bagay na kinatatakutan sa buong eskuwelahan?

Kamatayan

Kapag nalaman mo ang sikreto niya.

PAPATAYIN KA NYA

Sino sya?

----------

Author's Note

Walang mababasang kalaswaan puro patayan at kabrutalan lang.

Inosente ang Author. (Lima po ang author nito) wewwewwew27 abhegazzle AlenaGayleee  pausumajit

Thank you!

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon