Chapter 25: Valentine's Day
Pauline POV
Valentine's Day
Ang araw kung kailan umiiral ang pagiging bitter ko. I mean, naming magkakaibigan.
Bakit ba tuwing nagcecelebrate ng Araw ng mga Puso ay nagkalat ang mga magjowang akala naman nila nakakatuwa silang tignan.
Nakakainis. Mga mukha silang nagmamadali sa buhay. Sabi nga sa kanta "Wise men says only fools rush in."
Basta ako, school for life. Study first. No boyfriend, no heartbreak.
Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng aming room ngayon, pinagmamasdan ang mga nagkalat na malalandi. Psh. Masyado hard, ok. Pinagmamasdan ang mga nagkalat na lovebirds.
Napakadami nila at argh.. Nakakabwisit silang tignan, honestly. Ako na yata ang pinaka bitter dito.
"Pauline padesign nga nito." Sabi saakin ni Abe sabay abot ng isang illustration na may nakasulat.
Dedication Booth
Ngayon ay gaganapin ang Valentine's Program kung saan bawat klase ay inatasan ng mga teachers na gumawa ng booth.
At kami ang naatasan sa Dedication Booth.
Kinuha ko kay Abe ang pinapagawa niya at dinesignan ito.
"Excuse me, Ms. Pauline Shin. Flowers for you, hehe." Sabi ni...
Baliw.
Sinamaan ko sya ng tingin at nagpacute naman sya na akala nya kinaguwapo nya.
"Hindi mo man lang ba tatanggapin?" Malungkot na tanong niya saakin.
Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti.
"Happy Valentine's Day!" Bati niya saakin habang malawak parin ang ngiti.
"Happy Halloween." Masungit na sabi ko sa kanya at akmang papasok na sa loob ng silid ng bigla nya akong pigilan.
"Halloween pala ngayon? Akala ko Valentine's Day. Wait. Diba.. Valentine's Program ito. Saka.. Uy niloloko mo lang yata ako." Parang batang sabi niya saakin.
Baliw talaga ang lahi nitong lalaking ito. Childish, tss.
"Oh sorry. Valentine's Day pala? Sorry nagkamali. Bakit ka kasi nakacostume ng pang horror?" Sarkastikong pagkasabi ko sa kanya na agad na ikinanlisik ng kanyang mga mata.
"Bad girl." Sabi niya saakin at hinila ko na ang aking braso at pumasok na.
Tatlong oras kaming nasa room at nagmanage ng aming Dedication Booth. Nang wala ng taong nagpunta sa Booth namin ay iniligpit na namin ang mga gamit at naglakad lakad na sa buong eskuwelahan.
"Pwede ba, Josh? Tigilan mo nga ako." Napalingon kami ng biglang marinig ang tinig ni Gabe.
Nakita namin na nakaluhod sa harap niya ang kanyang kasintahan na si Joshua at umiiyak habang may hawak na bulaklak.
Anong nangyayari sa kanilang dalawa?
"Bakit? Ano bang problema mo, Gabe? Ito oh.. Bulaklak para saiyo. Bakit ka nagagalit? Gusto mo ba kumain tayo sa labas. Sabihin mo lang, lahat gagawin ko." Umiiyak na sambit ni Joshua.
"No Josh. You don't need to do anything. Just.. Just stay away. Sapat na ang lahat ng nakita ko para layuan ka." Naiiyak na rin na sabi ni Gabe at hindi parin sya binitawan ni Josh.
"Gabe. Ano ka ba? Bakit mo ako lalayuan? Nagbibiro ka lang diba? Pls. Wag ka namang magbiro ng ganyan."
"I'm damn serious Josh!" Sigaw sa kanya ni Gabe.
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mistério / SuspenseFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...