Chapter 33

916 22 7
                                    

Chapter 33: Bestfriend's Death

Bea POV

Nang bumalik ako sa room para kunin ang mga naiwan kong gamit.. Naabutan kong nandun pa ang ibang mga lalaki.

"Oh! Bea.. Di ka pa babalik sa dorm?" Tanong saakin ni Nar.

Hindi ko muna sya pinansin dahil nagmamadali ako. Ayaw ko naman ng magpagabi dito.

"Gusto mo hatid ka ni Clyde sa dorm mo?" Nakangising tanong niyang muli at nagtawanan naman ang iba maliban kay Clyde na nakakunot lamang ang noo.

Lagi nalang nila ginagawang katatawanan ang paghanga ko kay Clyde. Isa lang naman ang gusto ko sa kanya eh, mabait. Pero hindi ko maintindihan ang mga kaklase ko. Lalabas na sana ako ng bigla akong harangin ni Nar.

"Wait. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Sabi nya saakin.

Inirapan ko sya. First time ko syang sungitan. Nakakarinidi na kasi.

"No, thanks." Agad na sagot ko at lumabas na ng silid. Narinig ko pa ang mga tawanan nila.

Ring ring ring

Sinagot ko ang tumatawag ng makitang si Hazel ito.

"O ano bes?" Sabi ko sa kanya.

"Punta ka sa dorm ko. May sasabihin ako." Dinig kong sabi niya. Agad akong nagtungo sa kanyang dorm at kumatok. Hindi niya ako pinatuloy, siya ang lumabas at naupo kami sa mahabang upuan na nasa labas ng kanyang dorm.

"Any problem or what?" Panimula ko. Nanatili siyang tahimik. Bumuntong hininga ako dahil parang nauunawaan ko na ang dahilan niya.

"Is it about Gabriel?" Tanong ko at umiling sya. So ano?

"Then? Kung hindi si Gab. Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya at tumingin siya sa aking mga mata.

"May nagmamasid." Bulong niya saakin dahilan para makaramdam ako ng takot at kaba. Anong ibig niyang may nagmamasid?

"W-what?" Nauutal na tanong ko sa kanya at inilapit niya ang kanyang bibig saaking tenga.

"May nagmamasid saating dalawa ngayon. Anumang oras, maaari niya tayong kunin at patayin." Bulong niya at napatayo naman ako.

"Don't say that Hazel. Walang mamamatay." Kinakabhang sabi ko sa kanya. Maya maya pa ay lumingon siya sa ibang direksyon at sinundan ko naman iyon. Laking gulat ko ng may makitang anino mula doon.

Ilang segundo lang ay lumabas ito sa pinagtataguan niya. Nakamaskara at nakaitim. Hindi ko malaman kung babae ba ito o lalaki. Basta isa lang ang nasa isip ko ngayon, maaaring siya ang pumapatay.

Hindi ako makagalaw ng unti unti siyang lumapit saamin at hindi ko namalayang nasa harap na namin siya.

"Hi Hazel, Bea." Sabi nito saamin. Hindi pamilyar ang kanyang boses. Sino ito?

"Hi." Walang ganang sagot ni Hazel. Bakit parang hindi siya kinakabahan?

Bumilis ang tibok ng aking puso ng may ilabas siya sa kanyang bulsa. Isang maliit na martilyo.

"A-ano y-yan?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo sa hawak niya. Nanginginig ang aking kamay sa takot.

"Martilyo. Bakit? Hindi mo alam?  Ang bobo mo naman." Sabi niya saakin at ngumisi.

Hinila niya si Hazel at pinukpok ang martilyo sa ulo nito. Nag init ang aking ulo.

"What the hell?!" Sigaw ko at ako naman ang kanyang hinila kasabay ng pagpukpok niya ng martilyo sa aking ulo. Nakaramdam ako ng hilo at tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon