Chapter 37

886 20 16
                                    

Chapter 37: No one wants to leave, everybody wants to stay

Pauline POV

Nakakabingi ang ingay ng aking mga kaklase. Sigawan dito, sigawan doon. Batuhan dito, batuhan doon. Para silang hindi mga estudyante.

Pinipilit kong alamin kung sino ang pumapatay. Tinitignan ko sila isa isa ngunit pare parehas lamang ang nakikita ko sa kanila.
"GUYS!!"

Nabasag ang katahimikan sa biglaang pagsulpot ni Nar. Mukhang kagigising niya lang dahil magulo pa ang kanyang buhok at hindi pa sya nakasuot ng school uniform.

"Oh? Bawal pumasok ng mabaho!" Sigaw ni Clyde dahilan upang magtawanan ang lahat.

"Guys.. May importante akong sasabihin." Sabi niya at natuon ang atensyon ko sa kanya. Natahimik naman silang lahat.

"Umalis na tayo dito." Sabi niyang muli.

"Ano? Aalis? Bakit? Dahil ba paunti na tayo ng paunti? Ano tingin mo saamin, duwag? Ulol. Wag kami, Nar." Sabi ni Jez at nagsitanguan naman ang lahat.

"Kung gusto mo, ikaw nalang." Sabi naman ni Jahjah.

Kung ako ang tatanungin, gustong gusto ko na talagang umalis sa eskuwelahan na ito. Hindi naman kasi ako kagaya ng mga kaklase ko, nagtatapang tapangan. Gusto ko lang talaga malaman kung sino ang nasa likod nito.

"Masyado kayong matatapang. Hindi ba kayo natatakot? Anim na ang namatay saating mga kaklase, malay niyo kayo na ang isunod. Umalis na tayo dito, habang hindi pa huli ang lahat." Seryosong sabi ni Nar. Napapailing naman ang lahat.

"Uhmm... Zorene. Aalis ka?" Dinig kong tanong ni Rommel.
Tinignan lamang niya si Rommel at muling bumaling kay Nar.

"Walang kwenta ang mga sinasabi mo." Biglang sabi ni Robi kay Nar. Tumayo ito at huminto sa harapan ni Nar. Nagtitigan sila at tuluyan na nga itong lumabas ng silid.

"Bahala kayo. Basta ako, isa lang naman ang nais ko. Ang hindi na madagdagan pa ang mga namamatay." Sabi ni Nar at lumabas din ng silid.

Nang makalabas si Nar ay muling nanumbalik ang sigawan, tawanan, batuhan.

Hindi man lang nila napag isipan ang mga sinabi ni Nar.

Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at nagtungo ng library.

LG Faye POV

"Naniniwala akong walang nakakapasok na outsider dito. May tiwala kami sayo Ms. Rivera. Alam naming mahusay kang magbantay."

Ano nga bang gagawin ko? Araw araw, nagbabantay ako ng maigi sa buong L.I.V.E University. Hindi ako natutulog buong maghapon, wala namang nakakapasok na iba.

Isa lang ang ibig sabihin nito, nasa loob ng eskuwelahang ito ang pumapatay.

Bilang pinakamahusay na guard sa University, kailangan kong kumilos. Kailangan kong malaman kung sino ang pumapatay.

Matapos ang meeting namin ng mga nagtatrabaho dito sa University, agad akong nagtungo sa gate. Naupo ako sa isang silya.

Nilibot ko ang aking paningin at huminto ito sa dalawang estudyanteng nag uusap. Ang transferee na si Caroline Alonzo at hindi ko naman maaninag ang kausap niya dahil nakatalikod ito.

Maya maya ay natuon naman ang aking atensyon sa isang estudyanteng patungo sa aking direksyon, si Pauline Shin.

"Lady Guard Faye, magtatanong lang po sana ako." Sabi nito at tumayo naman ako.

"Ano iyon, iha?" Tanong ko sa kanya.

"Alam niyo po ba ang buong storya ng L.I.V.E University?" Sabi niya at napaisip naman ako. Kahit isa akong mahusay na guard, hindi ko pinapakielaman ang tungkol sa eskuwelahang ito.
"Naku! Pasenysa na, pero hindi." Sagot ko at nanlumo sya.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon