Chapter 30: Truth
Sky POV
Sa ngayon ay wala akong nais gawin at isipin kung hindi ang maghiganti.
Magkasala na kung magkasala, makuha ko lang ang hustisiya sa pagkamatay ng babaeng mahal ko.
Kasalukuyan kong nililinisan ang hawak kong baril.
Baril na gagamitin ko sa pagpatay sa kanya. Magkita nalang kami sa impyerno.
Matapos kong linisan ang hawak kong baril, ibinulsa ko ito at lumabas na ng aking dorm.
"Oy pre! May lakad ka?"
Laking gulat ko ng makita si Charles na sumalubong saakin.
"Hindi. Mag eexercise lang ako." pagsisinungaling ko.
Naglakad na ako at nagsimulang maghanap. Galit ang nararamdaman ko ngayon. Galit na puno ng paghihiganti.
Dinala ako ng aking paa sa tapat ng kanilang silid. Lumabas mula dito ang isang babaeng pamilyar ngunit hindi ko kilala.
"What do you need, Mr. Lopez?" tanong niya saakin.
"Wala namiss ko lang itong room ng girlfriend ko." sabi ko at ngumiti sa kanya.
Naglakad na sya palayo saakin at sinundan ko naman sya ng tingin. Nagtago ako sa isang pader at inilabas mula sa aking bulsa ang aking baril. Hihintayin ko ang paglabas niya.
Maya maya rin ay lumabas sya ng kanilang silid. Nag iisa.
Inihakbang ko ang aking paa at mula sa malayo ay itinutok ko sa kanya ang aking baril. Kakalabitin ko na sana ito ng biglang may lumabas pang kaklase niya.
Muli akong nagtago ng kausapin sya ng kanyang kaibigan.
"Oy! Anong ginagawa mo dyan?" sabi ng kararating lang na kaklase niya.
"Ano ba yan! Nagulat naman ako sayo, Bea!" sabi niya dahilan ng pag init ng aking ulo. Nakaka init ng ulo ang marinig ang tinig ng babaeng ito.
"Paanong gulat?" tumatawang sabi nito.
Mukhang hindi pa oras upang makapatay ng tao. Sa susunod, sisiguraduhin kong paglalamayan na ang bangkay mo.
Gabe POV
Toot toot
15% remaining
Low battery. Dali dali akong tumakbo sa mga lalagyan ko ng gamit at kinuha ang aking charger.
Kainis naman.. Bakit nag lowbat pa ang cellphone ko. Wala tuloy akong magawa.
Nahiga ako at bumuntong hininga. Ano bang gagawin ko? Matutulog? Kakain? Tatawagan si Jo.. --
Nevermind.
Wala na nga pala kami. Nakakalungkot isipin pero kailangan kong tanggapin.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nagsuot ng matinong damit.
Ayaw ko namang pumunta ng classroom dahil baka nagbabangayan sila.
Lumabas ako at nagtungo ng park. Ang lugar kung saan kami madalas magkita ni Joshua. Napangiti ako sa aking naisip. Pero bakit ko pa ito iniisip? Itinuon ko nalang ang aking pansin sa mga estudyanteng dumadaan. Naiinggit ako sa kanila dahil mukhang wala silang problema.
"Excuse me, pwedeng makausap ka." napalingon ako sa nagsalita.
Ang nakangiting Lexa na dahilan ng paghihiwalayan namin ni Josh. Kahit labag sa aking kalooban, pumayag akong kausapin niya ako.
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...