Chapter 2

4.5K 84 6
                                    


Chapter 2: SSG Officer

Mary POV

Dalawang linggo na ang nakalilipas magbuhat ng lumipat at mag aral kami dito sa L.I.V.E University at halos paulit ulit lang ang nangyayari.

Nagugustuhan ko narin naman itong L.I.V.E. University kesa sa. dati naming school.

Nag unat ako at tumayo na sa higaan namin. Tinignan ko ang apat kong mga kaibigan at ang himbing pa ng tulog nila. Ako palang ang gising, ang aga ko namang magising.

Tinignan ko ang orasan

7:55 AM

Pupunta na sana ako ng kusina ng bigla kong marealize na..

7:55 AM???!!

Malelate na kami! Hindi ako maaga gumising, late lang talaga sila. 8:00 ang simula ng klase namin at 5 minutes nalang kami maghahanda.

Agad agad akong pumunta ng higaan at isa isa silang pinaghahampas ng unan.

"Magsigising nga kayo! May balak pa ba kayong pumasok?!" sigaw ko sakanila habang patuloy parin ang paghampas sakanila.

"Ano ba yan Mary, ang ingay mo" nag uunat na sabi ni Hanna habang naghihikab.

"Ang ingay?!! Dapat lang na mag ingay ako para magising na kayo! Malelate na tayo! Bilisan nyo!".

Nakakainis. Ang hirap gisingin ni Abe, Hanna, at Jhoni. Si Pauline ay kanina pa tumayo at nagmamadali na rin dahil ayaw na ayaw nya ang umaabsent.

Bumangon na rin sila at nag ayos na. Hindi na kami kumain dahil wala na talagang oras.

Nakarating kami sa room ng 8:21 AM. Pagpasok namin ay nandun na ang teacher namin. Lahat sila ay nakatingin saamin.

"The five of you are 21 minutes late, go to your seats now". sabi ng aming guro ngunit hindi naman sya galit.

"Sorry Sir". sabay sabay naming sabi.

"Sayang! Akala ko absent na eh". napalingon ako sa kaklase namin na si Melissa Mariano.

Papatulan ko sana ng bigla akong pakalmahin ni Jhoni.

"Wag mo na patulan Mary, baka gusto mong baguhan palang tayo dito magka record ka na.. Iwasan ang pagiging mainitin ang ulo ah.. " pabulong nyang sabi saakin.

I just hate it. Ayoko ng ginaganun kami. Kung may sasabihin sya, diretsuhin nya kami.

"Whatever". nasabi ko nalang.

Math ang klase namin ngayon. Magaling naman ang teacher namin at maayos magturo. Medyo may kabilisan nga lang kaya nakakalito.

Maya maya pa ay natapos na ang aming klase sa Math. Lalabas sana ako ng bigla akong hilahin ni Hanna.

"Saan ka pupunta?" -Hanna

"Sa pupuntahan". sabi ko sabay irap sa kanya. Lumabas ako ng room at nagtungo ng washroom. Naghugas ako ng kamay at naghilamos. Pagharap kong muli sa salamin ay may katabi na akong babae. Nakangiti sya.

"What?" masungit na tanong ko sakanya. Kung makangiti naman kasi akala mo close kami. Excuse me, I dont even know her.

"Uhm wala lang. I just wanna be your friend". nakangiting sambit nito. Mukha naman syang mabait pero ayokong magtiwala. Hindi ko sya kilala at hindi ko alam kung anong maaari nyang gawin sakin.

"I dont talk to strangers". bulong ko sabay labas ng washroom.

"OMG Mary! San ka nanggaling? Saan saan ka nagpupunta hindi ka man lang nagpapa alam. Paano kung may nangyaring masama sayo? Hindi mo man lang inisip na nag aalala kam--"

Tinakpan ko ang bibig ni Abe dahil sa ingay nya. Ang OA naman kasi nito. Nandito lang naman ako sa school tapos may mangyayari agad na masama?

"Wag kang feeling nanay ko." sabi ko at umupo na sa upuan ko.
Maya maya pa'y dumating ang isa naming guro. Science ang aming asignatura..

"Ok class.. Igugrupo ko kayo sa anim". sabi ng aming guro.

Si Jhoni lang ang kagrupo ko sa mga kaibigan ko. Si Hanna at Abe naman ang magkasama samantalang nahiwalay naman si Pauline.

Tinignan ko ang mga kagrupo ko at nagulat ako ng makitang nakangiti saakin yung babae kanina sa washroom.

Kaya naman pala feeling close, classmate ko pala.

Tumabi sya saakin at binati ako.

"Hi Mary.. Im Gabe!" hindi ko na sya pinansin dahil nagsimula na ang aming groupwork.

Laro ang ginagawa namin, paunahan magsagot. Nahuhuli na kami sa points dahil si Pauline ang madalas na magsagot at si Mira na kagrupo nila Hanna.

Nang matapos ang laro. 10 points lang ang nakuha namin. 25 points kila Pauline at 23 naman ang kila Mira.

Lumabas na kami ng silid para maglakad lakad ng biglang may sumalubong saamin na babae at nakangiti.

"Hello girls! Im Kristin Yez, reigning secretary of the SSG."

Sabi niya sabay abot ng isang papel.

"Gusto ko lang sanang tanungin kung interesado kayong tumakbo sa upcoming SSG Election".

Tinignan namin yung papel at nakasulat dito ang

Are you an aspiring SSG officer? Meet us at the admin building, room 305

"Kung gusto nyong itry maging SSG officer punta lang kayo sa admin building, room 305 para sa interview. Kung may classmates rin kayo na willing maging SSG officer pakisabi nalang na may interview. Thank you".

Pagkatapos nyang magpaliwanag ay umalis din sya kaagad.

"Girls.. Gusto kong tumakbo as President". masayang sabi ni Abe.

"Diba si Mira yung president?" tanong ni Jhoni.

"Yep. Pero siguro kailangan ng magbago. Lahat naman nagbabago. There's no permanent things in this world." paghugot ni Abe at agad syang binatukan ni Hanna.

"Kung makahugot naman ito akala mo may lovelife. Asa Abe! ASA!". sigaw sa kanya ni Hanna.

Napasimangot si Abe sa sinabi ni Hanna. Nauna na akong naglakad dahil naiirita ako sa ingay nila.

Nagtungo na kami sa dorm at nahiga sila ssmantalang umupo lang ako sa sofa na nandoon.

"Gusto ko talagang tumakbo". sabi ni Abe habang nakanguso.

"Edi tumakbo ka. Dun sa labas, mula dito hanggang foodcourt. Bilhan mo ako ng pagkain" walang ganang sambit ko.

"Ito kamo pilosopo. Tumakbo as SSG President!" paglilinaw ni Abe.

"Wala namang pumipigil. Kung gusto mo then go! We'll support you" sabi ni Pauline at kumindat pa kay Abe.

"Salamat Guys ah!" masayang sabi ni Pauline.

"Sige susuportahan ka namin Abe. E ikaw Mary? Ayaw mong tumakbo as Secretary?" tanong ni Jhoni.

Napaisip ako. SSG Secretary? Pwede rin.. para naman may magawa na ako sa school na ito at hindi na ako mabored.

"I'll try" sabi ko sabay ngiti

"Yun oh! Sige bukas Mary, punta tayo doon para sa interview".

Tumango nalang ako at walang ganang tumayo para lumabas ng dorm.

To be continued

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon